Chapter 27

621 5 3
                                    

Walang tao sa sala pagkapasok namin sa loob ng Bahay ngayon. Pero rinig ko ang mga tunog ng kutsara na lumilikha ng ingay mula sa kusina. Kaya sa kusina ako dumiretso habang karga si Velle.

Nagulat ako nang madatnan si Veme na nakatalikod habang nakapatong sa isang silya na kaniyang tinatayuan na sinasabunan n'ya ang isang pinggan. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang anak ko sa ganitong sitwasyon ngayon.

“Veme?” agad siyang lumingon sa akin na nanlaki ang mga mata n'ya sa pagkabigla. Kaya dali-dali siyang bumaba mula sa pinapatungan n'ya na silya at mabilis tumakbo papalapit sa amin.

“MOM! VELLE!” Masayang hiyaw nito na nagagalak. Yumukod ako ng konti para maabot n'ya ang kapatid n'ya na binigyan n'ya ng munting halik sa cheeks at ako rin ay kaniyang hinalikan sa cheek.

“Bakit ikaw ang naghuhugas? Nasaan ang daddy mo?” Magsasalita pa sana siya nang marinig ko ang boses ni Vensley na papalapit dito.

“Dad, si Mommy!” bigay-alam ni Veme sa daddy nito na kararating lang. Nagkatinginan kaming dalawa ni Vensley na parang nagulat siya ngayon na nandito kami ni Velle. Marahil hindi n'ya inaasahan na dadalaw kami rito. Tapos si Veme tumakbo pabalik sa lababo na tinuloy n'ya ang paghuhugas ulit.

“Veme? Nasaan ka?” boses babae na nagpakunot sa noo ko. Pagkalapit n'ya nakita ko siya agad. Isang dalagang babae na namilog ang mga mata n'ya pagkakita sa akin na nagulat.

“Yaya! Patapos na ito. Tatapusin ko lang.” Umawang ang bibig ng babae na tinawag ni Veme na 'Yaya'.

Palipat-lipat ang tingin ng babae sa aming dalawa ni Vensley. Tapos ibinalik n'ya ang tingin kay Veme na nasa lababo ngayon na kaniyang ikinasinghap at tumakbo papalapit sa anak ko.

“Bakit mo tinapos? Sabi ko ako magtatapos n'yan, ih. Sorry po talaga, Sir. Sinampay ko lang ang ilang basahan sa labas,” paliwanag n'ya sa kinakabahang boses nito. Narinig ko kung paano humagikhik si Veme nang yakapin ng Yaya n'ya na pinanggigilan. Napapikit ako na ang sakit sa mata kapag tinitingnan ko silang dalawa na ang close na nila. Pagmulat ko ay siya ring pagtama ng mga mata naming dalawa ni Vensley na nag-aalala n'ya akong tiningnan.

“Nag-hire ka pala ng Yaya,” matigas na sabi ko kay Vensley. Hindi n'ya ako matingnan sa mga mata ko at panay ang lunok n'ya ng laway. Kumukulo ang dugo ko ngayon.

“Akin na si Velle,” sabay kuha ni Vensley kay Velle mula sa akin. Tiningnan ko lang siya na hindi ako matingnan sa mga mata ko. Nandito kami sa sala ngayon na nakaupo ako sa sofa. Umalis si Veme para makipaglaro kay Adi.

Sumusulyap pa ang Yaya sa amin dito. Umirap nalang ako parang ang Chismosa. Ngayon ko nga lang nalaman na may Yaya pala sila rito. Nagagalit ako na naiinis.

Lumabas ako ng bahay na dito malapit sa Swimming pool sa likod ako dumiretso. Umupo ako sa isang upuan at saka ipinatong ang mga dala ko sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan ko ngayon. Naramdaman kong umupo sa kabila si Vensley na kaharap ko na ngayon habang karga si Baby Velle na hindi umiiyak.  Nanatiling tahimik kami pareho na wala ni isa sa amin ang nagsasalita.

“Bakit kailangan mo pang kumuha ng Yaya?” tanong ko habang sa swimming pool ang mga tingin.

“Tatlong araw palang siya rito.” Sagot n'ya na matalim ko siyang tiningnan. Tatlong araw pero close na ang Yaya na iyon sa anak ko kay Veme.

“Wala akong pakialam kung ilang araw siya nandito. Ang sa akin lang, bakit nga kayo may Yaya?” matigas na ani ko sa kaniya. Nagtama ang mga mata naming dalawa na naghihimutok sa galit ang puso ko ngayon na nagpupuyos na.

“Pam, mag-aaway na naman ba tayo? Hindi ko  kasalanan kung bakit ka lumayas at doon sa kapatid mo tumira. Ang sa akin lang, walang may magbabantay kay Veme rito kapag may pinupuntahan ako. Kaya need kong kumuha ng Yaya para sa anak ko. Dahil nahihiya na akong iwan siya ro'n kila Alana.” Nagkasalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi nito na hindi ko nagustuhan at saka ako malalim na huminga.

To be Forbidden from loving ✅Where stories live. Discover now