Chapter 02

516 19 0
                                    

Chapter 02

Winonah

"We need to fucking talk. Again."

Tinitigan ko nang mariin si Jimson Serese. Sa totoo lang, bahagya akong natakot nang magkatinginan kami kanina. Hindi ko rin inasahan na lalapitan niya ako. Pero hindi ko ito puwedeng ipahalata.

"M-Mauna na ako sa hospital," sabi ni Karen.

Tumingin ako sa kanya at sinenyasan na huwag akong iwan dito. Ngunit nakita ko rin na natatakot siya kay Jimson. Kumpara kasi kahapon, mas agresibo ito ngayon.

"Sige," sabi ko at tumango sa kaibigan ko. Tiningnan ko siya na maglakad papunta sa university hospital.

Tumalikod pa siya upang tingnan ako at palihim na nag-cheer sa akin. Pinirmi ko ang labi upang hindi matawa at iniwas na ang tingin mula sa kanya.

"Follow me," ani Jimson at naglakad patungo sa kinauupuan niya kanina.

Sumunod naman ako kahit na hindi ko alam kung ano ang pakay niya.

"Marami pa akong kailangang gawin kaya bilisan mong makipag-usap sa 'kin," sabi ko.

Tumingin ulit siya sa 'kin. Kinuyom ko ang mga kamao dahil sa kaba.

"Could you please stop looking at me like that?"

Nagtaas ako ng kilay. "Na ano?"

"I already told you yesterday, right? It doesn't hurt to be kind."

Pinagdikit ko ang labi nang nakonsensiya. Nakikita ko na naapektuhan pala siya kapag sinusungitan ko siya ng tingin. Nakakainis din naman kasi siya, eh!

And it's not just because he's smarter than me. Naiinis din ako dahil mayaman siya. Sobrang yaman. Na kaya niyang gawin ang kahit na anong gusto niya na walang harang. Na kailanman ay hindi ko iyon mararanasan.

"Pasensya ka na," sabi ko. "Hindi ko lang talaga mapigilan na mainis sa 'yo."

Kumunot ang noo niya habang nakatingin nang diretso sa 'kin.

"Nainggit lang kasi ako sa 'yo. Mayaman ka kaya kayang-kaya mong gawin ang gusto mo. Nasa 'yo na ang lahat."

Seryoso na ngayon si Jimson Serese at hindi ko na mabasa kung ano ang iniisip niya.

"Pero seryoso ako nang sinabi ko na ikaw ang sisira sa buhay ko."

"I don't remember anything, Fierro. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi mo."

Walang gana akong tumawa. "Of course, hindi mo alam."

Nag-iwas ng tingin si Jimson sa akin, pagod nang makipaghilahan.

"Last year, muntik na akong ma-kick sa scholarship program," ani ko. "Ako ang nasa pinakahuling spot. Mabuti na lang umabot pa ang grades ko. Nakakatakot iyon kasi hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali kasi wala akong pera."

Bumalik sa akin ang tingin ni Jimson, handa nang makinig.

"Matagal kong tinitigan ang mga nasa listahan. Out of everyone, ikaw ang pinakamayaman. Kaya napaisip ako: anong ginagawa niya rito? Hindi ba may pera siya? Ba't kailangan niya pa ng scholarship?"

Kinuyom niya ang kanyang mga kamao. Halata sa mga mata ni Jimson na naiirita siya sa mga sinasabi ko pero wala akong pakialam.

"Sa totoo lang, hindi mo deserve ang posisyon mo sa scholarship. Is it pride? Honor? Hindi mo alam na sa tuwing paangat ka nang paangat sa listahan, maraming scholar ang mga nalalaglag. At kapag pangalan ko na ang natanggal, alam ko na kung sino ang kaagad kong sisisihin."

When the Cold Fire BurnsWhere stories live. Discover now