Chapter 20

553 6 0
                                    

HINDI AKO umingay hanggang sa makauwi si Olivia.

Nag-alala ako sa kaniya dahil kapatid ko siya. It's like she has a traumatic problem the way I saw how her hands seizure and how her all body trembling. Pinahatid ko siya kay Vensley na ngayon hindi pa nakauwi sa Bahay

May kakaiba talaga na halatang may kinakatakutan siya na hindi ko alam kung ano. Naninibago lang ako the way she acted earlier.

Narinig ko ang pagtatalo ng dalawang bata na papasok sa bahay ngayon at mula sa Bahay ng Tito Wensley nila.

“Isusumbong kita sa mommy mo.”

“Isusumbong din kita kay daddy.” Kumunot ang noo ko kung ano ba ang pinagtatalunan nila hanggang sa nakalapit na sila sa akin ngayon dito sa Living room. Tumigil lang sila nang makita ako na nasa harapan nila ngayon. Tapos nagsamaan sila pareho ng tingin na masyadong galit na galit sa isa't isa.

“Mommy.”

“Enshu.” hindi ‘Venshu’ ang tawag ko sa kaniya kun'di ‘Enshu’ na.

“Hindi mo siya Mommy!” naghahasik ng digmaan na sigaw ng anak ko habang naka-krus ang dalawang braso nito na malapit sa dibdib n'ya ngayon at umiirap siya.

Tiningnan ko si Enshu at saka nilipat ang tingin ko kay Veme na galit na galit ngayon na parang Bulkan na sumabog. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo hanggang sa nag-umpisang magsalita si Enshu. “Inaway po n'ya si Adi... Grabe iyak ni Adi.”

“Siya nauna! Hindi ako! Sino kapatid mo sa aming dal'wa. Ako ba o s'ya na adopted siya?” talak ng anak ko na nanggagalaiti na ngayon sa pagsigaw.

“Veme,” saway ko sa kaniya na ‘di n'ya ako tinitingnan at umirap lang siya.

“‘Di ampon si Adi— Anak naman... Pinsan n'yo siya...” Bumaba ang tingin nito na alam kong nakikinig siya sa akin.

Hindi ko alam kung sino nagkwento sa kaniya na ampon si Adi. Nagulat nalang ako no'n nang tinanong n'ya ako kung totoo ba. Tapos ako wala namang alam lalo na hindi ko sinubaybayan ang paglaki ni Adi para masabi ko kung ampon ba ang bata o totoong anak nila Wensley at Alana.

“Anak siya ng Tita Alana at Tito Wensley n'yo. Sa tingin n'yo ba... Lalo na ikaw, Veme? Hindi magagalit ang lola mo kapag marinig n'ya na sinasabi mo na ampon si Adi?” hindi ito nakapagsalita na nanatiling nakababa ang tingin n'ya. “Pinsan n'yo si Adi,” paliwanag ko habang isa-isa silang tiningnan dalawa. Alam ko si Enshu nakakaintindi. Pero itong anak ko mahirap umintindi. ‘Di ko alam kung kanino ba siya nagmana.

“Maldita kasi.” Salita ni Veme na tiningnan ko lang siya habang tumitirik ang mga mata n'ya. “Kaya ayaw ko do'n sa bahay nila. Kinampihan pa siya ni Lemon— Tapos ikaw!” galit na binalingan nito si Enshu. “Kapatid kita... Si Lemon pinsan ko. Bakit si Adi kinakampihan ninyo?” Si Lemon ang pangalawang anak na babae nila Wensley at ni Alana.

Napahawak ako sa noo ko. Eto na naman ang anak ko. Mahirap pakiusapan talaga.

“Ikaw lang naman ‘di nakakaintindi sa nilalaro natin. Tapos ikaw pa galit na pinapaliwanag na nga sa ‘yo nang maayos. Tapos sasabihin mong madaya kami?” Paglalarawan ni Enshu. Sa inis ni Veme ay napasabunot ito sa buhok n'ya na parang may kuto sa ulo n'ya na kinakamot n'ya. Aamba itong itutulak n'ya ang kapatid n'ya nang pumagitna na ako. Hinawakan ko ang magkabilang siko nito at saka nilayo mula kay Enshu. Alam kong sasabunutan n'ya ang kapatid n'ya. Sinenyasan ko si Enshu na umakyat na sa kwarto nito na agad siyang tumakbo papaakyat sa kwarto n'ya. Tapos pagbaling ko sa anak ko ay humahagulgol na ito sa pag-iyak at nagpupumiglas na gustong habulin ang kapatid n'ya.

“Papaluin talaga kita. Tumahimik ka.” Mas lumakas pa ang pag-iyak n'ya na ikinairap ko.

“T-totoo naman kasi, mom... Sinabi mismo ni Adi sa akin na... H-hindi siya tunay na anak nila Tito Wensley. Ampon siya!” paliwanag nito habang humihikbi. Napapikit ako. “Paulit-ulit, Veme? Tigilan mo na kasasabi na ampon si Adi. Pinsan mo pa rin siya... Dahil kapatid ng daddy mo ang daddy n'ya. Kapatid n'ya pa rin ang mga pinsan mo na sila Lemon, dahil iisa ang mga magulang na nagpalaki sa kanila. Ano ang hindi mo ma-gets?” natigilan siya habang may luha na tumutulo mula sa mga mata n'ya pababa sa kaniyang pisnge.

To be Forbidden from loving ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon