☪️ CHAPTER 29☪️

Start from the beginning
                                    

Sakit naman yung kurot nya sa akin ang hilig nya talaga manakit.

Humarap naman ako kay moonia at nakita pati si kuya ay nakakunot ang kanyang noo. Bahala kayo dyan HAHAHAHA.

"Oh bakit kayo nakatingin ng ganyan sa akin?" nakangiteng tanong ko na abot tainga.

Nakita ko lang naman ang pagmumukha ni Itlog na nakasimangot at may black-eye, imagine yung mukha nya talaga ngayon nakakatawa.

This is the first time na tawang-tawa ako sa isang tao at sa kaaway ko pang si itlog.

"Ikaw dapat ang tatanungin namin kung bakit ka tumatawa." inosenteng tanong ni moonia.

Binigyan ko lang sya ng ngite at umiling pero dahil gusto ko din na tumawa sila ay sinabi ko ang pangalan ni itlog.

"Tingnan nyo si Zero." hinanap naman nila si itlog.

Hindi ko tinuro baka malaman ng iba na si itlog ang tinatawanan namin at mas lalong magagalit ang itlog na yun.

"Teka may black-eye ba sya?" moonia

"I don't think so but parang black-eye talaga." Caden

"Saan nya naman nakuha black-eye nya? Gusto kung pasalamatan ang may gawa nyan sa kanya." nine.

Hindi ba sila natatawa? Mukhang naaawa sila pero at the same time na tutuwa pero hinihintay ko ang malakas nilang tawa.

"Hindi ba kayo natatawa?" nabaling naman ang tingin nila sa akin.

Napatingin lang sila sa akin ng seryoso at mukhang di nga hindi sila natatawa, mababaw ba ang kaligayahan ko?

"Sabi ko n-"

"HAHAHAHAHAHAAHA." nagulat ako ng bigla silang humahagalakpak sa tawa.

"Tang *na hindi ko aakalain na isa Emperor magkakaroon ng black-eye." natatawang sabi nine.

Pagsinabi ko bang ako may gawa maniniwala ba sya? Pero wag na lang nandyan si caden at baka sermunan na naman nya ako.

"Gusto kong pigilan ang tawa ko dahil isang gangster leader ang pinagtatawanan natin pero hindi ko kaya." moonia na pilit na pigilan ang tawa nya.

"He's face is so priceless." sabi ni caden na mahinang tumawa.

Nakangiteng akong pinagmamasdan sila habang tumawa silang tatlo kung nasa labas siguro kami namumuhay ngayon siguro ganito din kasaya ang buhay namin pero dahil nandito kami ay hindi na kami maaaring lumabas kung wala ang gate pass at hindi kami makapagtapos.

Kung gusto ko man umalis dito kailangan kasama sila. Alam kung wala akong kakayahan ngunit hindi ko hahayaan na masaktan sila.

Sa pagpasok ko lang dito ay naging parte na sila ng buhay ko at yun ay pinapahalagahan ko na ngayon kahit nung una ay hindi naging maganda ang meet namin.

"Hellia is there's something wrong?" napaangat ako ng ulo ng narinig ko ang boses ni caden.

Nakatingin silang tatlo sa akin na may pag alala sa pagmumukha nila.

"Oo mga kanina tumatawa ka tapos bigla kang nanahimik ng kami naman ang tumawa." sabi ni moonia.

"Hala hindi naman sa ganon na ayaw ko kayong patawanin." nataranta kong sabi habang nagwiwave pa ng kamay.

"Masaya lang ako kasi naging kapatid at naging kaibigan ko kayo." nakangiteng sabi ko.

"Sus yun lang pala wala lang yun nakatadhana kasi tayo." inakbayan naman ako nine sabay ngite.

"GOOD MORNING SERPENT STUDENTS!!" napatingin kami ng sabay sa malaking screen sa itaas at nakita namin si HM ang MC.

"Tara doon na tayo." aya sa amin ni nine sabay tanggal ng kamay nya nakaakbay sa akin.

May humawak naman sa kamay ko kaya tumingin ako kung sino humawak sa akin at si caden pala na nakangite ng panandalian kaya nginitian ko din sya at sumunod kay nine.

Umupo naman kami sa ikalamang row ng mga upuan.

"ALAM NYO NAMAN SIGURO KUNG ANONG MERON NGAYON. HANDA NA BA KAYO MAKIPAGLABAN SA ISA'T ISA?"

"HANDA NA!"

"HINDI PA P*TANG *NA!"

"HANDANG-HANDA NA!"

Sigawan ng lahat ng nasa loob ng battle arena halata mo sa kanila na handa na handa na sila parang alam na talaga kung pano talunin ang magiging kasangga nila.

"OK, ALAM NYO NAMAN SIGURO SA BATTLE NA ITO KAPAG NAPATAY KA SA BATTLE AY HINDI NA RESPONSIBILIDAD NG ACADEMY PERO...ANG PRIZE NG BUHAY NYO AY MAPUPUNTA SA FAMILY DAHIL HINDI NYO NAMAN ITO MAGDADALA SA KABILANG BUHAY."

Kinabahan ako bigla dahil hindi ko alam na patayan pala ang battle na ito.

Naramdaman kong pinisil ni caden ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Don't worry I'm here." pagpapagaan ni caden ng loob ko which is effective naman kahit papano.

"BUT TODAYS BATTLE AY MAGBABAGO ANG RULES." Sabi ni HM na ikinataka ng istudyante at nagsimulang magbulungan.

Dahil sa dami ng studyante ay namuo ang ingay sa loob ng battle arena.

Pero anong rules ang magbabago?

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now