"Oo na. Oo na. Paulit-ulit, eh. Bayad na rin naman ang kalahati nun. 'Wag ka lang atat. Magbabayad ako bukas." Inirapan ko siya.

Nakakainis kasi! Pinapaalala niya na may utang daw ako sa kaniya. Tungkol 'yon sa mangga nung nakaraanng araw. Nung unang araw ng pasukan. Aba'y malay ko bang hindi pala libre 'yong manggang pinakita niya. May pahatak-hatak pang nalalaman, ako lang rin pala ang magbabayad.

Ang sarap niya talagang gilitan. Pambihira kasi.

"Kalmahan mo, Jas. Hindi pa naman kita sinisingil, eh," natatawa niyang sabi. "Ikaw naman kasi, eh. Dinukot mo agad." Mas lumakas ang tawa niya.

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Kita mo 'to? Anong akala niya sa akin, mandurukot?! Ha? Eh, sa akin niya nilahad kaya iisipin ko talagang para sa akin 'yon! Tapos ngayon sisingilin niya ako?! Aba't. . .! Ayts.

Hindi na ako nagsalita. Inirapan ko lang siya at kinunutan ng noo. Sana lang umalis na 'to.

"Hala uy, seryuso mo naman masyado. Hindi ka naman mabiro." Kinubit pa niya ako.

Sa loob ng mahigit isang linggo naming magkaklase, mas naging close ang lahat sa isa't-isa. Bihira na ang ilangan. Sa asaran, lahat kasama na. Walang pinipili. Nakakatawa din kasi minsan si Rochelle pa 'yong nangunguna. Target niyang asaran 'yong 'Minion Group'. Sila Mimi 'yon kasama ng iba pang kalahi niya sa room. Grupo sila. Nagkakaintindihan, eh.

Ito namang si Henrick, feeling close. Palagi akong kinukulit. Mas lumala lang 'yon nung eksena nga sa canteen. 'Yong kinuha ko 'yong mangga sa kamay niya. Aba, malay ko bang 'di pala para sa akin 'yon.

Pinabayaan ko lang siya. Pinilit kong magseryuso at mag-focus sa sinasagutan. Pero kahit ano pa many pilit ko, wala talaga. Ang hirap lalo na't pinipilit ko lang rin ang sarili.

Mabuti pa 'tong si Mr. Top One, mukhang kalmado at walang problema. Habang kami, heto, walang masagot.

"Uy, Jas, pansinin mo na ako. Promise hindi na kita aasarin," sabi niya. Para na siyang bata sa harap ko ngayon. Nakadikit ang dalawang kamay malapit sa mukha habang direktang nakatitig sa akin. Malumanay ang mata.

It caught me. I gasped for air as my forehead creased. Pinilit ko siyang 'wag pansinin. Umiling-iling lang ako sa harapan niya at balik sa ginagawa.

I heard him heaved a long sigh. Tumayo siya pero hindi ko pa rin binigyan ng pansin.

"Okay. I'm sorry," he said in a low voice. May nilapag siyang papel sa harapan at nagulat ako sa nakita. Mga sagot sa Math!

"Sagot ko 'yan. Hindi ako sigurado sa number 3 pero sure ako sa iba. Pagpasensyahan mo na lang 'yong sulat ko." Pagkatapos ay umalis niya.

Pag-angat ko ng tingin, nasa pwesto na niya ulit siya at nakadukdok sa lamesa. I was bit guilty on that. Pinagsasawalang bahala ko na lang.

Sa lahat ng pang-aasar niya ngayon lang ako napuno. Ngayon lang rin nangyari ang pa-walk out effect niya.

Natapos ang buong period nang hindi ulit siya nag-iingay. Napansin 'yon nila Rochelle kaya nagtanong sila kung ano ang problema ni Henrick. Hindi naman ito sumagot at puro iling lang kaya pinabayaan na rin namin.

"Ano kayang problema ni Henrick? Tahimik, eh," tanong ni Shieryn. Lunch break at naglalaro kami ng sipa. Tapos na kami kanina sa chinese garter.

"Aba'y malay ko dun. Medyo may pagka-moody din 'yon, eh. 'Wag mo na lang pansinin."

"Wapakels kasi."

Nagpatuloy kami sa paglalaro. Nang mapagod, bumalik kami sa room. May kaniya kaniyang takbo pauna sa pwesto kung saan ang electric fan. Isa lang kasi ang electric fan namin sa room. Bukod sa malalaking ceiling fan na mabagal naman kumilos, 'yon lang ang nagsisilbi naming source ng hangin. Kaya ayan, paunahan.

Hindi na ako nakipagsabayan. Binagalan ko lang ang lakad.

"Basi, tara sa canteen," yaya ni Chazel. Nakangiti sa 'kin.

"Sige, tara."

Bumili kami ni Chazel ng stick-o kaya tuwang-tuwa ako. Libre niya, eh. Wala naman akong karapatang tumanggi din.

Bumalik kami sa classroom bago mag ala-una. Sakto lang kasi pagkapasok namin sa room ay siya rin namang pag-alingawngaw ng tunog ng bell.

Balik sa pwesto ang lahat. Nilibot ko ang paningin. Hindi sinasadyang nagkatinginan pa kami ni Henrick. Bahagyang nanlaki ang mata niya. Parang gulat na gulat pero agad ding nag-iwas ng tingin.

Napailing ako. Ibang klase rin.

1 o'clock means Science class.

"Good afternoon, class," our Science teacher greeted.

"Good afternoon, ma'am," we greeted back.

Nagsimulang mag-discusss si ma'am. Seryusong nakikinig ang lahat sa kaniya. Hindi kasi boring tapos ang galing pang mag-discusss ni ma'am. Maiintindihan mo talaga lahat.

Hindi naman basic 'yong subject. Pero kung itong teacher Ang nagtuturo sa amin, parang nagiging madali lang.

"So, before we end, I want you to count off upto five to group yourselves. Magkakaroon kayo ng group reporting by next Monday. Ibibigay ko ang topic kapag buo na ang bawat grupo. So, start with one. . ."

Sa row namin sinimulan. Naging sunod-sunod ang countings hanggang sa dumating sa akin.

"Five!"

Group five ako. Nung binilang ko sa harapan kung pang-ilang group si Basi, napasimangot ako. Group three siya samantalang si Mr. Top One, group one. Kung minamalas ka nga naman, wala ka pang group mates na top one at two.

"So, okay. For those number one, please stand up."

Nilibot ko ang paningin. Nakita kong si Mimi 'yon kasama sina Sandy. Anim sila sa grupo nila. Ganun din ang group two and three, tig-aanim. Habang ang group four, lima lang.

"Number five stand up."

Tumayo ako, nakatingin sa harapan. Nung napunta ang mata ko sa likod para tingnan ang mga ka-grupo ko, nagulat ako nang makita rin si Henrick na nakatayo. Nakatingin sa akin. Mukhang alam niya na. Hindi na siya nagulat, eh.

Nagkibit-balikat na lang ako.

Ako ang napiling maging group leader sa amin. Kaya ako ang pumunta sa harapan para ikuha 'yong magiging topic namin. Parang ngayon pa lang, kinakabahan na ako. Unang reporting namin 'to para ngayong quarter. Kaya ayan, medyo nakakakaba.

Natapos ang maghapon naming klase nang 'di namin namamalayan. Nasa labas na karamihan ng mga estudyante at naglalaro. Kasama na dun ang mga kaibigan ko. Tumbang preso naman ang pinagdidiskitahan nila.

Gusto ko sanang sumali pero hindi pwede dahil schedule ng grupo namin para sa paglilinis.

Nakakaiyak. Karamihan pa naman sa mga ka-grupo ko pasaway. Kaya ayan, iniwan ako. Sumali dun sa laro.

I took a deep breath before continuing sweeping the floor. Nakayuko lang ako kaya hindi ko alam na may tao na pala sa harap ko kung hindi pa ito nagsalita.

"Hindi mo talaga ako papansinin?"

Gulat akong nag-angat ng tingin. Napangiwi kalaunan nang bumungad sa akin ang mukha ni Henrick. Nakabusangot at parang asar. Kumunot ang noo ko.

"Kukunotan mo pa ako ng noo," dagdag pa niya. Suminghap ako.

Umayos ako ng tayo. Pinakatitigan siya saka namulsa. Nakita ko siyang napalunok.

"Hindi ko akalaing matoyo ka pala." Tumawa ako. "Matampuhin. Pero pasensiya na, hindi ko alam kung pano manuyo."

Pagkatapos nun ay umalis na ako sa harap niya, nakatunganga. Pumasok ako sa cr saka dun pinakawalan ang ngiting kanina ko pa pinipigilan.

Pambihira. Ibang klase din ang lalaking 'yon.

★ S H A N A Y S 2 3 ★

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now