54: Unusual Ceremony

123 10 4
                                    

Tenonto's POV


Mainit na araw ng Huwebes, matapos kong maligo sa public bath ay doon na ako nagbihis ng uniporme at dumiretso na sa paaralan dala ang bag ko.

Di ko na dinala yung mga naiwang damit ni Mica kasi mababasa yung mga gamit ko sa bag pag nilagay ko 'yon sa bag ko kasi nga basa yung mga damit ni Mica.

Flag ceremony namin ngayon, dapat hindi ako ma-late dahil ako yung magli-lista sa mga na-late.

5:02 ng umaaga ay nandito na ako sa harap ng gate, at parang ako at ang security guard palang yung tao dito sa eskwelahan.

Inaantok pa yung security guard.

Ang nakapagtataka, alas singko palang ay mainit na yung araw. Lumakad na ako papunta sa classroom namin.

Habang naglalakad ay nadadaanan ko yung mga classroom ng iba't ibang section at grade, at wala pa ngang tao. Nadaanan ko rin yung building ng principal's office at nakakandado pa yung pinto.

Nakarating na ako sa classroom namin, at kandado rin yung pinto. Na'kay Maddie yung susi.

Ilalagay ko sana sa loob ng classroom yung bag ko pero sarado pa. Dapat kasi mas nauna dumating si Maddie kase siya yung may hawak ng susi ng room.

Talaga ngang kaming dalawa palang nung gwardya ang nasa loob ng campus na ito.

Alas singko singkwenta-i nuwebe, nagsindatingan na yung mga teacher at yung nagta-trabaho dito.

Nakamanman ako sa daanan ng mga taong naglalakad papunta sa loob ng eskwelahan kaya alam ko kung sino yung nasa campus na.

Andito na si Ma'am Lilibeth, naglalakad dala yung Louis Vuitton niyang bag. Maya maya ay sunod na dumating si sir Mochael sakay ng motor niya.

Madaming teacher at estudyante ang nagsidatingan at ayoko nang isa-isahin pa.

Habang papalapit na mag alas syete ay dumadami na ang mga tao sa loob. Kasali na dun ang ilan sa mga kaklase ko.

Pero hindi ko nakitang dumaan si Mia at si Gio. Siguro male-late na naman yung dalawang 'yon.

Malapit na mag-umpisa yung flag ceremony, at malapit na din ako maglista ng mga pangalan ng mga estudyanteng na-late.

Nang kinapkapan ko yung bulsa ng polo ko para kunin yung ballpen na nilagay ko don, wala akong ballpen na naramdaman.

Di ko nadala yung ballpen ko!

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa room para kunin yung ballpen ko sa bag. Tumutunog ang stairs habang tumatama yung sapatos ko nang ako'y tumatakbo paakyat sa room namin.

At nakarating na din, sa wakas.

Nang nasa palapag na ako kung saan nandon yung classroom namin ay nakaramdam ako ng kakaiba. Nanginginig ang mga balat ko at 'di ko alam kung bakit.

Napansin ko, hindi naman nakababa yung mga kurtina ng room namin kanina nung umakyat ako dito.

Pero ngayon, natatabunan na ng kurtina yung bintana at hindi ko makita kung ano ang nangyayari sa loob.

Tsaka dumating na si Maddie at pumunta din siya dito kanina, pero hindi siya nagbababa ng kurtina at dapat lahat ng bag ay nilagay na niya sa loob at wala na sanang maiiwan dito sa labas.

Pero yung bag ko, hindi nila nilagay sa loob.

Nakakapagtaka, lagi naman nilang nilalagay sa loob lahat ng bag, pero ngayon yung akin, hindi nila sinali.

Ginalaw ko na ang mga paa ko para maglakad papunta sa pinto ng classroom kasi nasa akin ang susi dahil hiniram ko ito kay Maddie kanina.

Nasa tapat na'ko ng pinto. Pinasok ko na yung susi sa butas at inunlock ko na yung doorknob.

Nang hinawakan ko na yung knob, nakaramdam na naman ako ng kakaiba. Nanlalamig ang kamay ko habang hawak hawak ko yung bakal na doorknob.

Pinihit ko na at binuksan ko yung pintuan.

Madilim ang classroom namin dulot ng mga kurtinang nakatabon sa bintana. Yung mga ilaw di nila binuksan. Naka-lights off yung classroom namin. Bakit kaya?

Lumakad ako para ilagay yung bag ko sa upuan ko at may napansin akong puti sa sahig. Parang may glue yata na natapon dito sa sahig ko.

Teka, parang shampoo ito eh. Naalala ko yung araw na naglilinis kami dito nung hapon at may nakita akong tamod sa sahig. Hinawakan ko 'yon at kumpirmado ngang tamod yon.

Pero ngayon, nakakita naman ako at umaga ko ito nakita.

Sinuri ko ito at kumpirmado na naman na tamod nga 'to.

Tumayo ako galing sa pagkakaluhod at umikot ng tingin sa paligid. Napansin kong parang may sumubok sirain 'tong bintana. May magnanakaw yata dito kahapon na sumubok manloob.

At napansin ko rin, nausog yung mga arm chair dito sa area ko at na-disarrange.

Aayusin na nila 'to mamaya. Kinuha ko na yung bolpen at naglakad para lumabas at nang napadaan ako sa resting area kung saan nakalagay yung aparador sa gilid, napansin kong medyo bukas ito.

Siguro hindi nila to sinara ng maayos. Lalabas na sana ako ng classroom namin pero may pumipigil sa'kin na gawin 'yon.

Parang may nag-uudyok sa'kin na buksan yung aparador.

Pero mamaya na yan. Lumakad na ako palabas ng pinto at ila-lock ko na 'to sana, pero naiintriga talaga akong buksan yung aparador.

"Hay nako!" napasabi ako at biniglang buksan yung pinto at malakas na naglakad papunta sa harap ng cabinet.

Hinawakan ko na yung handle ng aparador at bubuksan ko na ito!

2018: Wet DreamsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang