Fairy 26: Second Councilor

89 4 0
                                    

Lyra's POV

"May tanong nga pala ako." nilingon namin si Stefano na nagsalita habang katabi si Oceane na mukhang bumalik na ang lakas.

"Ano iyon?" tanong ni Draven sa kapatid.

"Paano natin siya matatalo nang hindi napapatay? Naguguluhan kasi ako sa sinabi ng konseho." napaisip kami sa tanong niya.

Paano nga ba namin matatalo ang Derion kung hindi namin siya maaaring patayin? Naglakad kami papunta sa malapit na kweba kung saan namin naririnig ang ungol nang halimaw. Kakayanin namin ito katulad nang mga napagdaanan namin.

"Papalapit ba talaga tayo sa kamatayan natin? Pwedeng kayo na lang muna ang pumasok?" sabay sabay namin tiningnan ng masama si Stefano dahil sa sinabi niya.

"Ang duwag mo talaga. Maiwan ka na lang diyan." sabi ni Oceane at tumabi sa akin kaya natawa kami.

"Mukhang maayos na ang pakiramdam mo." nakangiti kong sabi kaya ngumiti rin siya.

"Oo, salamat sa gamot ninyo. Teka, saan niyo nakuha ni Athan ang gamot?" tanong niya kaya nilingon ko si Athan na kausap ang duwag na kapatid.

"Inabot ni Tata Giron sa amin dahil gumawa raw ng gamot na kahinaan para makontra ang asul na apoy si Jake." nagulat siya sa sinabi ko.

"Si Jake mismo ang gumawa ng gamot na lunas ng kapangyarihan niya?" tumango ako.

"Kasi naman, wala tayong kapangyarihan kaya paano natin siya malalabanan?" napalingon muli kami kay Stefano na hindi pa tapos sa reklamo niya.

"Hindi maaaring kapangyarihan lang ang gagamitin para manalo. Tandaan mo ang sinabi ng matandang konseho. Puso at isip kasama ang talas ng pakiramdam ang kailangan natin." sabi ni Draven.

Nang makarating kami sa labas ng kweba ay hindi mapigilan na tumaas ang balahibo ko sa katawan. Isang malakas na pagungol ang nagbigay ng kaba sa amin. Napaatras kami nang may biglang lumabas sa kweba.

Nakita namin ang malaking halimaw na triple ang laki sa lobo pero parang ordinaryong aso lamang siya. Ang pinagkaiba lang ay mas nakakatakot siya sa aso, malalaki ang pangil niya at namumula ang mga mata.

Tinitigan niya lang kami pero nagulat kami nang bigla siyang umatake at papunta ito sa direksyon ko. Nanlaki ang mata ko at di na nakaiwas pa nang dambain niya ako pero laking gulat ko nang bigla niyang dilaan ang mukha ko.

"Binabati ko kayo sa inyong tagumpay." nilingon namin ang nagsalita at nanlaki ang mata nang makita si konseho Milencio.

Tumayo ako nang umalis sa ibabaw ko ang Derion at inalalayan ako ni Athan. Nanatili sa tabi ko ang Derion kahit nakatayo na ako. Sa hindi malamang dahilan ay nawala ang takot na nararamdaman ko kanina sa kanya.

"Huh? Anong ibig niyong sabihin?" tanong ni Athan, naguguluhan. Lahat kami ay talagang naguguluhan sa nangyari.

"Hindi niya kailanman sasaktan ang may dugo ni haring Axel." ang dating hari? Ang aking ama?

Nagulat kami nang lumapit din ang Derion kay Kyla at katulad nang ginawa nito sa akin ay ganun din ang ginawa niya kay Kyla.

"Maging ang apo ng haring Axel ay kanyang nakilala." dagdag pa ng matanda.

"Pero teka, ang sabi niyo talunin namin siya upang ibigay niya ang susi. Ano ba talaga ang nangyayari?" nalilitong tanong ni Kieran.

"Siya si Haemir, ang alagang Derion ng dating hari ng Fairy Kingdom. Bago pa matalo ang kaharian ay pinapunta siya ng hari sa akin upang tulungan akong bantayan ang unang susi. Alam niyang darating ang panahon na hahanapin ako ng kanyang anak at apo upang kunin ang susi. Binigay ko kay Haemir ang susi upang walang magtangkang kumuha dito na masamang loob. Naaamoy niya sa dugo ninyo ni Kyla, ang dugo ng hari kaya hindi niya kayo sinaktan." paliwanag pa niya.

The Last FairyWhere stories live. Discover now