51: I'm Not A Stalker!

98 11 4
                                    

Mica's POV

Shocks!

Umiinom na pala si Tenonto?

He's already that matured na pala. I think broken siya dahil kay Dinah. Halata yung mga tingin niya kanina kay Dinah while nagka-banggaan sila sa hallway kanina.

If nangyari yun kay Tenonto he will be very angry at napaka-sungit. But earlier while na'sa classroom pa kami, he's acting strange.

Nag-sorry lang siya kay Dinah kanina at lumakad na palayo. Hindi niya gawain 'yon.

It's already 7 in the evening. Umuulan at naglalasing si Tenonto dun sa labas ng 7-eleven. Ang dami na nga niyang naubos na bote ng iniinom niya.

Tapos wala pa siyang payong! Paano kaya siya makakauwi niyan? If he does, he will surely get very wet.

Nga pala, andito ako nakatago sa loob ng isang tricycle na nakaparada sa parking lot.

"Ano? Hindi pa ba tayo aalis?" saad ng tricycle driver kung saan nakasakay ako sa tricycle niya.

"Mamaya na po, manong. Antayin muna natin kung saan siya pupunta.." saad ko kay manong driver.

"Sino ba yang lalaking yan? Ba't mo ba sinusundan yan?" tanong ni manong sa'kin kaya ako napalingon sa kaniya.

"Hindi naman sa stalker ako, manong. May mahalaga lang talaga akong dapat sabihin sa kaniya." Explaination ko.

"Ba't 'di mo puntahan at sabihin mo sa kaniya yung dapat mong sabihin?"

Manong naman ihh masyadong chismoso!

"E-Eh, kasi, manong. Baka hindi niya ma-gets yung sasabihin ko kasi nga diba lasing siya?" manong talaga.

"Gabi na ah hindi ka pa umuuwi, alam ba ng mga magulang mo kung saan ka nagpupupunta? Sino ba yang lalaking yan? Boyprend mo ba siya?"

"Hindi po manong." Sagot ko.

"Eh bakit mo sinusundan? Crush mo yata yan ano?"

Kalmado pa sana akong sumagot, pero...

"H-Haahh!!? Manong naman! Hindi naman sa ganon!"

Mas malakas pa ang tunog ng ulan kesa sa reaction ko sa sinabi ni manong, kaya safe.

"Ikaw ah, valentines day pa naman ngayon. Palitan mo yung crush mo, yung hindi umiinom ng alak. Ekis ako diyan, may bisyo eh." Opinion ni manong.

"Hindi naman siya palaging umiinom manong. Umiinom lang siya ngayon kasi heartbroken siya."

"Ganun ba? Kung nasaktan siya pwede naman siyang umiyak. Masama kasing uminom lalo na't estudyante pa kayo. Buti nalang naka-jacket yang lalaking 'yan. Kung hindi, baka mapahiya yung eskwelahan niya pag na-expose yung uniporme niya sa mga tao."

"Manong paalis na siya! Sundan niyo na po!" alerto kong sinabi kay manong driver nang nag-umpisa nang maglakad si Tenonto. At may payong pala siya.

Pfft, akala ko pa naman wala siyang payong. Napaka-smart talaga. Kaya ko siya crush ihh! Charot.

Pinaandar na ni manong yung tricycle niya, at dahan-dahan naming sinundan si Tenon.

While driving, my phone rang. Kaya kinuha ko ito and there's a message popping in my notifications.

Galing kay papa, kaya binasa ko ito.

Anak nasaan ka na? Gabi na pero hindi ka pa umuuwi! Ang lakas ng ulan siguradong basa ka ngayon!

Shocks galit na galit na si erpat, wala akong load kaya 'di ko mareplyan, huhu.

Wala pang maayos na signal kase naulan, tsaka naka data pa yung fb lite ko after ma-expire nung load kaya hindi talaga ako makapag open.

minutes of driving, huminto na yung tricycle at nakarating na ako sa neighborhood ni Tenonto.

"Hanggang dito nalang yung sasakyan ko. May payong ka ba?" tanong sa'kin ni manong.

"Wala po eh."

"Nako, siguradong mababasa ka."

"Hayaan mo na, manong. Malapit nalang naman yung lalakarin ko eh."

"Sigurado ka dyan ah?"

"Opoo don't worry."

Kaya tumapak na'ko sa lupa at nag-umpisang mabasa hanggang sa lumabas ako sa tricycle ni manong. Inabot ko yung 50 pesos na pambayad sa pamasahe.

basa na yung hair ko, and unti-unti na ring nababasa yung body ko.

Nung inaabot na sana sa'kin ni manong yung suking dalawang singko, I refused to receive it.

"Keep the change nalang po, nagabihan pa kayo dahil sa akin eh, siguradong hinihintay ka na po ng family niyo para sa hapunan."

"Ahh, ehh, salamat kung ganon! Mag-ingat ka ha, basa ka na."

"Wag niyo na po akong alalahanin. Bye po!" sabi ko tapos umandar na yung tricycle ni manong paalis.

Mabait na tricycle driver si manong. Parang gusto ko na nga lang sa kaniya sumakay lagi eh. Tehee!

Geez! Basa na'ko, kaya patuloy kong sinundan si Tenonto sa paglalakad.

2018: Wet DreamsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora