Chapter 18

547 9 0
                                    

NATAPOS ANG Christmas at New Year, na do'n kami sa family nila Vensley nag-celebrate. Masaya naman si Veme. Lalo na sa mga pinsan n'ya na kaniyang kalaro.

After kong malaman 'yong about kay mama, na sinasabi ni Timson sa akin. Isang linggo ang lumipas, nang dinakip si mama para i-kulong. Nawawala si Tito Oscar. Ang sabi, lumipad papunta sa ibang bansa. Ang kapal n'ya para tumakas, gágó!

Kung iisipin ko? Galit na galit ako sa lalaking 'yon. Siya lang naman ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi dahil sa kagagúhán n'ya, hindi sana nakulong si mama. Namatay nga 'yong babae. Gusto ng pamilya, asawa n'ya, ay hustisya. 'Di ba nakakatawa?

Ang mama ko pa talaga nakulong, na siya 'yong pinagtaksilan. Mali! At ang UNFAIR!

Sumasakit lang 'yong puso at isip ko kakaisip. Nang hindi ako maka-hinga no'n. Dadalhin na sana ako ni Vensley sa hospital. Pero, hindi ako pumayag. Medyo naging okay naman ako at nahimasmasan.

Pagka-next na araw. Hindi ako nag-paalam na pumuntang hospital. 'Yong dating doctor ko na guwapo na si Doctor Pilapil? Siya ang pinuntahan ko para sa aking karamdaman. Nalaman n'yang buntis ako. Kaya minabuti n'yang, ipatigil sa akin ang ka-iinom ko ng gamot na ni-resita n'ya.

In-advice n'ya na naman ako ulit do'n sa psychiatrist na kilala n'ya. Wala naman akong problema sa utak, sa may puso ako may problema. Ang maganda, nalaman kong nag-aaral pala siya ng PhD ngayon. Kaya siya 'yong naging psychiatrist ko. Hindi ko na kailangan sa iba. Sa kaniya pa lang, kinikilig na ako sa kaguwapuhan n'ya. 'Yong limot ko na ang problema ko. Feeling ko nga, pinaglilihian ko siya.

Magaling siyang mag-advice na professional talaga. Marami akong na-realize at natutunan mula sa kaniya.

“Sino ang tumatawag?” bigla kasing nag-ring ang phone ko. Kaya napatingin si Vensley sa akin. Kumakain kasi kami ngayon ng almusal. Si Veme papasok na sa school n'ya. Ang daddy n'ya mag-ha-hatid sa kaniya do'n.

“Si Olivia,” sagot ko sabay iwas ng tingin. Palagi akong tinatawagan ng kapatid ko na puntahan ko raw si mama doon sa presinto.

Gusto ko! Pero nababahala ako sa batang dinadala ko na ang hina ng kapit. Alam kong, hahagulgol lang ako kapag nakita ko si mama sa rehas ng kulungan. Hindi ko talaga kakayanin.

“May nag-do-dorbell. Bubuksan ko lang.” Napatayo si Vensley at saka lumabas. Para tingnan kung sino ang tao.

“Veme, bilisan mo ang pagkain. Aalis na kayo ng daddy mo,” kaya binilisan naman ng anak ko ang pag-subo n'ya.

Hinintay kong dumating si Vensley. Para malaman kung sino ang bisita namin ngayon, kung mayro'n. Nakita ko na si Vensley papalapit sa akin sa seryoso n'yang mukha.

“Sino?”

“Kapatid mo yata. Nando'n sa labas,” wala sa sarili akong napasinghap at napa-hawak sa noo ko. Ang kulit ni Olivia. Sinabi ko na sa kaniya ang rason ko. Binabalikan pa rin n'ya ako dito.

“Nasa sala siya, pinapasok ko.” Tiningnan ko lang si Vensley sa sinabi nito at saka siya ngumilay. Kaya napatayo ako na parang matutumba. Malaki na kasi ako ngayon at ang umbok ng tiyan ko na tatlong buwan na.

“I-hatid mo na si Veme. Late na,” utos ko sa kaniya at saka pinuntahan si Olivia ngayon na nasa sala.

“Ateee,” bati nito sa akin sabay tayo na nangi-ngiyak. Napapikit ako sabay himas sa tiyan ko.

Nakaramdam ako ng awa sa kapatid ko. Ang gulo ng buhok nito na napabayaan na ang sarili n'ya. Nangingitim ang nasa ilalim ng mga mata nito, lumaki ang kaniyang eyebugs. Na ako ang naaawa sa kaniya.

“Olive, pleaseeeee... Sinabi ko na 'di ba sa 'yo. Hindi ko kaya. A-alam ko na nakunan ka rin. Kaya sana, maintindihan mo ako.”

“PERO! Kai-ii-langan ka ni mama!” Nakita ko ang pagtulo ng luha nito mula sa kaniyang mga mata. Nasasaktan ang kapatid ko. Kaya napapikit ako. Konti nalang, bibigay na talaga ako dito.

To be Forbidden from loving ✅Where stories live. Discover now