05: What Did I Tasted?

942 23 3
                                    

Tenonto's

Ang ingay ng classroom! Lalo na yung mga babae. Ang sakit sa tenga nung mga tili nila! Konti nalang mababasag na yung mga salamin eh.

Sumasayaw kasi yung poging student teacher namin na si sir Chunhyo.

Ang sarap nila sampalin ng hollowblock sa mukha. Nanggigigil ako eh. Ang ingay nila nangingilo na yung ngipin ko dahil sa mga tili nila.

Tinakpan ko nalang ang tenga ko gamit ang mga daliri ko at nakapikit at tinitiis yung ngilo.

Sa wakas! Natapos na rin. Umalis na si sir Chunhyo para pumunta sa kabilang section. Salamat naman.

"Uy, Tenon. Nino-nosebleed ka ba?" tanong sa'kin ni Mark na nagpa-kaba sa aking pakiramdam.

"Ha? bakit?" sabi ko.

"Yung ilong mo, kase, dumudugo." Sabi niya habang turo turo pa yung ilong ko.

"So sa tingin mo nireregla yung ilong ko? Kailangan ko siya bilhan ng napkin tapos suyuin para 'di magalit?"

"Amp. Hindi. Seryoso kasi, yung ilong mo dumudugo."

Kaya hinawakan ko yung ilong ko kung totoo ba, may naramdaman akong basa. Tapos tiningnan ko yung palad ko, at may dugo nga!

"Oh? okay ka lang?"

"Oo."

"Sure? Namumutla ka eh. Anyare sa'yo?"

"Ang mga bunganga nila. Ang lalaki at ang iingay. Kulang nalang lakihan pa nila yung bunganga nila para magkasya ang isang buong buko."

"Huh?"

"Dapat na silang ipatumba."

"Ano bang sinasabi mo? May sakit ka ba, Tenon?"

"Ang mga bunganga ng babae ang sarap paluin ng walis!"

Alas kwatro imedya ng hapon.

"Hindi ko makalimutan yung nalasahan ko kahapon. Hindi lasang kondensada 'yon. Sigurado ako hindi yun kondensada."

"Ha? Anong pinagsasabi mo 'dyan, Tenonto?" napatanong sa akin si Ryan habang sabay kaming naglalakad pauwi sa sari-sarili naming bahay.

"Naalala mo yung sinabi ko kahapon?"

"Na ano?"

"Na may tamod yung sahig sa ilalim ng upuan ni Gio."

"Eh? Baka kondensada lang 'yon or something kind of milk."

"Hindi. Hindi 'yon gatas. Natikman ko na lahat ng uri ng gatas sa buong buhay ko."

"Weh? Pati gatas galing sa dede ng mama mo?"

"Oo."

"Pati gatas galing sa dede ng pinsan mong maganda?"

"Oo. Ay, hindi!"

"Bwahahaha! Ikaw Tenonto ah!"

"Seryoso ako."

"Ay, okay. Ano bang lasa non?"

"Hindi ko alam. Parang matabang na mapakla na ewan."

"Baka glue lang yon."

"Hindi yon glue. Natikman ko na yung glue kaya alam ko na kung anong lasa ng glue. At hindi glue yung natikman ko sa sahig ni Gio."

"Ayt. Wag mo na nga isipin 'yon. Imposible namang may mangyayaring milagro sa classroom."

"Hindi imposible. May mga panahong walang tao sa classroom, Ryan. Madalas ko silang nakikita ni Mia na magkasama sa classroom. Sila lang dalawa."

"So? Ano yung iniisip mo? Na gumagawa sila ng spg sa classroom? Ganon?"

Napaisip ako dahil sa sinabi ni Ryan. Kaya sinagot ko na ito kung anong dapat kong isagot.

"Oo."

"Nako naman, Tenonto. Kakanood mo lang 'yan ng porn! Bawas-bawasan mo na kase yung kanonood ng porn!"

"Manahimik ka dyan. Maririnig ka ng mga tao. Tsaka hindi ako nanonood ng porn. Sipain kita dyan eh."

"Weh? Mamatay?"

"Ayoko. Gusto ko pa mabuhay ng matagal. 27 na'ko pero Grade 10 pa'ko. Magte-twenty nine na'ko sa 2020. Ikaw nalang magpakamatay kung gusto mo."

"So hindi ka nga nanonood ng ganon?"

"Hindi."

"Di ako naniniwala."

"Hindi nga ako nanonood! Di ka ba nakakaintindi? Hindi ako nanonood. Medyo lang."

Napahinto naman si Ryan sa paglalakad kaya napahinto din ako.

"Oh? ano?"

Bigla niya akong sinampal sa mukha.

"Aray! Yawa ka ba?"

"Mas yawa ka eh."

"Hehehe siraulo."

"Ikaw din naman."

Umabot na kami sa daan kung saan maghihiwalay na kami ng landas para makauwi sa mga bahay namin.

"Oh ano. Uwi na'ko." Sabi ko sa kaniya.

"Sige. Ako din." Tapos naglakad na siya sa daan papunta sa kanila.

"Masagasaan ka sana ng truck. Hehehe."

"Ikaw din! Sana masagasaan ka ng bus! Siraulo!" sigaw niya sa akin habang patuloy na naglalakad.

Napatawa nalang ako sa sadya. Hehehe loko-loko ka talaga, Ryan.

Napangiti naman ako dahil sa biruan namin. Ang saya pala haha. Sa mga tunay na kaibigan ko lang ako tatanggap ng mga salitang "sana mamatay ka na, sana masagasaan ka ng truck," at iba pa.

Kung 'di kita kaibigan tapos sinabihan mo'ko ng ganon, hindi mo nalang namamalayan na nasa morgue ka na pala. Jok.

Naglakad na din ako papunta sa amin.

Pero hindi ko pa rin makalimutan yung natikman ko. Balang araw, mahuhuli ko din kung sino man yung gumagawa ng ka-tarantaduhan sa classroom.

2018: Wet DreamsWhere stories live. Discover now