-1-

698 14 3
                                    

Chapter 1:

“Matagal ka pa ba diyan?!”

Hindi ko na alam kung ano bang gustong mangyari ni Kiro. E, ang aga niya akong sinundo! Tapos ngayon, andami niyang sinasabi. Antagal-tagal ko raw at kung anu-ano.

“Wait lang!” I yelled back before I put on my eyeliner. I couldn’t go out of the house without my eyeliner. Hindi pwedeng masinagan ako ng araw na wala akong eyeliner. Hindi ko alam kung bakit pero parang routine na sa akin iyon.

“Antagal! Malelate na tayo!”

I rolled my eyes at his words. Kahit kailan talaga, ang iksi ng pasensya niya. Wala pa nga siyang tatlumpung minutong naghihintay, e!

E, bakit ba kasi ang aga niyang pumunta dito sa bahay? Wala pang alas-sais y media, e. Akala mo naman ang layo ng ospital na pinagtatrabahuan namin. E, parang sa kabilang kanto nga lang iyon.

“Tapos na, tapos na!” Sigaw ko pabalik sa kanya habang inaayos ko iyong buhok ko. Kailangan kasi naka-bun yung buhok sa trabaho.

“Tsk!”

Anlayo layo niya pero rinig na rinig ko ang pagkairita niya.

“Ito na nga!” Sigaw ko ulit at saka lumabas ng kwarto ko.

Nakita ko siyang nakaupo sa sofa sa tabi ng kama ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit pinapasok ito ni Mama sa loob ng kwarto ko, e. Mag-isa lang naman akong anak at sana naman ay pinapahalagahan nila ako ng kaunti.

Paano na lang kung naisipan akong gahasain nitong mokong na ito? E, di ako pa ang na-mental hospital?!

Kiro is one of my childhood playmates. I don’t know if I can call him a friend kasi ang sungit niya lagi. Magkapitbahay kasi kami. Sabay kaming lumaki kasi magkumare sina Mama at si Tita Kia, nanay niya. Pareho rin kasi kaming first and only born. It’s even very ironic dahil we came from the family of entrepreneurs. Pero, here we are, working as nurses.

“Buti naman at naisipan mo pang lumabas.” Minsan talaga, naghihinala ako sa kasarian ng lalaking ito, e. Mas matalim pa umirap kaysa sa babae. Grabe.

I pouted and he sighed. Alam ko namang kahit masungit itong lalaking ito, hindi pa rin siya makakatanggi sa pout ko. And no, we’re not a couple, by the way.

We just grew up together like this.

Noong college, magkaiba kami ng school, sa Trinity ako at UST naman siya, pero nasa iisang condominium building kami. Magkaiba lang ng floor – sa Sun Residences along España Boulevard.

He would fetch me from school if he has time at saka kami mag-aaral nang sabay. Magsheshare kami ng notes sa isa’t isa base sa itinuro ng prof namin. Siguro, I can say na kahit sobrang sungit niya, he’s the closest male friend that I have.

He stood up and walked out of my room, going all the way out of the house.

“Hindi ka na ba kakain?”

I shook my head at Mama’s question and just ran after Kiro who was already in front of his car, waiting for me. “See you later, Ma!”

I didn’t hear her reply dahil nasa labas na ako at binubuksan ko na ang pintuan ng passenger’s side ng BMW ni Kiro.

“May pasyente ka kaya ngayon?” Tanong niya sa akin habang ikinakabit ko ang seatbelt ko.

I shrugged. “Baka mayroon.” Sagot ko. Sa Intenisve Care Unit kasi ako naka-assign at siya naman sa Emergency Room. Actually, siya ang head ng ER Department. I don’t know why though.

I saw him look at me from my peripheral vision. “So, hindi ka pwedeng mag-lunch out mamaya?” Tanong niya na naman.

I shrugged and looked at him. “Bakit? May plano bang maglalunch out ngayon?” I asked back.

What He FeelsWhere stories live. Discover now