Fairy 4: Wizard Princess

172 11 0
                                    

Nang mahimasmasan dahil sa lamig ng tubig sa ilog ay nagdesisyon akong bumalik sa mga kasama ko. Naglakad ako pabalik at nakita kong may apoy na sa gitna.

Umupo ako katabi si Athan na nakaupo sa may ugat ng puno at tumitig din sa apoy katulad niya. Lumingon ako nang may iabot siya na prutas sa akin. Wala akong mabasang emosyon sa kanya.

"Do you trust me?" nagulat ako sa tanong niya pero hindi siya lumingon sa akin. Kinagatan ko ang kakaibang prutas na inabot niya.

"In what aspect?" tanong ko pero nagkibit balikat siya at hindi na muling nagsalita. Tiningnan ko ang mga kasama namin at nakitang natutulog na sila at si Silvyr ay nakaanyong ibon na nakadapo sa balikat ni Elwin.

"In everything..." nang akala ko ay di na siya magsasalita, sumagot siya. Ako naman ay tinupi ang mga tuhod at nilagay ang baba dito habang nakatitig sa nagniningas na apoy. Mapait akong ngumiti.

"How could I trust you if we're met just a few hours ago?" sabi ko at nagulat nang bahagya siyang tumawa.

"Yeah, you shouldn't trust me." sabi niya at sumandal sa punong nasa likuran namin.

"But... Do I have a choice? Wala akong pagpipilian kundi magtiwala sa'yo. Dinala mo ko sa lugar na hindi ko alam na nageexist pala. Nabuhay ako na pinaniniwalaang isa lang ang mundo at yun ang kinagisnan ko. Kapag di ako magtiwala sa'yo kanino pa ako magtitiwala?" sabi ko kaya lumingon siya sa akin.

"Then trust me if I told you that I won't let anyone or anything harm you in this world. Lyra, you got me." napangiti ako at katulad niya ay sumandal na rin ako sa puno. Pumikit ako.

"Good night, Mr. Athan Dawson." nakangiti kong sabi, akala ko di na siya sasagot ay nagkamali ako.

"What is Mister? Oh, by the way. Good night too Lyra, the last fairy." nakangiti lang ako hanggang sa di ko namalayang nakatulog na ko.

Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang alam ko ay napakaganda ng lugar na ito. It's like a paradise. Tiningnan ko ang suot ko at nakitang parang sa isang prinsesa ang suot kong damit. Napakaeleganteng kasuotan.

"Lyra,  welcome home." lumingon ako at nakita ang isang babae na napakaganda. Kumunot ang noo ko dahil parang magkamukha kami.

"Sino ka?" tanong ko dito pero ngumiti siya ng napakatamis sa akin.

"Kung ano man ang iniisip mo ay tama, mahal kong anak." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nilahad niya ang palad sa akin.

"Come, I tour you to our kingdom." tinanggap ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad palabas ng silid.

Habang naglalakad kami ay panay ang yuko sa amin nang mga tagapaglingkod. Nilingon ko ang aking ina pero nakangiti lang siya habang hawak ang kamay ko at naglalakad. Nilibot ko ang paningin at di ko mapigilang maluha sa ganda ng aking nakikita.

Napakapayapa at maayos ang buong kaharian. Huminto kami ng aking ina sa tapat ng isang pinto at sinabi niyang ito raw ang bulwagan. Binuksan ng isang kawal ang pinto at bumungad ang isang makisig na lalaki na nakatayo habang ang dalawang kamay ay nasa kanyang likuran. Sa isang tingin alam kong hindi basta ang hawak niyang kapangyarihan.

Lumingon siya sa amin nang nakangiti at lalong bumuhos ang luha ko nang makita ko siya. Binuka niya ang dalawang kamay kaya lumingon ako sa aking ina pero tumango lang siya habang nakangiti. Nung una dahan dahan hanggang sa tumakbo ako papunta sa mga bisig ng aking ama.

"Lyra, anak." bulong ni ama at lumapit din si ina para yumakap sa amin.

"Inaasahan ko nang paglaki mo ay magiging matapang ka." sabi ni ama kaya napangiti ako.

The Last FairyWhere stories live. Discover now