"Tokyo may kalaban sa likuran mo!" Tili ni Sasha kaya nagpanic ako at bago pa man ako makalingon huli na ang lahat dahil nakaflash na ang defeat sa screen.

"Killed by Ashiro Feizi." Bulong ko.. Eh? Ashiro?

Tinignan ko yung profile kasi baka poser, given naman na may poser siya at bilyonaryo siya pero ganon na lang ang gulat ko dahil level one palang ito. Agad kong inalis ang headset at hindi na pinakinggan ang reklamo nung tatlo at dire-direcho akong pumunta sa room ni Ashiro.

(Ashiro's Room)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ashiro's Room)

Buti na lang bukas ang pintuan niya at namangha ako dahil ang ganda ng room niya pero hindi yun ang pinunta ko dito. Sinilip ko kung nasaan siya at totoo nga! Siya nga dahil naka paskil sa may computer niya ang patay na katawan ko habang siya ay busy sa pagkain ng dumplings.

"Max level but killed by a newbie? Sheesh." Rinig kong pangbabash niya pa sa akin. "This game isn't that bad after all." Dagdag niya pa.

"Hoy instik!" Sigaw ko na ikinagulat niya kaya nabato niya yung dumpling sa akin na tumama sa noo ko. "Aray ko naman! Bat namamato ka ng pagkain?!"

"You startled me!" Sabi niya while clutching her chest.

"And you're bashing me." Irap ko sakanya but she looked at me confused. "Ako 'yang nasa screen mo!" Tinignan niya yung screen ng PC niya at bigla siya tumawa. Grabe ang ganda niya sana tumawa kung hindi lang sana ako ang pinagtatawanan niya.

"Tokyowt. Really? Your name sucks." Umiling pa 'to kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw nga yung iyo, full name eh! Ano ka nagfifill up for passport?" Sinamaan na niya rin ako ng tingin.

Nagtitigan lang kami pero inirapan ko na siya at binato yung dumpling niya na tumama rin sa noo niya kaya napadaing ito.

Sisigawan na sana niya ako pero agad kong sinara ang pintuan niya at tumakbo sa kwarto ko. That Feizi really is annoying. Sabihan ba namang baduy yung username ko.

"Hoy I am back." Sigaw ko sa tatlo na nagsipagtilian, paano nagchichismisan pala.

"Tangina mo Tokyo!" Singhal ni Nikki kaya nagtawanan kami. Nagusap-usap nalang kami sa discord at napagdesisyonang maglaro nalang ng Roblox habang nagchichismisan.

"Kailan ba uuwi kambal mo?" Tanong ni Moon kaya napakunot ang noo no.

"Sino ron?"

"Si Kyoto." Sabi ni Sasha kaya sinaway siya ni Moon.

"Tanga akin 'yon!" Sigaw ni Moon kaya natawa ako.

"Gaga anong sayo, may jowa na 'yon. Si Lilith." Pagkasabi ko non, bigla ng humagulgol si Moon dahil matagal na siyang simp sa ate ko na hinding hindi ko itotolerate.

Ewan ko ba. Ayaw ko na maging jowa ng isa sa mga kaibigan ko ang kahit sino sa mga kapatid ko dahil ang weird non.

And yes, all of my friends and Kyoto except Tako are gay.

"Akala ko ba babalik siya para sa akin?" Iyak ni Moon.

"Oo para sa utang mo, may pambayad ka na ba?" Asar ni Nikki kaya natahimik bigla si Moon.

"Wag mo na pala pabalikin be, di na pala siya kailangan here." Biglang pagbago ng mood ni Moon dahil naalala niyang nangutang siya kay Kyoto kaya nagtawanan kami.

"Gaga ka, nangutang ka sa crush mo pa, napaka laking turn off." Pang-aasar ni Sasha.

"Eh ayaw niya ako pansinin not unless mangutang ako." Sumang-ayon kami. Business minded si Kyoto, dami niyang nabebenta, tas nag papautang siya tas ang taas ng interest. Minsan nadadaan niya rin sa ganda kaya naiistress ako.

Tignan mo 'yang si Moon, wala namang balak mangutang, napa utang. Siraulo eh.

"Osya. Kwento mo naman kung kamusta ka na sa new school mo!" Biglang pag bring up ni Nikki sa eskwelahan ko.

"Oo nga Tokyo."

Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko pwede sabihing kasama ko ngayon ay isang Feizi dahil tiyak bukas na bukas andito yang mga yan sa dorm at guguluhin lang si Ashiro. At kapag nalaman pa nilang binilhan ako ng kung ano ano nung isa, aasarin nila akong may sugar mommy

Dahil diyan ang dami kong need i-adjust para kay Ashiro. Ang totoo niyan, wala naman siyang ibinabawal, di niya rin kamo ako inoobliga magshare ng bayad ko sa kuryente namin o tubig, ang gawin ko lang raw ay mag-aral at mag-work pero siyempre bilang respeto at pasasalamat, gusto ko siyang protektahan pati yung privacy niya.

Ito ngang personal computer na 'to, sinabi ko na lang na provided ng school kila Nikki. Hindi naman nila nakikita yung build kaya dinahilan ko na mapagtyatyagaan naman dahil nakakapaglaro ako ng Apex at Roblox at best condition din siya for schoolworks.

Pero jusko sana maitago ko 'to hanggang sa makagraduate.

Ashiro Feizi's RoommateWhere stories live. Discover now