Chapter 18

375 13 0
                                    

Chapter 18

Winonah

Pumikit muna ako at huminga nang malalim bago lumabas sa kuwarto. Papunta kami ni Karen sa ospital. Ibig sabihin nun, may chance na magkita kami ni Jimson. Ayoko pa siyang makita. Lalo na at paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi ko kay Janice.

Magkaibigan naman kaming dalawa. Pero lolokohin ko pa ba ang isipan ko? I know I wished that we were more than friends.

Ngunit kahit na iniiwasan ko si Jimson, mas nanaig ang kaba na baka matanggal ako sa scholarship ko.

"Ayos ka lang?" tanong ni Karen nang nasa jeep na kami.

"Oo naman."

"Namumutla ka kasi, Winonah. Sure ka na ayos ka lang?"

Tumango ako at nag-iwas ng tingin.

"Kumain ka na ba?"

"Ayos lang ako," tugon ko sa kanya.

Narinig ko ang kanyang buntong-hininga at hindi ko na siya pinansin pa. I also ignored my shaking hands.

Pagdating sa ospital ay kaagad akong dumiretso sa CR upang maghugas ng kamay. Abot langit ang kaba ko. Para na rin akong maiiyak habang nakatingin sa mga nanginginig kong kamay. Kaya hinugasan ko na rin ang aking mukha.

I can do this. Ngayon pa ba ako susuko?

Paglabas ng CR, nakita ko si Jimson Serese na mukhang kakapasok lang. Kaagad akong yumuko para hindi kami magkatinginan at naglakad nang matuwid.

I felt him staring at me, but I ignored him. I always ignore him.

Pero tuluyan ko na siyang nakalimutan nang lumakas nang lumakas ang pintig ng puso ko.

* * *

"Bakit ngayon ka lang?" sabi ng katrabaho ko nang pumasok ako sa kusina.

"Pasensya na. Medyo natagalan ako sa ospital, tsaka traffic din."

"Bilisan mo na," aniya. "Sobrang dami ng gagawin sa kusina. Ang daming customer."

"Okay," ani ko at tumango.

Mabilis akong nagbihis sa locker at dumiretso na sa sink. Halos bumagsak ang buong katawan ko nang makita ang mga nakatambak na kaldero at plato. Nangingilid na ang mga luha ko sa pagod at sa kaba.

Paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi ni Dok patungkol sa scholarship ko. Maaari akong bumagsak at magbayad ng isang sem. Eh, hindi ko kaya ang ganoong halaga. Hindi ko kaya.

"Anong tinitingin-tingin mo?" sita ng isang Chef. "Maghugas ka na! Late ka na ngang dumating, ang bagal-bagal pa ng galaw!"

"S-Sorry, po."

Huminga ako nang malalim at kaagad na isinuot ang rubber gloves upang magsimula na.

Anong ginagawa ko rito? Hindi dapat ako naghuhugas ng plato. Kailangan kong mag-aral. Ngunit sapat na ang inaral ko. Hindi ito sapat. Hindi ito magiging sapat.

Ano na lang ang gagawin ko kung mawawala ako sa scholarship? Ano na lang ang mangyayari sa mga pangarap ko?

Saan ako uutang? Saan ako kukuha ng pera?

Kailangan kong mag-aral nang mag-aral nang mag-aral nang mag-aral.

Sobrang nanginginig ang mga kamay ko. Ang mga luha ko ay nangingilid na rin.

"Bilisan mo!"

"Kailangan ko ng kaldero!"

"Double time!"

When the Cold Fire BurnsWhere stories live. Discover now