-16-

112 6 2
                                    

Chapter 16:

Nagkwentuhan pa kami ni Kiro bago kami bumalik sa hotel at nagpunta na lang sa buffet. Kaming dalawa lang dahil ang lahat ay bsy sa pagbababad sa araw.

Ayoko naman magbabad sa araw dahil ayokong ma-sunburn. Masakit kaya!

"What do you want to eat?" Tanong ni Kiro habang nakapila kami sa buffet. May mga kasabay kami at alam kong pinagtitinginan nila kami. May mga naririnig pa nga akong ipit na tili galing sa babae sa likod namin.

Kumuha ng isang plato si Kiro at saka iniabot sa akin. "Ako na ang kukuha ng sa akin." Ani ko at hindi naman na siya umimik.

Tahimik na lang siyang kumuha ng kung anong nasa harapan niya. Tumigil lamang siya nang nakatapat na siya sa gelatin na dessert. "You love this, right?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako. Hindi na ako magtataka. Sa tagal naman ng pinagsamahan namin ni Kiro ay alam kong kilalang kilala na niya ako. Ultimo mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ko ay alam na niya. Kahit nga mga sikretong ayokong sabihin kahit kanino ay alam kong huling-huli niya.

Kilalang kilala na rin naman siya, e. O siguro ay akala ko lang.

He gave me two of the gelatin dessert at saka siya nauna sa upuan namin.

"Grabe namang sweet ng boyfriend na ganyan." Narinig kong bulong ng babae sa likod ko.

Humagikgik naman iyong isa. "Ang hot na, sweet pa. Ang swerte ni ate." Sagot niya pero humahagikgik pa rin. Iyong totoo, ano bang nakakaengganyong humagikgik sa mga batang ito?

"Don't you want to sit beside me?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako. Sasakit ang leeg ko kapag sa tabi niya ako uupo.

He raised his brow. "And why? Wala naman akong gagawin sa'yo na ayaw mo." He spoke.

I chuckled. "Baliw. Ayoko lang sumakit leeg ko kapag kinakausap mo ako dahil sa kakatitig ko sa'yo." Sagot ko. Iyon lang naman talaga ang rason ko. Hindi naman ako natatakot na may gawin siyang iba, e. Anlabo talaga nito.

Tinitigan lang niya ako. "So, inamin mong tinititigan mo ako?" He smirked.

Nabigla ako sa sinabi niya. "Hoy, hindi-"

He shook his head. "Napaka-in denial mo naman sa pagkacrush mo sa akin, Dans." He's smiling now. Alam kong inaasar na niya ako.

I rolled my eyes at him. "Bakit naman ako magiging in denial?" I defended.

He shrugged. "So, gusto mo ako kasi hindi ka naman in denial?" His grin is getting wider and I punch his face. Kanina lang ay nagmamakaawa siyang 'wag ko siyang ipagtabuyan, pero ngayon ay nang-aasar na naman siya.

Ugh!

Nakapangalumbaba siya habang tinititigan ako. Ang lapad ng ngiti niya at hindi ko alam kung maiinis ba ako, o ano. Kita ko naman ang kagwapuhan niya. Hindi ko pa nga naiisip na ganito pala siya kagwapo. Bakit ba ngayon ko lang napansin na may itsura pala itong unggoy na 'to?

Inirapan ko siya at saka kumain na lang. Hindi ko naman kailangang sagutin ang lahat ng tanong. Minsan, silence is the best way to stop a conversation.

Humalakhak lang siya at saka kumain na rin. Mabuti naman dahil wala na akong planong pag-usapan pa ang mga bagay tungkol dito sa nararamdaman ko para sa kanya. He doesn't feel awkward about it but I do.

I can't believe that I have been so close to him kahit na may nararamdaman na pala siya para sa akin. How uncomfortable could he had been? Bakit hindi ko man lang napansin iyon?

What He FeelsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant