Chapter 20

445 13 0
                                    

Trigger warning: suicide

---

Chapter 20

Winonah

"Pinapatawag ka raw ng Dean," sabi sa akin ng kasamahan ko nang pumasok ako sa ospital.

Nanlamig kaagad ang mga kamay ko. "Sige, susunod na ako."

Puno ng pag-aalala ang mga mata ni Karen nang tumingin sa 'kin. "Bakit ka pinapatawag ng Dean?"

"Hindi ko alam," ngunit nanginginig ang boses ko. "Baka may gusto lang siyang itanong."

Pero alam namin na imposible iyon. Seryoso na ang usapan kapag sangkot na ang Dean. Wala naman akong nilabag. Isa lang talaga ang pumasok sa utak ko... ang scholarship.

"Ayos ka lang?" ani Karen. "Gusto mo ba na samahan kita?"

Pumilit ako ng ngiti. "Hindi na. I can manage. Salamat."

"Okay. Pupunta ka ba ngayon o mamaya na lang?"

"Ngayon na."

Bumuntong-hininga siya. "Nandito lang ako, Winonah. Kung ano man ang mangyari, ililibre kita."

"Ewan ko sa 'yo."

"Hihintayin na lang kita sa lab, okay?"

Tumango na ako at naglakad na palabas ng university hospital. Ilang building pa ang kailangan kong daanan upang makarating sa College of Medicine. Habang papunta roon, nanghihina na ako.

Everything will be okay. Hindi naman siguro ito masamang balita, 'di ba? Ginawa ko naman ang lahat.

Ayokong umiyak kaya imbis na mag-isip tungkol doon, pinagmasdan ko na lang ang nasa paligid upang may ibang pumasok sa utak ko.

Pagdating sa building, dumiretso na ako sa opisina. Tinitigan ko muna ang pinto at huminga nang malalim bago kumatok ng tatlong beses at binuksan ito.

"Miss Fierro, welcome!" bati ng Dean.

"Magandang hapon, po," bati ko rin at pumasok na sa loob.

May katandaan na ang Dean. Isa rin itong Doktor at hinahangan ng lahat ng estudyante dahil sa talino nito. Sa paraan pa lang ng pagtitig niya sa 'kin, kaagad na akong kinabahan.

"Take a seat," aniya.

Umupo ako sa upuan na nasa harapan ng kanyang desk. Nanlalamig na ang mga kamay ko ngunit mas lumala pa ito dahil sa aircon.

"I am always concerned about the students," aniya. "Especially those who are special. You, Miss Fierro, are special. You are one of the most intelligent students in the department. For years, I have been watching you."

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. Base sa lungkot na nasa boses niya, alam ko na kung ano ang patutunguhan ng lahat ng ito. Nangingilid na ang mga luha ko.

"In third year, bumaba na ang mga grado mo. Lalo na ngayon. You are a graduating student, Miss Fierro. And your expenses are sponsored by the scholarship."

Tumango lamang ako kasi hindi ko na kayang magsalita.

"Are you aware of your grades?"

"Opo," mabigat kong sabi habang nakayuko pa rin.

"What is wrong? This is very alarming. Alam mo naman kung bigla ka na lang mawala sa scholarship, 'di ba?"

"Alam ko, po." My voice was shaking. "Siguro masyado lang akong pagod nitong mga nakaraang linggo. Pero maaayos ko pa naman 'yan. Pagbubutihan ko po sa darating na exam."

When the Cold Fire BurnsWhere stories live. Discover now