"Okay lang 'yon ano ba kayo normal lang naman na hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan ninyo dahil bago palang ako" mabait paring salita nito kahit ata anong mangyari ay mabait parin sya

"Hehe sorry talaga by the way yung pinag-uusapan namin was about my mom she have depression but she's getting better now at tulad nga ng narinig mo she was planning to open a restaurant kaya naghahanap ako ng pwedeng pagtayuan o di kaya ay pagrentahan nalang muna para sa restaurant nya" hindi ko madalas binabanggit sa iba ang kondisyon ng buhay namin dahil ayokong gamitin nila ito laban sa akin ngunit sinasabi ko ngayon ito kay Cecilia dahil ramdam ko na napakabuti ng puso nya

"Uhm thank you for letting me know, Amelia. I hope your mom's condition continue to get better and better, also i think i can help you  sa paghahanap ng restaurant dah—" hindi ko na ito pinatapos pang magsalita at kumibo agad ako sa sinasabi nito

"Omg! Talaga ba? Bakit may alam ka bang nagpaparenta o nagbebenta ng pwesto? Kung meron, saan? malayo ba? Pwede na ba nating puntahan o di kay—"

"Teka teka lang Amelia hindi pa naman ako natatapos magsalita e" she said while pouting

Aww she really looks like an angel

"Meron akong alam na nagbebenta ng pwesto hindi sya kalayuan dito mga isang sakay lang ng jeep kaya lang medyo pricey e but i think sulit naman dahil talagang malaki ang space at malapit din sya sa Sublime Village mada—" pinutol ko ang sasabihin nito

"Did you just said Sublime Village?!" Masaya na may halong excitement kong tanong dito

"Ah oo bakit b—"

"Omayghod talaga Cecilia akala ko mukha ka lang anghel pero hulog ka pala talaga ng langit saktong sakto yung sinasabi mo dahil doon kami nakatira!" Masayang masayang sambit ko dito hindi ko pa man nakikita ang pwesto na tinutukoy nya ay alam ko na agad na maganda ito base sa mga sinabi nya

"Woww talaga ba? Alam mo pangarap kong makapasok sa loob non dahil mula sa labas ay halata ang naglalakihang mga bahay sa loob! Grabe ang yaman nyo pala, Amelia" May tuwa ding wika nito

"Uhm actually nakikitira lang kami ni mama sa uncle ko" medyo nahihiyang paliwanag ko dito although my father was the real owner of that house pero sila uncle ang may hawak ng mga titulo nito at wala na akong narinig pang balita tungkol dito magmula noong namatay ang pinagkakatiwalaang attorney ni papa

"Okay lang 'yon Amelia kahit ako ay nakitira sa mga tiyahin ko noong nag-aaral palang mabuti nalang at may mabubuti tayong mga kamag-anak na handa tayong kupkupin kahit anong oras" nakangiti nitong wika, sana ay mabuti talaga ang mga kamag-anak kong kumupkop sa akin kaya lang ay malabong maging ganon ang sitwasyon pero masaya parin akong malaman na may mga kamag-anak parin palang handang tumulong ng walang hinihinging kapalit

"Hay nako mabuti pa ay umuwi na tayo dahil maggagabi na at baka hanapin na si Amelia sa kanila" biglaang singit ni bakla mukhang alam nyang lumilipad nanaman ang isip ko madalas talaga kase akong mag-overthink at magbreakdown lalo na kapag tungkol sa pamilya ang usapan

"Ah sige, Bye Amelia una na kami!" Paalam ni Cecilia kasama si Matt parehas kase ang daan papunta sa bahay ng dalawa kaya nagsasabay sila palaging umuwi

Tumayo na din ako sa mesa at kinuha ang bag na aking dala dala saka naglakad palabas ng cafeteria

Naglalakad-lakad ako sa labas ng building habang naghihintay ng masasakyan ng biglang may  narinig akong tumawag sa pangalan ko

Hayst si bakla nanaman sigu—

"Amelia ang laki na ng pinagbago mo"

Wait–what? Kilala ko ba to?

Pinagmamasdan ko lang ngayon ang lalaking nasa harapan ko sinusubukan kong alalahanin kung nagkita na ba kami o bak—

"Hey! Hindi mo na ba ko nakikilala?" Nakangiting wika nito sa harap ko habang kinakaway kaway ang kamay nya malapit sa aking mukha

Mukha ba 'kong bulag?!

"Hehe sorry mister pero sino ka ba?" Alanganin kong tanong dito

"HAHAHAHAHAHA" nagulat ako sa biglaang pagtawa nito ng malakas sa harap ko

Geez nababaliw na ba sya?

"Seryoso ka ba? Hindi mo na talaga ako nakikilala?"

"Yeah kasasabi ko lang diba?"

"Uy grabe ka naman hanggang ngayon masungit ka parin, ang bait bait mo sa iba pero pag sa akin hmp!" pagtatampo pa nito kunware sa harap ko

Parang syang bata....cute

"Sorry Mister ah hindi mo pa ata nasasagot yung tanong ko bat mo 'ko kilala nagkita na ba tayo dati?" takang tanong ko parin dito ang dami nya na kaseng nasabi pero hindi man lang magpakilala

"Hay grabe ka na talaga Amelia nakaka-ouch ka ng feeling" Sabi nito habang hinihimas himas kunware ang dibdib na para bang nasasaktan

Nakaka-ouch daw amp bakla ba 'to?

"Hoy hindi ako bakla ah!"

"Huh? Wala naman ako sinabi ah" mariing tanggi ko dito

"Wala nga, pero alam ko na iniisip mo"

"Eh? Paano?"

"I know you too well Amelia"

"What do you mean?" Ano bang sinasabi nya ni hindi ko nga sya kilala pero bakit parang kilalang kilala nya ko para malaman yung tumatakbo sa utak ko

"What I mean is umuwi ka na baka magalit na yung Auntie mo" sabi lang nito at bigla akong tinalikuran at naglakad na sya papalayo

Who the hell is that man? Pati si Auntie kilala nya....

~      Melestial       ~


His Bossy SecretaryWhere stories live. Discover now