-14-

109 6 0
                                    

Chapter 14:

“Pwede po ba akong mag-undertime ngayon?” I asked Miss Gemma, our Acting Chief Nurse.

She fixed her glasses and looked at me. “Bakit? May pupuntahan ka ba?” She asked.

I nodded. “Opo. Nasabi ko na rin naman sa kaendorse ko na maaga akong aalis ngayon kaya pumunta siya nang maaga.” I replied and motioned to Deryl who’s fixing her hair.

Ngayon ‘yong araw na pupunta kaming magbabarkada sa Vitalis. Nasabi ko na rin naman ito kay Miss Joy at pumayag naman siya. Siyempre naman, mabait kasi si Miss Joy.

“O sige. Ingat ka.” Sagot ni Miss Gemma habang inaayos iyong schedule namin.

Plano kasi ng barkada na mag-overnight ngayon doon. Nandoon na silang lahat, actually. Malamang ay nagkakasiyahan na sila. Tinawagan ko si CK at tinanong kung makakasama ba siya. Oo naman daw. Pero baka mahuli siya at hindi na makapag-overnight dahil may trabaho siya bukas.

“Sige po. Una na ako.” Paalam ko sa kanilang lahat at saka bumaba na sa lobby para magtime out. Napatigil ako nang makita kong nagtatime out rin si Kiro.

Napatingin siya sa akin at saka lumayo sa machine.

Simula nang magtapat siya sa akin ay naging awkward na ang lahat sa aming dalawa. Halos lahat kasi ng ginagawa niya ay nabibigyan ko ng iba’t ibang meaning. Maging ang pagtanong niya kung kumain na ba ako ay nalalagyan ko ng ibang kahulugan. O tama naman ba ang nasa isip ko? 

“Didiretso ka na ba doon?” Tanong niya sa akin.

Tumango ako. Dala ko na lahat ng gamit ko. Hinihintay ko na lang si Manong Ver para ihatid ako doon.

“Sabay ka na sa akin?” He offered.

I smiled weakly and shook my head. “Hindi na. Andyan naman na si Manong Ver, e.” I replied. Ayokong makisabay sa kanya dahil naiilang pa ako sa mga ginagawa niya.

I saw disappointment in his face when he heard what I said. Kung sana ay hindi siya nagtapat sa akin, maaaring sasabay ako sa kanya ngayon.

“Okay.” He sighed, defeated. “Mauna na ako, kung gano’n.” He told me and marched away from the hospital.

I shut my eyes and sighed hard. Ambilis ng tibok ng puso ko kapag nandyan siya. Feeling ko ay tatalon na ito sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig nito.

“Ayos ka lang, Ma’am?” Tanong ng guard na malamang ay nakita kung anong nangyari sa amin ni Kiro. Nakikita rin naman kasi niya dati na lagi kaming sabay noon, e. Pero ngayon ay halatang hindi kami komportable sa isa’t isa.

Alam naman ng lahat. Hindi na rin kasi kami nag-aasaran kaya pansin na pansing hindi kami ayos.

Tumango ako sa tanong ng guard at saka naglakad sa harap ng St. Martin. Sakto namang nandoon na si Manong Ver, naghihintay.

Sumakay na ako sa sasakyan at sinabing idiretso na ako sa Vitalis Resort.

“Ayos ka lang ba, Danielle?” Tanong ni Manong Ver habang tinitext ko sina Toni na papunta na ako.

Tumingin ako at saka tumango. “Oo naman po.” Sagot ko. “May mali ba sa akin ngayon?” Tanong ko pabalik.

He shrugged habang nililiko papuntang highway iyong kotse. “Hindi ko rin po alam. Pero parang may nagbago sa ikinikilos niyo.” Sagot niya.

I looked at him and chuckled. “People change, Manong Ver.” I tried to joke.

He laughed and didn’t ask for more. Mabuti naman dahil hindi ko na rin alam kung anong isasagot ko kapag nagtanong pa siya.

What He FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon