Chapter 2

1.3K 14 0
                                    

GINUGOL ko ang aking sarili sa pagiging responsable ko sa aking trabaho. Para walang angal si Sansha. That girl deserve her right soon.

I'm not in my mood that I feel I want to quit na. But I can't... Kaya ako tumagal dito kasi ayaw ko talaga umalis.

Busy ako sa pagma-mop ng floor dito sa entrance area nang tumunog ang cellphone ko. May tawag ako. Tiningnan ko muna kung may nakatingin sa akin. Wala naman.

Lumapad ang ngiti ko nang makita ang name ng caller sa screen ng cellphone ko. Si Olivia, my sister. I really missed her. Siya lang ang kapatid ko na tumatawag sa akin dito para kumustahin ako. Kaya walang pagsisidlan itong kaligayahan ko ngayon.

“Oli!” Nananabik na bati ko sa kaniya sa kabilang linya. Matagal na kami hindi nagkita dalawa. Dito na kasi ako naninirahan. Nandito ang trabaho ko, e. Minsan lang ako do'n umuuwi sa Quezon. Kapag pinapauwi nila ako.

“ATEEE!” Tili nito na nilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko at saka sumingkit ang aking mga mata. My eardrum na nagva-vibrate.

“Haha! Napatawag ka?” habang ginagalaw ang mop para gumagalaw naman ako rito.

“Ate, uwi ka sa saturday, ha? Debut ko!” Naalala ko na birthday n'ya pala sa sabado. Magiging ganap na siyang isang dalaga. Hindi ko napigilang matuwa para sa kaniya.

“Ate?” napansin n'ya siguro na hindi na ako umiimik. Para naman akong napapitlag na nagising ang diwa ko at iniisip kung ano ba ang sunod na sasabihin ko.

“S-sige. Pupunta ako...” saka ako tipid na ngumiti hanggang sa narinig ko na naman ang tili nito na excited na.

“You promised! I will disconnect na, Ate, may klase pa kasi ako.” Napatango ako kahit hindi n'ya naman nakikita at saka ko ibinaba ang cellphone ko na isinilid ko sa bulsa ng aking suot na apron ngayon na gamit sa paglilinis.

“'Di ba... Cellphone is not allowed during work?” Nagulantang ako bigla sa boses na narinig ko sa aking likuran. Pumisik talaga ang magkabilang balikat ko sa gulat. Naririndi ako sa boses n'ya na mala-anghel. 'Di naman anghel. Napangisi ako at saka ko siya dahan-dahang hinarap na gusto ko siya inisin ngayon. “Oh... The boss is here?” Kumunot ang noo n'ya habang nakakrus ang dalawang braso n'ya ngayong nakatayo sa harapan ko. Pinantayan ko siya at saka kami nagsukatan ng titig dalawa. Gumalaw ang labi nito na dahilan ng aking paglayo ng konti mula sa kaniya. Lumunok muna ako bago siya nilampasan. Wala naman may nasabi na natameme lang naman.


“Aalis ako sa Sabado. Uuwi ako sa Quezon.” Anunsyo ko sa kanilang dalawa habang naghahapunan sila ngayon. Ako nandito nakasandal sa pader na ginawa kong headboard dito sa hinihigaan ko habang lumalamon ng Pancit Canton.

“May birthday?” usisa ni Demi. Tipid akong napangiti. Aware sila that if I'm going back to Quezon, may party ako na dadaluhan doon. Sila kasi umuuwi sa lugar nila if na-miss na nila ang family nila, they having a bonding with their family and spending enough time. Iba sa akin, umuuwi kapag may celebration lang.

“Nagpaalam ka na kay Sir Vensley?” si Vax na may nginunguya nagsasalita pa. Umiling ako, “Malayo pa naman ang Sabado. Sa Biyernes nalang.” Hanggang sa dumating na nga ang Biyernes.

“Isang linggo akong mawawala. Eto... Letter ko.” Tiningnan n'ya ang puting sobre na inilahad ko sa kaniya. Narinig ko ang malalim na paghinga nito bago ibinalik ulit ang tingin sa akin.

“One week?” naningkit ang mga mata ko. Parang walang tenga kasasabi ko lang naman. Gusto yata humaba pa ang usapan naming dalawa.

“Oum... Kung gusto mong i-extend, okay lang...” saka kumislap-kislap ang mga mata ko sa kaniya. Napa-tsk lang siya at tiningnan n'ya ako nang buo. Kaya napaiwas ako agad ng tingin.

To be Forbidden from loving ✅Where stories live. Discover now