End

508 18 2
                                    

This is the last part of the story followed by Jimson's letter and the Author's Note. Thank you.

---

End

Winonah

"Dok, okay na po ang catering," sabi ng staff.

Ngumiti ako sa kanya. "We'll start in five minutes."

Abala ang lahat. Ramdam ko na ang excitement ng mga bisita. My hands were so cold.

Nasa kuwarto ako upang kolektahin ang sarili. Tila ba na-o-overwhelm ako sa mga nangyayari ngayon araw.

I remember how I used to lose my mind because of the endless tasks I needed to finish even if my body was so tired. Ngayon, parang hindi ako mapalagay sa tuwa.

Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang mga tao sa labas kabilang na sina Nanay at Wilbert. Pati na rin si Karen kasama ang iilang mga kasamahan sa med school.

May kumatok sa pinto. Akala ko ay ang staff ulit ito ngunit nakita ko si Jimson na pumasok.

Nakasuot siya ng navy blue na polo-shirt at itim na pantalon. Nakaayos din ang buhok niya.

"Hey, you okay?"

Bumuntong-hininga ako. "Hindi ako okay. Nandiyan sina Nanay. Nandiyan ang Mommy mo at mga pinsan mo. Paano kung makalimutan ko ang dapat kong sabihin?"

Jimson chuckled and went to me. He placed his arms on my waist. Alam ko na gusto niya akong pakalmahin pero sobra na talaga akong nate-tense.

"Dok, relax ka lang," he whispered.

"Hindi ko puwede."

Natawa siya nang mahina. "You made it. We made it. Everyone is looking for us by now. Come on, let's go."

Tumingin ako kay Jimson. Napansin niya ang takot ko.

"Let's go," he whispered and took my hand.

After an exhale, we went outside of the room. The staffs greeted us. Jimson's hands remained intertwined with mine.

My tears slowly built up when I saw the gold nameplate that was on the wall.

Fierro-Serese Clinic

It feels surreal. Ilang taon na nga ba? Apat? Lima? So many ups and downs. So many tears of pain and joy. But I made it. We made it.

At ngayon ay tuluyan na naming bubuksan ang aming sariling klinika. Jimson dreams of building a hospital someday. Pero magsisimula muna kami sa maliit.

He can make it come true. With all the money he has and the family behind him. Pero ayaw niya. Jimson wanted to savor each process.

Nang humarap kami sa mga bisita, ang daming kumukuha ng picture. Hindi naman talaga maliit ang aming private clinic na pinatayo. Dalawang palapag ito. Kaunti lang din muna ang mga staff kasi hindi pa naman kami nagbubukas. Pero may mga media na nakaabang.

Tanaw ko ang pamilya ni Jimson. His mom was kind to me. Akala ko nga ay hindi niya ako tatanggapin. But they were all so welcoming.

Lalong-lalo na ang mga pinsan niya na kahit ngayon ay nalilito pa rin ako sa mga pangalan. Ang dami naman kasi.

"Ano po ang pakiramdam na may sariling clinic na po kayo ng fiancé ninyo?" tanong ng isang journalist.

"It is so fulfilling knowing that we both want this to happen."

"Kailan po ang kasal?"

"We are still planning about it," sagot ko.

Pagkatapos ng ilang tanong, tumayo na kaming dalawa ni Jimson sa harap ng main entrance ng clinic. May hawak kaming gunting para sa ribbon na puputulin namin.

When the Cold Fire BurnsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu