Chapter 22

416 14 0
                                    

Chapter 22

Winonah

Alas dos na ng madaling araw pero hindi pa rin kami tapos ni Jimson. Kung anu-ano na ang pinag-usapan namin.

Sobrang gaan ng pakiramdam ko habang sinasabi ko sa kanya ang matagal ko nang kinikimkim na mga saloobin. Hindi siya nag-react. Hindi rin niya ako hinusgahan.

Kanina pa may tumatawag sa kanya ngunit pinapatay niya lang. Masyado sigurong malala ang nangyari sa papa niya at alam ko na nandito lamang siya upang huminga.

"Nga pala," ani ko. "Kumusta na kayo ni Janice?"

Namula kaagad ang mga pisngi ko! Kanina ko pa ito gustong itanong. Sana itinago ko na lang 'to, lalo na at may maliit na ngiting sumilay sa labi ni Jimson.

"Hindi naman sa ano... Curious lang," dagdag ko.

Natawa siya nang mahina. "Curious?"

Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Dahil sa kape ay hindi kami tinatablan ng antok.

"I decided not to see her anymore."

Nagtaas ako ng kilay. "Bakit naman?"

"Just because."

"Just because," diin ko.

Ngumisi siya. "I figured that I'm just wasting time with her, Fierro."

"Magkaibigan kayo, 'di ba?"

"Not really. She is an acquaintance."

"Pero magkababata kayo," puna ko.

"That was history."

Sobrang tahimik ng paligid. May iilang mga sasakyan na dumadaan. Kaunti lang ang tao. Sobrang peaceful.

"Eh, paano ang business ninyo?" tanong ko nang maalala ang sinabi ni Janice sa akin noon.

Para bang may bumara sa lalamunan ko. Sabi ni Janice na mahalaga ang ugnayan nila ni Jimson. Alam ko na may linya sa pagitan sa 'kin at sa kanila.

"I am not interested, Fierro. I will not talk to her anymore and I don't even care about the agreement between our families. Okay, it's insensitive, but I don't want to deal with them. I never want to deal with them."

"So hindi na kayo nag-uusap?" medyo nahihiya kong tanong.

Umiling siya. "Hindi na."

"Ah..." I nodded.

Katahimikan.

Nasa pangalawang baso ng kape na kami. Paubos na ang sa 'kin. Sa kanya naman ay kalahati na lang ang laman.

Pareho kaming nakatitig doon. Parehong iniiwasan ang tingnan ang isa't isa.

Tsaka lang bumalik sa akin na sobra ko itong namiss. Matagal na pala kaming hindi nag-uusap. Nitong mga nakaraang araw, panay ang sagutan namin.

Tsaka lang bumalik sa akin ang lahat ng mga ginawa niya. At hindi ako tanga o bulag upang hindi makita kung ano iyon.

"Maraming salamat pala," sabi ko.

Wala siyang sinabi at tumingin sa 'kin.

"Imposible na may dalawang oras na part time job na ang sahod ay katumbas ng mga regular sa restaurant. Ilang beses na ako ng na-late pero hindi man lang nila ako pinaalis kahit sobrang strikto nila sa iba."

Matamlay siyang napangiti; unti-unting natanto ang ibig kong sabihin.

"Ngayon ko lang namalayan na ang weird pala. Pero kailangan ko ang trabaho, eh."

When the Cold Fire BurnsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz