53: Goodnight And Goodbye's

145 12 7
                                    

Tenonto's POV


Maulan at malamig, madilim ang paligid kasi brown-out at nakahiga na kami ni Mica sa kama ko para matulog.

Nanahimik ng mahigit isang minuto at inaantok na ako.

Bigla nalang may yumakap sa akin na dahilan ng pagnginig ng buo kong katawan. Napalingon ako sa likod at naka-cuddle sa'kin si Mica!

Binalibag ko ang kaniyang braso para makaalis ako sa pagkakayakap niya sa akin, at bumulyaw.

"Ano ba Mica!? Wag mo nga'kong hawakan!"

"Ehh, malamig kasi eh, kaya ni-hug kita." Pangangatuwiran niya.

"Sus, andami mong lusot." Masungit kong saad.

Naging payapa ulit ang buhay ko mula nung tinanggal ko sarili ko sa pagkakayakap niya.

Ngunit yumakap siya ulit.

"Wag mo'ko hawakan sabi!" sigaw ko sabay balibag ulit sa braso niya. "Kulit mo eh." Sumiksik nalang ako sa pinakagilid ng kama ko at dikit na dikit na ako sa pader para lumayo sa kaniya.

At niyakap na naman niya ako ulit.

"Sabing wag mo'kong hawakan!!" napasigaw ako kasabay ng malakas na pagsipa sa kaniya na dahilan ng pagtalsik niya paalis dito sa kama ko.

Kumalampag siya sa pagkahulog at siguradong masakit 'yon.

"Hala! Sorry! Hindi ko sinasadya! Ikaw naman kasi ehh!!" todo kong paumanhin sa kaniya at tinulungang makabangon.

"Hinde, okay lang. Kasalanan ko naman eh.. ang kulit ko kasi.." dahan-dahan ko siyang pinatayo at humiga ulit kaming dalawa sa kama.

Tahimik na naman, at patulog na sana ako, ngunit may pahabol na ideya ang na-produce sa utak ko.

"Mica.." mahinahon kong saad, nakahiga ako at nakatalikod sa kaniya.

"Hmm?" aniya.

"Bakit mo pala ako sinundan dito sa bahay ko?"

Tahimik. At ilang saglit ay nagsalita na siya.

"Well, I guess hindi mo narinig yung sinabi ko kanina. I'm here to comfort you."

"Maliban don. Bakit ka pumunta dito?"

Wala yata siyang maisagot, kaya hindi ko nalang inisp at pinikit na ang mga mata.

"Honestly, may iba pa talaga akong sadya sa'yo." Dagdag pa niya kaya napadilat ulit ang mga mata ko.

"Hanep ka talaga. Kung kailan matutulog na'ko tsaka ka pa nagsalita. Ano ba'ng sadya mo?"

"There's a man who confessed to me the day before valentines."

Kahapon yun, malamang.

"I responded to him. I rejected his confession but he's not upset." Sabi pa niya. "Believe ako sa kaniya, ang lakas ng confidence niya na umamin sa akin, hindi siya nahiya."

"Ahh..."

"He's got the courage na wala sa sarili ko, but after the rejection, he's still acting positive and he gave me the courage I need to confess for the man I want."

"Hindi sa tsismoso ako ah, pero sino ba yung lalaking nag-confess sa'yo?"

Gumalaw siya, at nararamdaman kong humihiga siya ng maayos at ang kisame ang kaniyang natatanaw.

"Gusto mo talagang malaman?" sabi niya matapos siyang umayos sa kaniyang paghiga.

"Kaya nga tinatanong ko kung sino eh."

2018: Wet DreamsWhere stories live. Discover now