Chapter Thirty Four

Start from the beginning
                                    

"Di ko pa tapos yung akin, eh," sabi niya. "Mahina talaga ako sa mga essay essay na ganyan. Ano nilagay mo?"

"Kung ano lang yung nasa topic natin tapos in-expound ko lang. I added my opinions and such doon sa pinag aralan natin."

Nilabas ni Seb yung book niya at yung pad paper kung saan niya isinusulat yung essay niya. Napasilip ako doon sa papel niya. Nakaka three sentences pa lang siya. Tapos may erasure pa. In less than fifteen minutes, mag start na yung klase and yet, nag c-cramming siya ngayon.

Gusto kong mapa facepalm. Minsan hindi ako makapaniwala na this guy's running for Salutatorian.

"Dito ka ba nag base?" tanong ni Seb at akmang guguhitan niya ng ballpen yung text book niya.

"Wait!" sabi ko sa kanya at napahawak ako sa wrist niya para pigilan siya sa pag susulat.

Napatigil si Seb at napatingin sa kamay ko na nakahawak sa kanya. Maging ako ay napatingin din at doon ako biglang natauhan. Agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ko.

Iris ano ba! Mag ingat ka sa mga kilos mo!

Kinuha ko na lang yung highlighter ko at inabot ko sa kanya.

"Gamitin mo," sabi ko. "Ay kaso color pink."

Kinuha niya sa kamay ko yung highlighter, "wala namang gender ang kulay. Thanks!"

He started highlighting yung parts ng libro niya. Napatingin ako sa mukha ni Seb habang nag ta-trabaho siya. Pag binabasa niya yung text sa libro, gumagalaw din ang mga labi niya habang nag babasa. Isa ring mannerism niya pag nag co-concentrate siya ay yung napapahawak siya sa dulo ng tenga niya. From time to time, he's using the back of his pen to scratch his temple.

Napaangat ang tingin sa akin ni Seb and his eyes met mine. Agad akong napaiwas nang tingin dahil hindi ko napansin na I'm staring at him way too much.

What the hell is wrong with me? Sabi nang i-iwas, eh. Hindi yung gagawa ako ng bagay na kabaliktaran sa pag iwas!

Kinuha ko yung pad paper kung saan ko isinulat yung essay ko at inabot ko ito kay Seb.

"Ayan, basahin mo na lang. Basta wag mong kokopyahin!"

Napangiti si Seb habang kinukuha yung essay ko.

"Ganda," sabi niya sa akin habang nakatingin ito sa akin.

My heart stopped. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung paano mag rereact sa sinabi niya.

Did he just say I'm---

"Nung handwriting mo," duktong ni Seb sabay tingin sa essay ko.

Okay, nevermind. Hindi ako ang sinasabihan.

Gusto kong sipain ang sarili ko. Simula nung narinig ko na sinabi niya kay Mona na gusto niya ako, nabibigyan ko na nang meaning ang lahat ng bagay. I hate this! Ni hindi pa nga ako sure na totoo yung sinabi niya, eh tapos ganito na ako?

I want to kick myself.

"Haba nito ah? Pang Palanca Awards ata ito, eh," pagbibiro nito sa akin.

"Doon ka na sa pwesto mo mag sulat para mas makapag concentrate ka," sabi ko. Pero sa totoo lang, gusto ko siyang palayuin kasi any moment alam kong babalik na sa classroom si Mona.

Isa pa----dapat iniiwasan ko siya ngayon, 'di ba?!

"Mas nakakapag concentrate ako dito," sabi naman ni Seb. "Tsaka para may tanungan ako."

Napahinga ako nang malalim. Please, bakit ba ako pinapahirapan ng taong 'to? Gusto ko ngang umiwas eh kaso paano ako aalis kung lumapit siya dito sa pwesto ko?!

"Uy ano yan?"

Napaangat pareho ang tingin namin ni Seb at nakita namin si Mona na papalapit sa aming dalawa.

Oh goodness.

"Yung essay niyo?" sabi niya as she took the seat beside Seb. "Patingin! Paano niyo ginawa?" ngiting ngiti na tanong nito.

"Nag start pa lang ako," sabi naman ni Seb at nakita kong tinakpan niya ang essay ko gamit ang braso niya. Parang ayaw niyang ipakita kay Mona.

O assuming lang ako at mapag bigay ng meaning sa mga bagay bagay.

I heard Mona giggled, "ang cute naman ng book mo! Pink highlighter talaga?"

Ipinakita ni Seb ang highlighter niya, "cute 'no? Pinahiram sa akin ni Iris."

Natigilan si Mona at napa angat ang tingin niya kay Seb. Naka ngiti lang si Seb sa kanya. At ako? Ramdam ko ang tensyon.

Mona just confessed her feelings for Seb a while ago. Seb rejected her and told her he likes me.

At ngayon, pinapakita ni Seb kay Mona ang highlighter na pinahiram ko sa kanya. Parang wala lang pero ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila at pakiramdam ko rin para akong naiipit.

Sabi ko iiwas ako, pero bakit nasa gitna ako ng dalawang 'to ngayon?!

Can someone please get me out of here?

"Ms. Pres! Pinapatawag ka ni adviser sa teacher's office," dinig kong sabi ni Glen sa akin at agad agad akong tumayo and I excused myself to them.

I never thought na sasabihin ko 'to sa tanang buhay ko pero---hulog ng langit si Glen. Isa siyang anghel. Kung ano man ang nangyari para maging ganyan siya ngayon, thank you Lord.

Hindi ko na sila nilingon. Dire-diretso akong nag lakad papuntang teacher's office. Sana talaga pag balik ko doon, pareho na silang umalis sa pwesto ko because I don't want to deal with them anymore.

Kasi parang awa, paiwasin muna nila ako kahit hanggang weekend lang. Para makapag isip lang ako.

Pumasok ako sa loob ng teacher's office.... At halos mapa atras ulit ako sa gulat nang makita kong may ibang estudyante ang kinakausap ng adviser namin.

Yung isang gusto ko pang iwasan---si Harold.

"Iris come here!" tawag niya sa akin.

Napapikit ako at lumapit sa kanya. Nakita kong nginitian ako ni Harold at parang lumabot ulit ang puso ko and I smiled back at him.

"Yes po Ms. Alvarez?"

"There's a leadership training program in Antipolo that will be held this Saturday. I got two slots and we've decided na kayo ni Harold ang ipadala namin. I hope you're free this Saturday. It's a good opportunity plus dagdag din 'to sa extracurricular points mo. So, what can you say?"

Napatingin ako kay Ms. Alvarez, then kay Harold na ngiting ngiti sa akin at mukhang excited.

It is a good opportunity indeed. Something na hindi ako magdadalawang isip na i-grab.

Pero yung opportunity na magkaroon ako ng tahimik na weekend at magisip isip sa mga bagay na dapat kong pag isipan?

Gone.

Hindi ba talaga uubra na umiwas ako?

To be continued...

Stay Wild, Moon ChildWhere stories live. Discover now