Chapter 06

507 15 2
                                    

Chapter 06

Winonah

Paggising ko, ang una kong hinanap ay ang wallet ko. Masyado nang alarming na wala akong raket nitong mga nakaraang linggo. Wala akong source of income. Hindi ako puwedeng magpabaya kasi hindi ako mayaman.

Hindi ako mayaman.

Isang katotohanan na palagi akong sinasampal. Araw-araw.

Hindi ako katulad ng iba kong mga kaklase na tanging ang paparating na exam lang ang inaalala.

Sobrang sakit na makita ang kaunting pera na nasa wallet ko. Magtatagal pa ito ng tatlong linggo. Kaya ko pa. Kakayanin ko kasi wala akong choice.

"Bilisan mo, Winonah," tawag ni Karen nang lumabas ako sa kuwarto.

"Oo na, oo na."

Hinintay niya ako at sabay kaming lumabas upang magtungo sa sakayan ng jeep. Hawak niya ang cellphone niya at nagbabasa ng kung ano. Ako rin ay hawak ang maliit na reviewer upang mag-aral.

Halos araw-araw na yata akong nagbabasa at nag-aaral. Mas busy na kami ngayon dahil huling taon na. Kahit malaki ang problema ko sa pera, kahit papaano ay nakakahinga ako nang maluwag kapag iniisip na ga-graduate na ako.

Iyon na lang ang pinanghahawakan ko ngayon. At ang scholarship ko.

"Pupunta na muna ako sa locker," sabi ko nang makarating sa university.

"Sasama na lang ako sa 'yo."

"Huwag na. Mauna ka na. Maaga pa naman. Save mo na lang ako ng upuan."

"O sige," aniya. "Bilisan mo kasi magku-kuwentuhan pa tayo tungkol sa mainit na tsismis ngayon."

Napangiti ako. "Tsismis na naman."

Umirap siya. "Aba, kahit busy na tayo sa pag-aaral, hindi pa rin ako nahuhuli sa mga tsismis 'no!"

Nagpaalam na ako sa kanya bago pa humaba ang usapan namin. Lumiko na ako upang magtungo sa College of Medicine. May kukunin kasi akong libro na nasa locker.

Habang nasa daan, nagkunot-noo ako nang makita si Jimson Serese. May hawak siyang isang karton. Ano na naman kaya ang pakulo ng lalaking 'yan? May pa-karton lagi, eh.

Hindi ko na dapat siya papansinin ngunit nang magtinginan kami, nahinto siya sandali at naglakad na patungo sa akin.

May kutob ako. Isang napakalaking kutob. Tumingin ako sa karton na dala niya, tapos sa kanya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Mas binilisan ko pa ang paglalakad upang makalayo kay Jimson.

"Fierro!" I heard him called.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad, nagdadasal na sana may iba pa siyang Fierro na kilala rito sa university grounds.

"Winonah Fierro."

Nagbuntong-hininga ako at sumuko na. Nahinto ako sa paglalakad at humarap kay Jimson.

There's always something in his eyes. Palagi itong inaantok kaya siguro masungit siyang tingnan (idagdag mo pa na tahimik siya na tao), pero nakakakuha ito ng ekspresiyon. Palagi rin na maayos ang kanyang buhok. Hindi mataas, hindi maiksi. At iyong labi niya...

"Are you trying to get away from me?"

Kumurap-kurap ako at umiwas ng tingin. "Hindi."

"You are."

Sumimangot ako. "Hindi nga."

Humugot siya ng malalim na hininga. "Here." Inabot niya ang karton sa akin.

When the Cold Fire BurnsWhere stories live. Discover now