50: Confess And Be Rejected

117 11 5
                                    

Henry's POV

Today is the day of the valentines day. Excited na ang lahat para sa valentines activities sa school.

8:04 AM, nasa classroom na ang ang marami sa amin except kay Tenonto and Rusca. SSG officers kasi sila at involve sila sa pag-aasikaso para sa mga activities mamaya.

"Gudmorning!" bati pa ni Ryan na nasa tapat ng pinto.

Ang ganda ng ngiti ni Ryan ah. May magandang nangyari siguro sa kaniya kahapon. Kitang kita ang saya niya sa kaniyang mukha.

"Aba aba, parang ang sigla mo yata ngayon ah.." saad naman ni Ivan na nasa tabi ko while si Ryan naman ay may pasayaw-sayaw pa habang naglalakad papunta sa chair niya sa likuran namin.

Naglapitan agad ang mukha naming tatlo after niyang maupo sa upuan niya para mag-chismisan.

"Kumusta yung pag-amin mo kay Mica kahapon, Ryan? Sinagot ka ba niya?" mahina kong tanong para kaming tatlo lang ang makakarinig.

"Oo nga. Ano bang sinabi ni Mica sa'yo, Ryan?" pangiintrigang tanong naman ni Ivan.

Pero bago sumagot si Ryan ay ngumiti muna siya, at ang lalim ng buntong-hininga niya.

Parang good news yata 'to ah. Parang alam ko na ang sasabihin niya, sinagot na siya ni Mic-

"Ni-reject niya ako." Masaya pa rin niyang sinabi.

"E-ehh? Ni-reject ka niya? Pero, bakit ang saya mo?" naguluhan ako sa sagot ni Ryan!

Iba yung reaction ng mukha niya sa sagot niya.

"Seryoso ka ba? Bakit tuwang tuwa ka pang ni-reject ka ni Mica? Baliktad ba isip mo Ryan?" napasimangot si Ivan.

At umayos na ng upo si Ryan, hindi na naglapitan ang aming mga mukha kasi umayos na rin kami ng upo.

"Para sa'kin, okey lang naman na i-reject niya ako. Wala naman sa'kin yun. As long as masaya ako para sa kaniya at sa taong minamahal niya, alam niyang mahal ko pa rin siya. At hindi ako susuko hanggang sa mahalin na niya rin ako." Mapakumbaba niyang pinaliwanag.

"Grabe, iba yata tama ni Mica sa'yo, Ryan. Kaya kahit ni-reject ka pakiramdam mo parang nag-usap na kayo na magpakasal." Daldal ni Ivan.

"Pero, di'ba pag na-reject, normal lang sa isang tao na malungkot?"

"Oo nga! Dapat malungkot ka pag ni-reject ka dahil normal lang sa tao 'yon. Pero bakit ang saya saya mo pa? Alien ka yata eh!" nababagot na saad ni Ivan.

Napaka-dissappointed naman ni Ivan, hindi naman niya love life yung kay Ryan eh. Haha.

"Nga pala, guys. May chinat sa'kin kagabi si Tenon." Ininform kami ni Ryan.

"Ansabe?" si Ivan.

Napangiti nalang si Ryan sa amin at walang sinasabi ng ilang segundo.

Tenonto's POV

Hapon ng alas tres. Masayang masaya ang mga estudyante sa mga activities para sa Valentines day.

May dapat pa akong asikasuhin ngayon para sa susunod na activity, pero may mas mahalaga akong dapat gawin.

Nasa classroom ako ng Grade 11 3rd floor sa section ni John para kunin yung mga kahon-kahong materyales para sa props ng valentines photo booth kasama si Rusca at ang iba pa.

Nakatayo lang ako at nagda-dalawang isip. Napatingin si Rusca sa akin habang karga ang isang kahon.

"Tenon? Okey ka lang?" napatanong siya.

2018: Wet DreamsWhere stories live. Discover now