Chapter 10

425 15 2
                                    

Chapter 10

Winonah

Sa tuwing naalala ko kung paano ako inakusahan ni Jimson na nagseselos, bumibilis ang tibok ng puso ko. Sobrang lapit ko na kasing sumabi ng oo, nagseselos ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit kaya huwag mo akong pagtawanan.

Mabuti na lang at matalino ako. Nakaisip kaagad ako ng ibang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan.

Totoo naman na nag-aalala ako tungkol sa paghahanap ng part time, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya kinakausap.

"Karen, natanggap mo ba ang text ko?" sabi ko nang makita ko siya sa kusina habang nanonood ng palabas sa kanyang maliit na cellphone.

"Oo pero mukhang hindi mo magugustuhan."

Hininto niya muna ang pinapanood. Umupo naman ako sa katabing upuan.

"Ganito kasi 'yun," aniya. "May mga malalaki ang sahod sa mga clinic, pero masyadong in-demand. Iyong iba naman ay sa tagalinis sa bar hanggang madaling araw, kaso maliit ang sahod, eh."

Bumagsak ang mga balikat ko. Nakiusap kasi ako sa kanya kung may alam ba siya na part time job. Hindi na talaga pwede na nakatunganga lamang ako. Kailangan ko nang maghanap ng trabaho.

"Papatulan ko na lang kaya 'yung sa bar," mahina kong sabi.

Sumingit naman ang kasamahan namin sa boarding house. "Naku, hindi mo kaya ro'n!"

"Bakit naman?"

"Sobrang busy. Tsaka diba magdodoktor ka? Kailangan mo ng sapat na tulog."

Bumuntong-hininga lamang ako. Halos wala na nga akong panahon upang magpahinga. Buong araw, sa hospital lamang ako nakatambay. Pagod na pagod na ako.

"Wala ka na bang pera?" nag-aalalang tanong ni Karen.

"Meron pa naman pero..." hindi ko na ito dinugtungan kasi alam na ni Karen ang situwasyon ng wallet ko.

"Pwede ka namang umutang sa 'kin. May extra ako-"

"Huwag na, Karen. Thank you pero 'wag na."

"Ayos lang naman. Tsaka for the mean time lang kasi maghahanap ka pa ng trabaho, 'di ba?"

Tumango ako, bahagyang nahihiya.

"Habang wala ka pang trabaho, pahihiramin na muna kita."

"Eh, paano ka?" tanong ko.

"Huwag mo akong alalahanin kasi ayos lang ako. Gusto rin kitang tulungan."

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib. Ni minsan ay hindi talaga ako mahilig umutang. Ayaw ko dahil baka hindi ko kayanin. Wala pa naman akong permanente na source of income.

Kaso panahon na upang lunukin na muna ang hiya. Kung hihinto ako, mas doble lang ang mababayaran ko kasi matatanggal na ako sa scholarship kung ganoon.

"Salamat, Karen," ani ko.

Ngumiti siya. "You're welcome. Tsaka ang dami mo kayang naitulong sa akin."

Kaya tinanggap ko ang pera mula sa kanya. I can still survive for a week or two. Sakto na rin iyon upang makapaghanap ng trabaho na babagay sa schedule ko.

Kaya naman mas lalo pa akong nagtipid.

Pandesal lamang ang kinakain ko sa umaga. Sa tanghali ay biskwit. Sa hapon naman ay pandesal ulit. Tinitiis ko kahit kumakalam na ang tiyan ko sa gutom. Idinadaan ko na lang sa tubig kasi hindi ko kayang gumastos.

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka," tanong ng isa kong kasama.

"Ayos lang."

Pero hindi ako maayos. Gabi-gabi akong umiiyak kapag nagugutom. Wala akong choice kundi tiisin ito.

When the Cold Fire BurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon