Napangiti naman siya.

"Yes, Doc."

"Good night, Jen." Johansen smiled.

Bumilis ang tibok ng puso niya.

"G-good night, Doc."

Hindi ito dapat. Alam niya. Maling-mali ito. At dapat ng iwasan bago pa lumala.

Naulit ang nangyari na paghatid at pagbigay nito ng pagkain. He's not touchy but his words are enough to make her feel weak. Natatakot siya sa emosyon na bumubuo sa loob niya.

He's fucking married, Jenzi! Wake up!

"Have you seen, Jen?" Narinig niyang tanong ni Johansen sa isang Nurse.

Nasa palikong eskinita siya sa loob ng hospital nagtatago. Alam niyang kung liliko siya ay magkakasalubong sila kaya mabuti ay agad siyang nakatago.

"Hindi ko napansin, Doc. Wala ba sa Nurse quarter?"

"Wala, eh."

She sighed and started walking away. Tumunog pa ang phone sa bulsa niya. Napapikit siya sa inis.

Yes, they've been quite close na umabot na sa punto na nagpalitan sila ng numero. And his messages is sweet and quite flirty kaya mas lalo siyang rumurupok, eh.

Doc Johansen:

Where are you?

Doc Johansen:

Sabay na tayong uuwi?

She sighed heavily. Gustong-gusto niya si Doc Johansen pero alam niyang hindi pwede. Hindi pa naman siya nasisiraan ng bait.

Jenzi:

Nakauwi na, Doc.

Akmang itatago niya ulit ang phone ng makatanggap na naman siya ng mensahe.

Doc Johansen:

I told you to call me, Yuhan.

His name pronouced as Yuhansen. Yuhan, she wanted to call him that, too. Pero hindi talaga.

She didn't reply on his text. Pinatay na lang niya ang cellphone niya at saka pasimpleng umalis ng hospital.

Ganoon ang nangyari sa sumunod na araw. Hindi niya alam kung sinadya o coincidence lang na panay ang bisita ni Johansen sa palapag kung saan siya naka-assign. Mas nagtatagal pa ito sa palapag niya bago bumisita sa iba.

"Hindi ko pa nakikita ang asawa ni, Doc." Pag-chichismisan ng kasamahan niya.

"Sabi raw na ang asawa ni Doc ay kaklase nito dati sa college at sa Med school. Hindi naman kumalat sa buong bansa na kasal sila. Siguro sa 'tin lang na kakilala niya?"

Nanatili lang siyang tahimik.

"Hoi, Jenzi. Baka may alam ka? Close ata kayo ni, Doc. Hinanap ka niya sa 'kin kahapon, eh."

"Ah, hindi." Agad na tanggi niya at nagligpit ng gamit.

Hindi na siya nagpaalam at umalis na ng locker.

Panay ang lingon niya na para bang criminal siya na nagtatago. It has been three days since she last avoided him. Hindi na siya nagrereply sa text nito at para pigilan ang sarili at hindi niya binuhay muli ang phone niya.

Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon