Chapter 6

757 7 0
                                    

NILAKASAN ko ang loob kong pumasok sa loob ng office n'ya ngayon. Nadatnan ko siyang nakatayo habang nasa bewang n'ya nakahawak ang magkabilang kamay nito na nakatalikod sa akin.

“Vens...” Panimula ko na gulat n'ya akong binalingan. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Kasi parang wala na akong mukha na maihaharap pa sa kaniya ngayon.

“V-Vens... A-ako na ang hihingi ng sorry sa ginawa ng mama ko...” Lumapit siya sa akin na hindi ko mahulaan kung ano ba ang emosyon na nararamdaman n'ya ngayon na ang hirap ilarawan.

“Sorry...” habang nasa pisnge n'ya ako nakatingin ngayon na nakita ko may pulang marka. Gusto kong hawakan na pinipigilan ko lang ang aking sarili na mahawakan.

“Babe.” Paglingon ko si Sansha na namumugto ang mga mata ngayon. Tumama sa akin ang mga mata ni Sansha na nagtataka kung bakit ako nandito. Bumaba ang tingin ko nang sa harapan ko sila mismo dalawa nagyakapan. Lumabas ako na hindi nagpapaalam hanggang sa nakasalubong ko si Vito.

“What?” Lumunok ako sa tanong nito na naguguluhan siguro kung bakit ang sama ng tingin ko sa kaniya.

“Sinabi mo kay mama?” Kumunot ang noo n'ya na naguguluhan din sa mga sinasalita ko.

“Ang alin?” halatang hindi siya nagsisinungaling. Pero sino ang nagkwento kung ganun?

Nilampasan ko siya nang maramdaman kong hinawakan n'ya ang isang braso ko para pigilan ako.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong nito na ikinataka ko. “Ang lalim ng iniisip mo.” Napabuntong-hininga ako lahat nalang nahahalata n'ya. Hanggang sa lumuwag ang paghawak n'ya sa braso ko at saka ko siya iniwanan.

Hindi maalis sa isip ko si mama. Kaya kinuha ko ang cellphone ko para matawagan siya. 'Di naman siya sumasagot na nagri-ring lang.

Lumipas ang mga araw na napapansin kong gabi-gabi nagpapakalasing si Vensley sa Bar. Ilang gabi ko siya nakikita na pagewang-gewang na lumalakad. Nilunod n'ya na ang sarili n'ya sa pag-inom ng alak.

Ngayon tinitingnan ko siya na pasuray-suray na namang humahakbang papunta sa Villa n'ya na kung saan siya tumutuloy habang nandidito siya. Mukhang may problema silang dalawa ni Sansha na gabi-gabi nalang. Hindi siya ganiyan kapag wala siyang problema. Hinayaan ko nalang siya gaya nang ginagawa ko kada gabi na alam kong kaya n'ya namang makaabot sa Villa n'ya.

Hindi ako makatulog ngayon. Kaya naisipan kong lumabas ng aming silid para pumuntang dalampasigan. Gusto ko lang damahin ang hampas ng alon. Hindi pa ako nakalapit sa dalampasigan nang makita ko ulit si Vensley na pabalik sa Bar siguro kasi doon ang direksyon n'ya.  Nakita ko ang pagbagsak nito sa buhangin na ikinaawang ng bibig ko sabay bulalas sa pangalan n'ya. Literal na natumba siya na agad akong naalarma at mabilis siyang nilapitan para alalayang makatayo.

“Vensley? Vensley?” Nakahiga ito sa buhangin na walang malay. Nilibot ko ang paningin ko baka may pwede akong hingian ng tulong. Wala akong kakilala na nakakahiya namang humingi ng tulong sa ilang guests na nakikita ko ngayon.

“Hik... O-okay.. lang a-ako..” Ngumingiti na sambit nito na nakapikit ang kaniyang mga mata. Sinikap n'yang itayo ang sarili n'ya na 'di n'ya kaya, natutumba lang siya. Inalalayan ko na siyang tumayo hanggang sa tuwid siyang nakatayo ngayon na nahihilo. Siguro alam n'yang kaya n'ya kaya nilampasan n'ya ako. Muntik na naman siya ulit matumba. Nag-aalala na ako sa kaniya. Kaya dinaluhan ko siya para alalayan. Kinuha ko ang isang braso nito na ipinatong ko sa balikat ko na nakaakbay na siya sa akin ngayon. Dahan-dahan ko siyang inaalayan sa kaniyang paghakbang na hindi naman siya umaangal.

Napadaan kami sa isang maliit na bridge na may fish pond sa ilalim na ito ang daan para makatawid kami at makaabot sa Villa nito. Tanaw ko na mula dito ang Villa n'ya. Sana makaabot kami doon na hindi pati ako matutumba dahil ang bigat n'ya na hinihingal na ako.

To be Forbidden from loving ✅Where stories live. Discover now