-24-

92 7 0
                                    

Chapter 24

"Are you alright?" Paulit ulit na tanong sa akin ni Kiro simula nang humupa na ang tensyon sa Thunderbird. Umalis na si Rachelle kasama ang mga kaibigan niya.

Nakaupo kami ngayon at nagtatawanan. Okay. Sila yung nagtatawanan, ako ang pinagtatawanan.

"Dude, ang clingy mo!" Pangungutya ni Luigi kay Kiro.

Umirap lang si Kiro at saka ulit bumaling sa akin. "Please, Danielle, tell me if something's wrong." Malambing ang boses niya habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko.

Naiilang ako. Naiilang ako dahil lahat ng mata nila ay nakatuon sa akin. Naiilang ako kasi ang lapit lapit ni Kiro at sa tingin ko ay malulusaw na ako ngayon.

"I'm fine. Let's just eat." Ani ko at saka ngumiti. Pilit na ngiti dahil hindi ako kumportable.

Tumango si Kiro at saka kumain na.

Napatingin ako kay Mika na nasa harapan ko. Sinisipa sipa niya kasi iyong paa ko. Like seriously? Ano ba? Bakit hindi ka na lang magtext ngayon?

"So, Miggy, nasabi mo na ba sa parents ni Dans ang tungkol sa inyo?" Tanong ni Toni.

Tumango si Kiro. "We're having dinner together tomorrow." Aniya.

Halos lumuwa lahat ng mga mata ng mga kaibigan namin. Well, ako rin naman dahil nabibigla ako sa mga sagot nitong lalaking ito.

Lumingon siya sa akin at tumaas ang mga kilay. "Ano?" Tanong niya.

I shook my head immediately because my heart is beating really fast again. Bakit ganun? Bakit kailangan kong maging ganito kakinakabahan kapag nakakatitig siya? Dati naman ay nakakaya ko pang makipagtitigan sa kanya?

He smiled at me. Isinabit niya ang kamay niya sa upuan ko. "I love you." Bulong niya at halos magtilian ang mga kaibigan kong babae.

Nilingon ko ang mga lalaki at napansin kong bigla na lang tumayo si Luigi at mukhang badtrip. Sinundan naman ito ni Mika na parang alam kung anong gagawin ng kaibigan namin.

"Kiro, I sense something wrong." Hindi ko na napigilan. Tumayo ako at sinundan sina Luigi at Mika sa kung saan man sila pupunta.

"Wait!" Ani Kiro sabay hawak sa kamay ko. "Saan ka pupunta?" Naguguluhang tanong niya. Kahit ang mga natitira naming kaibigan ay naguguluhan na rin.

Bigla kaming natahimik lahat nang marinig namin ang sigaw ni Luigi.

"Fucker! Umuwi ka na!" Galit na galit siya kaya naman dali dali kaming sumunod sa kanila.

This is why I always try to observe the people around me. Mabilis kasi talaga akong makasense ng bagay bagay.

Nanlaki ang mata ko nang nakita ko si Dee Lopez na nakahandusay sa sahig.

Si Mika naman ay hinihila si Luigi palayo kay Dee. Sobrang nag-aalala siya. Sobrang concerned siya. Pero sobrang galit din si Luigi kaya wala siyang magawa sa concern at pag-aalala niya.

Agad namang dumalo ang mga lalaki para awatin sina Dee at Luigi.

"Dude, I just need to talk to Mika." Ani Dee habang nagsusumamo kay Mika na itinulak na ni Luigi papunta sa amin.

Matatalim ang titig ni Luigi sa kanya. "The last time you talked, you made her cry, you asshole! What made you think ipapakausap ko pa siya sa'yo?! Manigas ka diyan, gago!"

Umiiyak na si Mika habang pinapanood ang dalawa. Kahit si Toni ay maluha luha na rin.

"Please..." Nabasag ang boses ni Dee Lopez habang nagmamakaawa. "Ten minutes. I only need ten minutes, Mika. Ten minutes of your very precious time." Aniya. "Please, Bae? Please?"

What He FeelsOnde histórias criam vida. Descubra agora