Fairy 23: The Dark King

94 2 0
                                    

Third Person's POV

Nakatingin sa malaking bintana ang nilalang na nakasuot ng itim na maskara habang umiinom ng alak na may lamang pulang likido sa kanyang kopita. Mas kilala siya sa tawag na Dark King, si haring Farkas Belmont. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang Sawson ng kanyang kaharian, walang emosyon niya itong nilingon.

Napaatras ang Sawson dahil sa nakakatakot nitong awra.

"Any news?" walang emosyong tanong niya at muling tumitig sa buwang kulay dugo.

"Masama o magandang balita, ano ang aking uunahin, kamahalan?" masamang tingin ang pinukol niya sa matanda.

"Unahin mo ang nais kong marinig bago kita pugutan ng ulo." yumuko ang matanda.

"Dahil sa pagpula ng buwan ay nangangahulugang malapit na kayong magtagumpay sa inyong mithiin, kamahalan. Hawak niyo na sa leeg ang lahat ng mag-aaral sa Akademya." napangisi siya sa narinig.

"Ang masamang balita?" nakangisi niyang tanong.

"Nagbago ang ayos ng mga bituin at ibig sabihin lamang ay nagbago ang propesiya." nawala ang ngisi niya.

"Anong nabago?"

"Apat na prinsipe at apat na prinsesa ang tatapos sa inyong buhay at ng inyong salinlahi bago pa man kayo magtagumpay. Malapit na sila sa kanilang mithiin." hindi nito nagustuhan ang propesiyang sinabi ng matanda kaya agad niyang tinapon ang kopita sa pader.

Napapikit ang matanda, kinuha nito ang espadang nakalagay sa kaha at walang pagaalinlangan niya pinugutan ng ulo ang matanda.

"Sinabi kong pupugutan kita ng ulo sa oras na hindi ko magustuhan ang sasabihin mo." nakangising sabi nito at dinilaan pa ang espadang may marka ng dugo.

Napangisi siya at sinumang makakakita sa kanya ay tiyak na matatakot.

"Hindi pa ipinapanganak ang nilalang na pipigil sa aking maghari. Dahil hindi ko na siya hahayaan na isilang pa. Magtatagumpay ako at mamamatay ang lahat ng kumalaban sa aking paghahari hindi lang sa mundong ito, maging sa mundo ng mga mangmang na mortal." tumawa siya ng malademonyo kaya maging ang mga kawal niyang papasok sana upang kunin ang bangkay ng matanda ay napaatras.

Naglakad siya palabas ng silid kaya dali daling pumasok ang mga kawal upang kunin ang bangkay.

Nakarating siya sa madilim na parte ng kanyang kaharian at kahit na sinong nilalang ay hindi pa nakakapasok dito maliban na lang kung ikaw ay ikukulong. Sa Dungeon. Sumalubong ang isang halimaw na ahas na may pitong ulo sa kanya.

"Stew, kamusta aking mga alaga?" naglabas lang ng dila ang mga ahas na ito at hinayaan siyang makaraan.

Napangisi siya nang makita ang isang nilalang na nakahiga sa malamig na sahig ng kulungang kinalalagyan nito.

"Kamusta ka? Hindi ka naman ba pinahihirapan ng aking mga alaga? Kung pumayag ka lang na gamitin ko ay hindi mo ito sasapitin." masamang tingin ang pinukol niya sa nilalang nang bigla siya nitong duraan.

"Mas gugustuhin ko na lang mamatay kaysa ang maging instrumento mo sa kasamaan." galit na sabi ng nilalang kaya agad itong hinawakan sa buhok ng hari bago buksan ang kulungan.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli niyang pinunit ang damit ng nilalang na bihag. Muli niya itong hinalikan sa labi, ilong at panga. Hindi makalaban ang bihag dahil bukod sa ilang araw na itong walang kain mula nang huli siyang gahasain ng masamang hari ay pagod na rin siyang lumaban.

Sa hindi niya mabilang na taon ay nanatili siyang nakakulong sa madilim at masikip na kulungan. Isang maliit na bintana lamang ang kanyang natatanaw sa mataas na pader ng kulungan ang meron. Dahil sa bintanang maliit ay nalalaman niya kung umaga o gabi.

The Last FairyWhere stories live. Discover now