-9-

113 5 0
                                    

Chapter 9:

“Are you okay?” Tanong ni Miss Joy, ‘yung supervisor namin. “Bakit parang namumula ‘yang mata mo?”

I shook my head and scratched my eyes. “Wala, Ma’am. Napuwing lang po ako kanina.” I lied. The truth is, kakagaling ko lang ng CR. I just finished crying. Hell, I don’t want to cry but my eyes have brains of their own.

Miss Joy looked at me. I know na hindi siya naniniwala sa palusot ko. She’s like a mother to us all. Alam kong alam niya kung may mali.

E, paano ba naman kasi? Hindi na nakakatuwa si Kiro. Nakakainis na lahat ng ginagawa niya. He’s being overly rude to me. Sobrang wala naman na siyang pakialam sa akin at sa nararamdaman ko.

Umupo na muna ako sa may nursery at pinakalma ang sarili ko. Isang tanong pa kasi kung okay lang ako at alam kong iiyak na naman ako. Hindi ako okay. Tangina, kailangan ko nang umuwi.

“Kiro! Admission na naman?!” I heard Sofia’s voice.

I flinched when I heard his name. Kiro. Damn it, Kiro.

Halos mapapikit ako nang marinig ko ‘yung tawa niya. Bwisit! At talagang may gana pa siyang tumawa. Nakakainis!

“Uy, kaibigan namin ‘to. Ayusin niyo, ha.” Kahit sa boses niya, naiinis ako. Nagpatuloy na siyang mag-endorse habang pinipilit ko naman ang sarili kong kumalma.

“Wala si Danielle dito?” Narinig kong tanong niya pagkatapos niyang mag-endorse.

Aba! At naalala pa pala niya ako. Well, malamang. Ako lang naman ‘yung bumaba pero walang naitulong sa kanya, ‘di ba?

“Nasa Nursery siya.” Narinig kong sagot ni Miss Joy. “Puntahan mo nga. Hindi ata maalis ‘yung puwing niya sa mata. Namumula, e.”

I looked away. Makikita kasi sa glass window na nakatingin ako sa may station.

Narinig kong bumukas ‘yung pintuan ng nursery. Wala akong nagawa kung hindi kusutin pa rin ‘yung mata ko. Ayokong makita niyang umiyak ako dahil sa kanya.

Nakakainis siya. Nakakainis talaga!

“Okay ka lang?”

Mas lalo akong naglayo ng tingin noong narinig ko ‘yung boses niya. Kung pwede nga lang akong mag-evaporate ngayon na, ginawa ko na.

Narinig kong papalapit siya sa akin.

“What happened to your eyes?” His voice is still cold. Halatang parang napipilitan pa rin siyang kausapin ako.

“Wala,” I scratched my eyes. “Napuwing lang ako.” I have to keep lying about this because there is no way I am going to admit that I cried because of his rudeness.

Masungit naman na talaga siya dati pa, e. Pero two weeks na niya akong hindi pinapansin. Hindi ako sanay na ako ‘yung hindi niya pinapansin. Ako lang ang pinapansin niya.

He sat in front of me, keeping his eye level same with mine. “Patingin nga.” He spoke as he motioned to hold my face.

I withdrew from his touch. “Wala. Okay na ako.” I replied. “Nawala na ‘yung puwing. Makati na lang.” I explained.

He didn’t speak but I know that he is still staring at me. I also know that he doesn’t buy my excuse but what the hell? Ayokong umastang bata dahil umiiyak ako para sa kakulangan ng atensyong ibinibigay niya sa akin.

“Punta ka na sa ER. Baka may pasyente ka pa.” I tried to shoo him away. I’m starting to get more uncomfortable. Kasi naman!

I heard him sigh. “Why did you cry?” He asked me.

What He FeelsWhere stories live. Discover now