-15-

121 8 0
                                    

Chapter 15:

Umupo ako sa tabi ni Toni habang kumakanta siya ng Love Me Harder ni Ariana Grande. Sumasabay naman sina Anika at Mika sa boses niya.

Kumakain ako ng halo-halo habang ang mga lalaki naman ay nagkakantsawan dahil sa isang babaeng nakabikini. Malamang, si Luigi na naman ang number one na nambababae. Sina Lloyd at Kiro ay tahimik lang habang humahagikgik sina Lui at Mac.

I rolled my eyes and shook my head at bumaling na lang sa halo-halong kinakain ko.

“Ikaw naman, Dandan!” Ani Toni at saka ibinigay sa akin ang song book.

Naghanap ako ng magandang kantang kantahin at saka naghulog ng limang piso sa videoke machine.

Take all of your wasted honor.

Every little past frustration.

Take all of your so-called problems.

Better put them in quotations.

Naririnig kong kumakanta rin sina Toni sa tabi ko. Maging si Anika na pumipili ng kakantahin ay kumakanta rin.

Say what you need to say.

Say what you need to say.

Say what you need to say.

Say what you need to say.

Hindi ko napansing napatitig pala ako kay Kiro habang kumakanta. Bigla akong nawala sa tiyempo ko dahil sa talim ng titig niya sa akin. Normal namang ganyan na talaga siya tumitig, e. Pero bakit parang iba ngayon at parang may ibang kahulugan?

Agad akong nagkalas ng tingin at tumuon na lang sa videoke. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi pwedeng hindi ko ma-control ang sarili ko sa harap niya. Alam kong marami pa siyang nakahandang plano at kailangan akong maging mas matibay.

Nang kumakanta si Anika ay tumawag sa akin si CK.

“Hello? Asan ka na?” Tanong ko sa kanya.

“Nandito na ako. Pinapark ko na lang ‘tong sasakyan ko.” Sagot niya. “Saan kayo banda? Pupuntahan ko na lang kayo.”

“Sa may kumakanta.” Sagot ko. “Sa videoke lounge nila.”

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. “Okay. I’ll be right there.” At saka niya ibinaba ang tawag.

Pagkababa ko ng cellphone ko ay naramdaman ko na naman ang titig ni Kiro sa akin. Ano bang problema niya at bakit ganyan siya makatitig sa akin?

Hinayaan ko na lang ang galaw ni Kiro at huminga ng malalim.

“CK! Dude!”

Napatingin ako sa sigaw ni Luigi kay CK. Andoon na nga si CK. Naka-board shorts at sleeveless na itim na damit. Kitang kita ko ang pagtingin ng mga babae sa kanya habang naglalakad siya papunta sa amin.

Binati niya muna ang mga kaibigan ko bago siya umupo sa tabi ko.

“Hi.” Masayang bati niya sa akin.

“Buti nakapunta ka.”  I replied and smiled.

Sumandal siya sa upuan at isinuot ang shades niya. “Pwede ba namang hindi ako pumunta kung ikaw na ang nag-imbita?” Tanong niya.

Naririnig ko sa tabi ko ang tili ng tatlong babaeng kaibigan ko. Sumulyap ako sa kanila at bigla silang natahimik.

“A, oo nga pala.” Ani CK at may ibinigay sa aking Tupperware. Siguro ay sa sobrang ayos niya kaninang papalakad siya dito ay hindi ko na napansin ang dala-dala niya. “Bigay ‘yan ni Chef Jay. Nasabi ko kasi sa kanyang may outing ngayon kaya nagpabaon siya ng dessert.”

What He FeelsWhere stories live. Discover now