Lumapit ako sa kanya pero dahil busy na busy siya sa pakikipag usap niya sa phone, hindi niya  siguro ako napansin. Bakit ba hindi ako binibigyan ng atensyon ng babaeng to?! Siya na lang ang nag iisang babaeng hindi nagkakandarapa sakin ah! “Amgirl!” sigaw ko. Hindi niya pa rin ako pinansin. Huminga ako ng malalim at kinuha yung phone niya tapos hinagis.

Napatingin siya sa’kin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya akong nakasmirk sa kanya. “WHAT.THE.FUCK?!” sigaw niya. Nagtinginan syempre ang mga tao samin. Tinignan ko sila ulit ng masama para hindi na nila kami pansinin.

“Samahan mo ‘ko,” utos ko sa kanya sabay talikod. Naglalakad ako habang nagpipigil ng tawa. Eh nakakatawa eh. Nagsisisigaw siya mag isa. Napatigil lang ako ng may bumato sa ulo ko. Huminga ako ng malalim. Kung pwede lang talagang sapakin to eh! Wala pang bumabato sakin ng ganyan… Blake, kalma lang.

Pagkaharap ko sa kanya, may tsinelas na naman na tumama sa mukha ko. “Come on, Monster. Let’s do it. One on one,” sabi niya ng galit na galit. Pinulot ko ang tsinelas niya at binato sa trash can habang pinagtatawanan ang ‘katapangan’ niya.

“Tingin mo kaya mo ‘ko?” tanong ko sa kanya. Hindi pa din nawawala ang smirk sa mukha ko. Nakikita ko na nanlilisik ang mga mata niya at sobrang nanggigigil siya dahil pulang pula na ang mukha niya. Nakakatawa nga siyang tignan eh. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang wrist niya sabay hila sa kanya sa loob ng building.

Syempre, nagpupumiglas siya pero dahil hindi naman siya ganun kalakas, hindi naman siya nakakawala sa hawak ko. Pagpasok naming sa loob, sumigaw ako sa lahat ng tao, “LABAS!” Tumingin lang sila sa’kin. “Ang sabi ko… LABAS!”

Wala mang five seconds, nawala na lahat ng tao sa reception area. Pinasarado ko ang main door at dun ko lang binitawan si Amgirl. Nakita ko siyang naluluha na. “What do you want?” tanong niya ng mahina. Nakita ko na pinipigilan niyang tumulo ang luha niya. Ewan ko ba, pero nagalit ako sa sarili ko. Bakit? Bakit parang naaawa ako sa kanya?

“If you don’t have anything better to say or do, I’m going.” Tumalikod siya at pumasok na sa elevator. Nakapaa na lang pala siya. Huminga ako ng malalim nung makita kong tinakpan niya ang mukha niya. Sumarado na ang pinto ng elevator. Hahabulin ko ba siya tapos magpapasorry? Ayt. Hindi naman ako nagpapasorry eh! ‘Wag na nga! Kinamot ko ang ulo ko at lumabas na.

“Pasok na kayo,” sabi ko sa kanila. Tumango lang sila at parang medyo gulat. Pumunta ako dun sa lugar kung saan ko binato ang phone niya. Wasak na wasak na. ‘Di bale! Bayaran ko na lang bukas. Kinuha ko yung memory card, sim card saka yung dalawa niyang tsinelas.

Ganti ko na lang sa kanya yon dahil sa ginawa niya kaninang umaga.

Mga bandang nine thirty na ako nakauwi samin. Dumiretso ako sa kusina at nagpaluto ng pagkain sa kasama naming sa bahay. Pero nung nakahanda na yung pagkain, para akong nawalan ng gana., kaya nagpaaalam na ako na matutulog na lang ako. Hindi ako sa kwarto ko natulog. Siguro madumi dumi pa ‘yon. Pumunta na lang ako sa kwarto ni Krungy. Eh sa mas malamig dun eh.

Paghiga ko sa kama niya na napakalambot, nagring ang phone ko. Pumikit ako at hindi na tinignan kung sino ang tumawag. “Hello?”

“Baby boy.” Tch. Nakakainis naman si Mama oh! 19 na ako tapos ganun pa din ang tawag sakin? Nakakahiya eh.

“Ma, bababaan kita!” sabi ko. Kung andito lang yan, binatukan na ako nito eh. Pero maswerte dahil wala siya dito.

“I’m still in Cebu.”

“So?”

“Blake Perez. Your manners please.”

“So?... Mama?” Narinig ko siyang magsigh.

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now