☪️CHAPTER 37☪️

Start from the beginning
                                    

Bumalik ako sa kusina na naka pants at oversize na damit.

"Ikaw alisin mo na sa utak yung nakita mo isusumbong talaga kita kay Charlie." rinig kong sabi ni nine kay mike.

"Hellia dito ka na sa tabi ko kumain na tayo." napalingon silang lahat sa'kin napayuko naman ako at tumabi na kay Caden.

"HAHAHA ok lang yan hellia ang ganda nga ng katawan mo eh." mas lalo akong namula sa sinabi ni moonia.

Ok lang kay nine at moonia pero nandito si Mike eh and kay caden naman ok lang kasi kapatid ko sya.

"Moonia nahihiya na nga si Hellia eh inaano mo pa." nine.

"Hehehe sorry. Ahmm tara kain na tayo." aya ni moonia.

Napaangat ako at nakita kong maraming pagkain. Anong meron? Tsaka sino naghanda nito?

"Kanya-kanya kaming pagkain na dinala dito na niluto namin para sayo at masustansiya yan. Kailangan mo yan bukas." bigla naman napakunot ang noo ko.

Anong bukas? Nilingon ko naman si caden para tanungin.

"Anong meron bukas? May battle na naman ba ulit? Diba isang beses lang yun sa isang taon? Bakit meron na naman?" sunod-sunod kong tanong na ikinatawa nilang lahat.

Anong nakakatawa sa sinabi ko? Isang buwan palang nakakalipas may battle na naman? Gusto ba kaming patawin ni HM?

"Masyado kang nag-ooverthink." natatawang saad ni Mike.

"Eh ano nga meron bukas?" pag-uulit ko.

"May camping daw tayo bukas kaya maaga tayo magising para makapaghanda." sagot ni Nine sa tanong ko.

"Camping? Dito sa loob ng ACA? Haist boring." komento ko.

Kung dito lang naman sa loob ng Academy ay wag na lang ako sumali, syempre bawal kayang lumabas dito ng walang gate pass.

Anong gate pass kaya yun? Papel? Susi? O di kaya'y magpaalam kay HM. Saan doon?

"Hindi lalabas tayo." nanlaki ang mga mata ko.

"Whaaaa! sa labas? totoo?!" excited kong tanong sabay tayo ko.

"Oo HAHAHA mukhang excited ka ah. Parang kang isang rabbit na hindi nakalabas sa hawla." napa-upo naman ako sa tuwa.

"Syempre naman, sawang sawa na ako dito sa loob ng Academy eh."

Kahit kaunting panahon lang ako nandito ay araw-araw ko naman nakikita ang buong lugar sinong hindi magsasawa doon diba?

"Pero paalala lang daw sabi ni HM bawal tumakas. Kung tatakas ka hindi ka pa nakakalayo deadsy ko na." bigla naman nagbago ang expression ko.

Pero ok lang naman sa akin na wag tumakas HAHAHA bantay sarado eh.

Ngumiti ako. "Hindi naman ako tatakas HAHAHA." tawang sabi ko.

Ok na ako hindi na ako aalis dito alam nyo kung bakit? Syempre tapos na yung battle. Sa susunod na lang na taon ako tatakas.

"Mabuti naman kasi may mga men in black ang magbabantay sa atin." sabi ni Moonia na ikinatango ko.

Kumain kami na may kasamang kwentuhan ang boring kasi kung kakain ka ng tahimik at walang imikan.

-----------(SKIP) (MORNING)------

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now