Fairy 15: Secret

98 4 0
                                    

Sa mundo mg mga mortal, mahirap nang magtiwala dahil di mo alam kung sino ang mapagkakatiwalaaan mo. At sa mundong ito mas malala ang pagdududa.

Nakatingin silang lahat sa akin pero hindi ako nagsalita. Pinilit kong gawing pormal ang mukha ko habang tinitingnan nila ang reaksyon ko. Naguguluhan ako sa dapat kong paniwalaan pero....

"Kung nalilito ang isip mo bakit hindi mo tanungin ang puso mo?"

Naalala ko ang sabi ni Mama dati sa akin. Dati iniisip ko na ang weird ni Mama sa mga pangaral niya pero ngayon naiintindihan ko na. Magagamit ko pala ang lahat ng iyon dito. Tiningnan ko sila isa isa at bumuntong hininga, sabi ni Papa may kakaiba akong katangian.

Kaya ko daw kumilatis ng tao pero kapag puso ko na ang pinairal ko ay nahihirapan ako kaya paano kung ang puso ko ang tatanungin ko ngayon? Hindi ko alam pero tumama ang mata ko kay Athan, seryoso siyang nakatitig sa akin. Hindi sinasabi ng mata niya na pagkatiwalaan ko siya kundi sinasabing may tiwala siya sa akin.

"Mabuti pa.... May klase pa tayo kaya pumasok na lang ulit tayo." sabi ko pero wala na kong sinagot na tanong. Naglakad na ko palabas at sumunod naman sila.

"Lyra naman, baka pwede niyo rin kpaming pakawalan dahil may klase pa rin kami." huminto ako at lumingon kay Mia na nagsalita.

"May tanong ako, bakit hindi kayo nagtaka nang pagdating niyo dito ay pumasok kayo? Sino ang nag-utos sa inyong pumasok sa klase at hindi kayo nagtaka sa mundong ito." malamig na tanong ko sa kanila.

"Kilala niyo yung Thalasa ba iyon? Alam namin anghel din iyon. Nagpakilala siya sa amin at ang alam lang namin nung una ordinaryong school lang ito. Pero kanina may nakita kaming kakaibang mga kapangyarihan na mga nilalang kaya nagtaka kami at hinanap namin si Thalasa pero yung Michael daw ang pangalan ang nagpakita." paliwanag ni Jake kaya sa kanya ako lumingon.

"Tapos?" tanong ni Oceane dito.

"Tapos sabi ni Michael, Fantasy World daw ang tawag sa mundong ito. Elemental manipulator daw kami kaya kami nandito." lahat kami nagulat sa dagdag ni Jake.

"Elemental manipulator? Anong ibig sabihin ng itim na kapangyarihang pinakita mo?" tanong ni Stefano.

"Yun ang hindi ko alam dahil iba ang alam kong kapangyarihan ko." sagot ni Jake, nagkatinginan kami.

"Bakit naalala niyo ako?" ang buong akala ko ay nakalimutan na nila ako dahil sa binigay ni Athan sa mga magulang ko.

"Nakalimutan ka ni Jamie at nang iba pa kaya nagtaka kami bakit di ka nila matandaan? Pero naalala ka namin." sabi pa ni Jake.

"Baka dahil tagarito talaga sila kaya naalala ka nila." sabi ni Draven.

"Anong kapangyarihang meron kayo?" tanong ko.

Nagulat kami nang maglabas ng apoy si Jake. Napalingon kami kay Athan na tahimik lang.

"Ikaw Mia?" tanong ko pero tiningnan niya ako ng seryoso.

"Tama kayo," pagkasabi niya noon ay naglabas siya ng bolang tubig sa kamay.

"I am the water manipulator. I am Kyla Jenkins." napaatras kami sa sinabi niya. Nalilitong tumingin si Jake kay Mia at sa amin.

"What. The. Hell?" di makapaniwalang sabi ni Stefano. Tinitigan ko si Mia at winari ang sasabihin niya.

"Paano?" naguguluhang tanong ni Kieran, ngumiti si Mia habang diretsong nakatitig kay Kieran.

"Dahil mas pinili kong iwan ka at umalis sa Fantasy World para sa tungkuling ibinigay sa akin." sagot niya sabay lingon sa akin.

"Tungkulin?" tanong ni Draven.

The Last FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon