-22-

110 9 0
                                    

Chapter 22

"Labas tayo!" Bulalas nila Luigi nang pumasok sila sa bahay. Kumpleto sila. Pati ang may sakit na si Kiro ay kasama nila.

Niliitan ko sila ng mata nang bumangon ako sa pagkakahiga ko sa sofa, gulat na gulat na bigla na lang silang pumasok sa bahay namin. Like a boss.

Iba rin naman talaga itong mga taong ito. Tsk. Tsk.

Umupo sina Toni sa tabi ko. "Tara!" Pag-aaya niya.

"Saan?" Tanong ko. Hindi ba sila napapagod lumabas? Ako nga nasa bahay lang pero pagod na pagod na ako.

"Thunderbird!" Sabay-sabay pa silang nagsalita. Seryoso? Thunderbird sa La Union, e, anong oras na? Maggagabi na! Pero ano pa ng aba ang magagawa ko, e, nandito na sila?

Tiningnan ko si Kiro na umupo naman sa tabi ko. Mukha naman siyang ayos na at walang sakit. Pero, ganoon na lang ba siya kabilis gagaling?

"Bakit kasama 'to?" Tanong ko kina Luigi. "May sakit si Kiro, a!"

Tumawa lang sina Luigi at saka ngumuso kay Kiro. "Anong magagawa namin kung party people siya at ayaw niyang mapag-iwanan?" Sagot niya.

Umiling na lang ako at tumingin kay Kiro. "Sabi ko magpahinga ka muna." Sinimangutan ko siya pero wala rin naman itong nagawa.

Laking gulat ko nang inakbayan niya ako. Siguro para sa mga kaibigan namin ay wala lang ito dahil ganito naman talaga kami pero para sa akin, iba. Nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang lapit niya sa akin. God! How can I even get used to this?

"I'm good. I've slept the whole day." Sagot niya at saka ginulo ang buhok ko.

Narinig kong kinakantsawan nina Luigi si Lloyd at Toni. Ano na naman bang nangyayari?

Umirap si Toni kay Lloyd at tumawa lang silang lahat.

Tumingin si Toni sa akin at kay Kiro. "You should've brought Rachelle. I heard she's in town." Sabi niya.

"Kanino mo narinig?" Tanong ni Anika.

Toni shrugged. "I have sources, Niks." Aniya at saka umirap kay Lloyd na sobra ang titig sa kanya.

Umiling lang si Anika at nagtawanan sila ni Mac. There's something about them. I'm not quite sure pero alam kong may something. It's something like this thing about me and Kiro. Different but quite the same.

"I'm sorry." Bulong sa akin ni Kiro habang nakaakbay pa rin sa akin. "I should tell them about how I feel about you."

Tiningnan ko siya. "What are you sorry about?" Tanong ko. Kung iyong tungkol kay Rachelle lang naman ang pinoproblema niya ay nagsasayang lang siya ng oras. I can deal with his past. I've been hanging in there for too long.

"About Rachelle." I knew he would say that.

I smiled. "You should be sorry kasi hindi ka pa magaling pero sumasama ka na naman sa gimik." I told him. Totoo naman. Paano naman siya gagaling kung lagi na lang siyang nasa labas?

"Tara na!" Hila ni Toni sa akin papuntang kwarto ko. "Wait for us!" Sigaw niya habang hinihila niya ako sa hagdan. Bakit ba ang hahyper ng mga kaibigan ko?

Tinulungan niya akong magbihis at mag-ayos. Magtatagal daw kasi kung ako lang ang gagalaw para sa sarili ko. May lahing Kiro ba itong si Toni? Pareho nila sinasabing mabagal akong gumalaw!

Binilisan ko ang pag-aayos dahil walang tigil ang pagdada ni Toni tungkol sa pagiging mabagal ko. Hindi naman ako mabagal. Siguro ay hindi lang ako kasing bilis ng ineexpect niya.

What He FeelsМесто, где живут истории. Откройте их для себя