Fairy 11: Last Fairy

125 10 0
                                    

Ilang saglit lang ay nakarating din kami sa Elves Kingdom. Nabanggit ni Elwin kung gaano kaganda ang kaharian nila pero sa nakikita ko kabaligtaran na siya ng naiisip ko dahil magulo na ito ngayon. Agad tumalon si Elwin mula kay Heptin pababa pero pinigilan siya ni Athan.

"Delikado kung agad tayong papasok. Hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa atin sa loob. Maybe it was a trapped." napaisip ako sa sinabi ni Athan. Maaaring may trap nga at kaya nila sinugod ang Elves Kingdom para mahuli kami dahil sabi ni Mireille noon sa limang kaharian, ang Eldom ang pinakamahina. At isa pa alam nilang may kasama kaming Elves.

"Anong gusto mong gawin ko, pabayaan ang pamilya at mga kalahi ko sa loob? Patawad mahal na prinsipe higit na mahalaga ang buhay ng pamilya ko kaysa iba." hindi na siya napigilan ni Athan nang tumakbo na papasok sa loob si Elwin.

"Ano nang gagawin natin, Athan? Alam mo kung gaano kahalaga sa mga Elves ang pamilya." sabi ni Draven at tinapik sa balikat ang kapatid. Bumuntong hininga siya at ngayon ko lang siya nakitang naguluhan at nahirapan. I know he always calm but right now...

"We need to help them." mahinang sabi ni Athan.

"But what if you're right? Malalagay sa panganib si Lyra." sabi ni Kieran.

"But we need to do something, Elwin is inside now and other Elves maybe in danger. What can we do?" sabi naman ni Stefano at sabay sabay nagbuntong hininga ang mga prinsipe.

Alam kong nahihirapan sila sa sitwasyon. Ramdam ng tatlo ang paghihirap ng panganay nilang kapatid sa pagdedesisyon. Minsan na ring nabanggit ni Mireille kung gaano kahalaga ang mga mission sa apat na magkakapatid. Lahat ng mission na iniaatas ng ina nila ay kanilang napagtatagumpayan.

At ngayon ako ang kanilang mission, ang kaligtasan ko at makarating ng buhay sa kaharian nila kaya naiipit sila sa sitwasyon. Alam din nilang hindi nila maaring pabayaan ang pamilya ng isang kaibigan. Hindi man nila sabihin alam kong kaibigan nila si Elwin.

"We need to go inside." ako na ang nagsalita dahil alam kong nahihirapan na sila. Lumingon sila sa akin.

"But-" pinutol ko ang anumang sasabihin ni Athan.

"I don't care if it's a trapped or whatever. I know the mission is more important than others but Elwin is a friend and his family is our family too. I trusted all of you." nginitian ko ang magkakapatid na prinsipe kaya napabuntong hininga sila. Sa gilid ng mata ko nakita kong ngumiti rin ang dalawa pang prinsesa.

"Why?" kumunot ang noo ko kay Athan. "You said, you trust us because you have no other choice but to have to. You have no one to trust but now why you give your fully trust in us?" dagdag pa niya, ngumiti ako.

"Because I saw how you fight and how you want to stay focus in everything that happened in our journey. This adventure is an adventure I can't forget. Ang paniniwala at paninindigan mo kaya alam kong magiging mabuti kang hari. Every decision you made is for the safety of all." nakangiti kong sagot sa tanong niya.

"But honestly the real reason is..." tumingin silang lahat sa akin at hinihintay ang idadagdag ko. "I don't know why I trusted you but all I know is how much my parents trusted your parents. They will let your parents keep me safe when I was a child." sagot ko at nakita ko na ang pagngiti nila.

"Let's help the Elves." sabi ni Athan at dinukot ang espada niya sa lalagyan at bigla itong nag apoy. Ganun din ang mga kapatid niya at nagtanguan sila bago lumingon sa aming tatlong babae. Si Silvyr ay nakaanyong ibon na at nasa balikat ko nakadapo.

"Huwag kang hihiwalay sa akin." sabi ni Athan sa akin kaya ngumiti ako at tumango bago ilagay ang kamay ko sa nakalahad niyang palad. Nagngitian kami bago naglakad papasok ng kaharian.

The Last FairyWhere stories live. Discover now