49: Courage

137 11 8
                                    

Ryan's POV

"Ano bang nangyari, Ivan. Bakit ba nagkaganun?" tinanong ni Henry si Ivan na nagsasalita sa mahinang boses para kaming apat lang ang makarinig.

"Ano, kase, kung gusto ko daw siya maka-date, dapat daw maghubad ako." Mangiyak-ngiyak na nagpapaliwanag si Ivan. "Tapos ayun naghubad ako, tapos nilagay ko yung mga damit ko sa gilid at pinapikit niya ako tas pinabilang ng isang daan."

"Tapos? Anong nangyari?" pa-follow up na tanong ni Henry sa kaniya para magpatuloy siya sa pagkukwento.

"Tapos pagbukas ng mga mata ko, bigla nalang siyang naglaho! Tapos, nawala na din yung mga damit ko! Wwhhaahhh!!" naiyak ulit siya.

Problemado kaming nakinig sa problema ni Ivan. Tumigil siya sa pag-iyak at nag kwento ulit.

"Akala ko maganda ang mangyayari pagkatapos ko magbilang ng one hundred, pero iniwan niya lang ako ng ganon ganon!" at umiyak ulit.

Grabe ang saklap pala ng pinagdaanan ni Ivan sa kamay ni Mia.

"Okey lang yan Ivan, wag mo nalang isipin yon. Wag mo na rin lapitan si Mia." Cinomfort ko siya.

"Wag ka mag-alala Ryan, ikaw naman ang aamin kay Mica." Sabi ni Ivan.

"Mas mabuti pa yata na wag ka nalang din umamin sa kaniya para 'di ka matulad sa'kin. At ikaw din Tenon, wag ka na rin umamin kay Dinah. Para hindi ka na masaktan." Dagdag pa niya.

Agad ko naman siyang tinutulan at napatayo ako sa kinauupuan ko. "Hindi naman ganung klaseng babae si Mica eh. Alam kong good girl siya."

"San ka pupunta?" ani ni Henry nung napansin niya akong lumalakad palayo. Kaya nilingon ko siya saglit at sinagot.

"Pupunta ako sa classroom. Maiwan ko muna kayo ha.."

At pagkatapos non ay nagpatuloy na'ko sa paglalakad ngunit may tumawag na naman ulit sa pangalan ko.

"Ryan." Tinig ni Tenonto na naririnig ko kaya ako napalingon sa kaniya.

Napatitig ang aming mga mata sa isa't isa at parang napakabigat ng sasabihin ni Tenon sa akin.

"Goodluck." Saad pa niya. Akala ko kung ano na, yun lang pala.

Kaya ningitian ko na siya at aalis na sana kaya tumalikod ako. Ngunit may narinig na naman akong salita galing sa kaniya kaya ako napahinto.

"Kung sakaling sagutin ka niya, ingatan mo siya ha.."

Napangiti nalang ako ulit matapos kong marinig ang huling bilin niya. Na-touch ako konti. Kahit papaano nagke-care pa rin siya kay Mica, hehehe. Kaya tuluyan na akong lumakad palayo at umalis na sa cafeteria.

Yes! This is it! Ganado ako at puno ako ng pag-asang umamin kay Mica! Nagkaroon ako ng lakas ng loob na umamin kay Mica dahil in love na ako!

Uwian na kaya dali-dali akong bumaba sa hagdanan papunta sa 1st floor, sigurado akong hindi pa nakakalayo si Mica.

Tumakbo ako ng mabilis, nakarating na'ko sa ground at alerto ang mga mata masagap ko lang sa paningin ko ang babaeng nagpapatibok ng aking puso!

Nakita ko na si Mica! Naglalakad palayo at malapit na makarating sa gate, ngunit napakalayo ko pa para maabutan siya agad.

Unti-unti siyang naglalaho sa paningin ko at patuloy na naglalakad palayo, hinihingal pa ako.

Ngunit palayo na siya ng palayo! Kaya kahit hinihingal pa, hahabulin ko pa rin si Mica!

2018: Wet DreamsWhere stories live. Discover now