Chapter 5

860 7 0
                                    

ONE MONTH PASSED

Lahat ng mga tao na nandidito. Mga staff, sila Vax at Demi, ay nando'n sa rooftop ng building. Hanggang fourth floor ang building na may rooftop na isang hotel para sa mga visitors na nags-stay rito. Nando'n silang lahat. Monthsary ng mga amo nila.

Minsan, para akong mababaliw na sa tahimik na mundo ko. Gusto ko ng umalis dito. Pero saan ako pupunta? Hindi naman pwede na babalik ako doon sa mama ko.

Kapag malungkot ako, napapakanta nalang ako. Kahit wala sa tono at ang pangit ng boses ko na garalgal na. Napapatawa nalang ako kahit paano. At least, naibsan ang stress na dinadamdam ko. Kahit magmukhang baliw na ako sa lagay na ito. Pero hindi pa naman talaga ako baliw na papunta pa lang.

Minsan, iniisip ko nalang na ilunod ang buong katawan ko sa malawak na karagatan dito. 'Yung malulunod ako na walang may sasagip sa akin. Kasi lahat sila hindi ko na karamay sa mga oras na ito. Mag-isa nalang ako. Ayaw ko nang ganitong damdamin at pag-iisip. Gusto ko ng mawala...

Napapunas ako sa mga luha na nasa pisnge ko at saka ko hinanap ang tsinelas ko para lumabas dito. Hanggang sa makalapit ako sa malawak na karagatan na mas lalo akong humagulgol na naghihinagpis sa kaiiyak ko.

Rinig ko ang matinis na tunog ng mga alon parito. 'Yong inaanyayahan akong lumusong sa tubig. Napatawa na naman ako sa ideyang naiisip ko ngayon.

“Baliw na ako...” Natatawang sambit ko na nanlalambot ang mga tuhod ko na nanghihina ako ngayon.

Nanatiling nakatayo ako rito na nakababad ang paa ko sa tubig habang hinahampas ng alon na ang sarap sa pakiramdam. Napangiti ako na nasisiyahan ako at napapikit ako ng mga mata ko. Hanggang sa unti-unti akong tinatangay ng alon papunta sa gitna na nagpapatianod naman ako. Namalayan ko nalang na hanggang bewang ko na ang tubig ngayon. Hinahampas pa rin ako ng alon. Napapikit ako, dinadama ang paghampas ng alon sa katawan ko. May tumalsik na tubig sa labi ko na aking nalasahan ang maalat na tubig.

Relaxing pala ang ganito. Ngayon ko lang naramdaman. Ang tagal ko na dito ngayong gabi lang ako nagtatampisaw sa dagat. Hindi mainit na ang ganda ng tubig sa balat ko.

“A-Ara— ANUBAA!” Pagpupumiglas ko sa isang lalaki na hinahawakan na ang pulsuhan ko ngayon.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” masama ko itong tiningnan sa pagpigil n'ya sa gagawin ko.

“Hoy! Ang saya-saya nila... Tapos ikaw sinasayang mo ang buhay mo diyan.” Agad ko siyang pinandilatan sa pagsesermon nito sa akin. Nakakainit ng ulo.

“Hoy! Kahit gusto ko ng ilubog ang sarili ko dito. Hindi ko magawa... May i-isip pa rin ako kahit papaano. May utak pa rin akong gumagabay sa akin sa tamang desisyon.” Ngumisi ito na 'di kumbinsido sa sinabi ko. Tapos ginalaw ko na ang mga paa ko paalis dito hanggang sa nakatungtong ako sa dalampasigan.

“Bakit wala ka doon? Dapat nandun ka... 'Di ka masaya sa relationship nila?” Natampal ni Vito ang noo nito.

“Huwag na tayo maglokohan, Pam... Alam kong ilulunod mo ang sarili mo diyan,” turo n'ya sa dagat. Umalpas ang labi ko sa gusto sabihin nito na ayaw kong ulit-ulitin n'ya kasi hindi ko naman naituloy.

“Tara na.” Kinuha nito ang isang kamay ko na mabilis kong binawi.

“Saan mo ako dadalhin?” Nakadilat na tanong ko sa kaniya.

Ngumisi ito sabay sabi, “Sa kwarto ko.” Nanlaki ang mga mata ko nang malakas siyang tumawa. Itinaas ko ang isang kamay ko nang hawakan n'ya na naman. “Hayaan mo ako. Babalik ako sa kwarto ko.” Hindi n'ya naman ako sinundan hanggang sa makapasok ako sa kwarto namin at ni-lock ko na gusto ko mapag-isa ngayon.

To be Forbidden from loving ✅Where stories live. Discover now