CHAPTER 14

311 31 0
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

Hi I' am Allen Villaflor, 16 years old. I-i am Czarianne's secret admirer. Yup you read it right, it was me. When did I start? Here I'll tell you but just keep this secret huh.

*Flashback*

"Ohh nandito na pala ang dancer namin" Sabi ng MC kaya napalingon kami sa bagong dating.

Napatitig naman ako sakanya ng matagal.

"Oyy 'tol type mo?" Biglang siko saakin ni Justine.

"Oyy hindi 'no" Sabi ko pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin sakanya.

"Let's give a round of applause Ms. Czarianne Mendioro, the cousin of the birthday girl!" Sabi ulit ng MC.

Czarianne. Ang ganda ng pangalan, tumalikod siya sandali at pagharap niya ngumiti siya. Takte. Mukhang tinamaan nga ako, ang ganda niya at ang galing niya din  sumayaw. Napapatalon ang puso ko grabe.

"Ano 'tol diskartehan na kita?" Sabi ulit ni Justine.

"Ano? Sabing hindi ko nga type 'yon" Sabi ko saka tumalikod sakanya.

"Hindi raw, bahala ka jan ako na lang" Sabi niya at pumasok doon sa bahay.

"Hoy ano ba'ng gagawin mo? Sabing hindi ko nga type 'yon ehh." Sabi ko at sinundan siya.

"Kung hindi mo type , edi akin na lang" Sabi niya at pumunta ng kusina.

What the hell Justine.

"Ok" Sabi ko.

"Ok what?" Nakangisi niyang tanong.

"Type ko nga siya, happy?"

"Yown. Ako bahala sayo, didiskartehan ko lang" Sabi niya at tinapik ako sa balikat.

Tumayo lang ako doon malapit sa lamesa at pinanood yung gagawin ni Justine. Napapatawa pa ako ng mahina ng sinubo niya lang nang sinubo yung kinakain niya at tinaas pa yung isang paa.

What a boyish. She really is beautiful, kahit na kayumangi ang kulay ng balat niya. Pinanood ko siyang obserbahan si Justine kaya medyo napakunot ang noo ko doon kaya sumabat na ako.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at nakangiting kinausap ulit si Justine. Kainggit.

"Ahh I just want to have your number" Sabi ni Justine sakanya.

"Ayy wala akong phone" Sabi niya.

Dinungaw ko naman yung phone na nasa mesa niya. Wala raw.

"What's that?" Turo ko sa phone.

"Hindi saakin 'yan. Eto? Hindi saakin 'to, kay mama ko 'to"

Nag-k-kpop na ba ngayon ang mga nasa middle age? At Czarianne rin ba ang pangalan ng mama niya? Ibang klase din 'yo.

"Eto na lang, pwede ko malaman kung saang school ka nag-aaral?" Tanong ulit ni Justine.

"Bakit?"

Grabe. Ibang klase nga talaga siya, ang ibang babae jan sasabihin na lalo na kung gwapo ang nagtatanong. Siya hindi, kailangan munang dumaan sa question and answer portion hahaha.

"Bakit ba ang dami mo– aray" Sabi ko ng sikuhin ako ni Justine.

Gusto ko lang naman malaman kung bakit sinasagot niya din ng tanong 'tung tanong ni Justine tch.

"Saang school ka?" Tanong niya.

"UI" sagot ni Justine.

"Hindi tayo same ng school" Sabi niya.

Miss Super High Standars (Season 1)Where stories live. Discover now