Fairy 31: The Eclipse

90 4 0
                                    

Nagising ako nang may tumatawag sa pangalan ko. Nabungaran ko si Jamie na nakadungaw sa akin.

"Jamie?" tawag ko sa kanya.

"Kailangan nating gumawa ng paraan para makatakas. Kailangan hindi matuloy ang ritual mamayang gabi. Nalaman kong mamaya na ang eclipse kaya narinig ko na naghahanda na sila." sabi niya.

"Paano mo nalaman?" nagtataka kong tanong.

"Namana ko ang kapangyarihan ni ama na makarinig mula sa malayo." kumunot ang noo ko.

"Bakit nakakarinig ang ama mo sa malayo? Anong klase siyang nilalang?" tanong ko.

"Bampira si ama kaya ganun din ako." nagulat ako sa sinabi niya. "Kaya kailangan na nating magplano para makatakas." dagdag niya.

"Pero kailangan natin munang malaman kung nasaan ang iba pa. Matutulungan nila tayo." sabi ko pero umiling siya.

"Imposible na iyan. Ly, alam kong alam mo na kung gaano kasama ang hari. Sa tingin mo ba bubuhayin tayo ng hari kung hindi niya tayo kailangan? Kaya maaaring patay na sila." napailing ako.

"Hindi. Hindi sila maaaring mamatay." paulit-ulit kong sabi, hinawakan niya ang balikat ko at niyugyog ako.

"Makinig ka sa akin, wala na tayong magagawa. Kailangan nating maging matatag dahil maraming umaasa sa iyo. Ikaw ang itinakda, Lyra." bigla na lang tumulo ang luha ko at muling napaupo.

Paano ako lalaban kung wala ang hukbong hinanda ni ama para sa akin? Ang mga kaibigan ko at...si Athan. Hindi nila ko maaaring hayaang lumaban mag-isa. Nangako sila na makakasama ko sila hanggang dulo.

"Lyra." lumapit si Jamie sa akin at niyakap ako.

"Kamahalan..." napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"Pumunta ka sa kabilang selda at alamin mo kung sino ang nakakulong. Kutob kong siya ang aking anak." rinig kong sabi ng babae na nasa tabing selda lang namin.

"Kamahalan?" nanlalaki ang mata ko nang makumpirma ko na kaya pala pamilyar ang boses. Tumayo agad ako at lumapit sa kanya.

"Elwin? Anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihin na traydor ka rin?" tanong ko pero mabilis siyang umiling.

"Hindi, kamahalan. Nandito ako bilang espiya ninyo. May ginagabayan ako dito." sabi niya at nilingon ang nasa kabilang selda.

"Sino?" tanong ko pero hindi pa rin siya sa akin nakatingin. Nang tingnan na niya ako ay kumunot ang noo niya.

"Nasaan ang mga prinsipe at prinsesang kasama mo? Bakit kayo nahuli? Ano nang nangyari sa inyong mission?" sunod-sunod niyang tanong kaya pumatak na naman ang mga luha ko.

"Hindi ko alam, galing kami sa mundo ng mga mortal para sa huling misyon pero biglang dumating ang Dark King at bigla na lang kaming nawalan ng malay. Pagkagising ko ay nandito na kami." nilingon ni Elwin si Jamie.

"Ophelia Bertillon?" sabi niya kaya tumango si Jamie. "Kaya pala abala ang buong kaharian dahil sa gaganaping ritual mamayang gabi." sabi pa ni Elwin.

"Elwin, tulungan mo kami dahil hindi pwede matuloy ang balak ng hari. Marami na namang mamamatay kapag nabuhay ang reyna ng kadiliman." sabi ko kaya tumango siya.

Pumunta siya sa kabilang selda kaya kumunot ang noo ko. Sino nga ba ang nasa kabilang selda na kahapon ko pa kausap?

"Kamahalan, ano na ang gagawin natin? Nakuha na ng hari ang huling sangkap para sa ritual." sabi ni Elwin sa babae.

"Kailangan mong hanapin ang mga Dawson at ang mga prinsesa. Sila na lang ang pag-asa natin. Alam kong buhay pa sila at nasa malapit dahil nararamdaman ko ang kanilang presensya." sabi ng babae sa kabila. Kumunot ang noo ko, kilala niya ang mga kasama ko?

The Last FairyWhere stories live. Discover now