41: Amazingly Shocked

114 11 8
                                    

Tenonto's POV

Tinapik ko balikat niya, biglang nagulat yung lalaki at lumingon sa'kin kaya nakita ko ang kaniyang pagmumukha!

"Ha!? Tenon!" napasigaw siya pagkatapos niya akong makita.

Si Ivan!

Nakalabas yung mga lumpia nila! Bukas yung pantalon at parang nag a-ano.

Biglang naalerto ang tatlo matapos nila akong mapansin, at binigyang atensyon ang panggugulo ko sa kanila kaya naudlot ang kanilang pasarap time.

"Walang hiya kayo, pinaghirapan kong mapanatili sa magandang reputasyon 'tong paaralan natin tas gumagawa lang kayo ng ganiyang klase ng katarantaduhan dito!?" napa sermon ako sa kanila matapos masaksihan ang ginawa.

"Nako, Tenon! Magpapaliwanag ako!" natatarantang saad ni Ivan sa akin.

"Ahh, magpapaliwanag ka?" wika ko, na dahan-dahang hinuhubad ang aking sling I.D.

"Magpapaliwanag ka! Ha!?" malakas kong saad kasabay ng paghabol ko sa kanila para paluin netong aking sling.

Mahapdi ito pag dumapo sa balat.

"Tenon! Nagkakamali ka ng akala! Ipapaliwanag ko nga sa'yo!" natatarantang saad pa rin sa'kin ni Ivan na hinahabol ko habang tumatakbo silang tatlo maiwasan lang na dumapo sa kanilang balat ang aking makapangyarihang sling.

"Di mo na kailangang magpaliwanag! Napakaliwanag na ng ginawa niyo! Sapat na yung nasaksihan ko, mga tarantado!"

Napatigil ako sa paghabol sa kanila dahil hinihingal na'ko.

"Walang hiya kayo, pinapanatili kong maging maganda reputasyon ng paaralan naten, tapos yan lang ang gagawin niyo.." hinihingal kong saad. "Sobra na yan ah!"

"Paano pag nalaman ng mga taga-ibang paaralan 'tong kagagawan ninyo? Ha!" dagdag ko pa.

"Tenon, hindi mo kase naiintindihan eh." Pahingal ding pagkasaad sa'ken ni Ivan. "Tsaka wala naman sigurong taga-ibang eskwelahan ang nandito ngayon, kaya, okey lang."

"Hindi magiging okey yon. Paano pag nag e-espiya sila dito!" matapang kong saad, at tumunog yung ringtone ng telepono ko.

Kaya napatigil sila sa pagsasalita, at ako ren, at kinuha ko yung selpon sa bulsa at sinagot ito.

"Hello, Villamor!" saad nung nasa kabilang linya.

"Oh, Quesadaz. Kumusta page-espiya mo dyan sa kabilang eskwelahan?"

"Okay lang naman! May mga nasasaksihan akong kakaiba! Madalas pumupunta si Shanel dito sa school na 'to para pumunta sa isang cr, at may mga estudyante ring naglalabas-pasok sa nabanggit kong cr! Lalaki't babae!" report ni Quesadaz sa akin.

"Ano namang ginagawa ni Mia dyan?"

"Ewan ko po! Basta ang alam ko, nung pumasok siya sa cr na yon, dahan-dahan niyang hinuhubad blouse niya at may lalakeng sumalubong sa kaniya pagbukas ng pinto! May ebidensya po ako! Kinunan ko ng video."

"Magaling. Ngayon, umuwi ka na sa inyo at baka mahuli ka pa dyan."

At pinatay ko na yung tawag.

"Ah, Tenonto? Si Rusca ba yon?" tanong sa'kin ni Ryan.

"Oo." Diretso kong sagot.

"Ano namang ginawa niya dun?" isa pang tanong sa'kin ni Ryan.

"Tanga ka pag 'di mo narinig yung pag-uusap namin kanina."

"Paano namin maririnig eh 'di yon naka-loudspeaker!? Edi ikaw pala yung tanga!" sagot ni Ivan.

"Walang hiya ka talagang asungot ka ha ginigigil mo'ko!" at patuloy ko silang hinahabol para paluin sa aking sling.

Hapon ng alas singko pasado, sa likod ng 2nd floor building namin sa may pader, lumulubog na ang araw, naghahabulan kaming apat nila Henry, Ivan at ni Ryan, nagtatawanan at nagkakasiyahan kahit sinasampal nila ako at pinapalo ko sila sa mukha gamit ang aking makapal na sling.

Naggugulungan sa lupa at nadudumihan ang mga damit. Masaya kaming apat ng mga sandaling ito bago kami umuwi sa sari-sarili naming mga bahay.

2018: Wet DreamsWhere stories live. Discover now