Fairy 19: Air Prince and Wizard Princess

93 3 0
                                    

Mireille's POV

Tinawag na ng mga prinsipe ang mga dragons nila kaya agad na kaming kumilos. Sumakay ako kay Lavatius na dragon ni Draven. Alanganin pa nga akong sumakay dahil baka ihulog niya ako. May galit pa kaya siya sa akin?

"Lavatius..." pagtawag ko dito pero pumagaspas lang ang pakpak niya.

"Hindi siya marunong magtanim ng galit." nilingon ko si Draven na nasa likod ko habang nakasakay kami sa dragon niya. Kung sabagay nakasakay nga ulit ako sa kanya nang papunta kaming Elves Kingdom nang hindi nahuhulog.

Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit kinailangan ko iyong gawin. Hindi talaga ako ganito na malamig kung makitungo. I need to change to hide my feeelings, that I'm hurting too.

"Mir, look." napangiti ako nang paglingon ko ay my hawak na bulaklak si Draven. Nakangiti ko itong tinanggap at nagpasalamat.

"Lagot ka kay Sarielle at pinakialaman mo na naman ang mga bulaklak niya." natatawa kong sabi. Tumawa naman siya at nilabas ang espada niya.

"May pagsasanay kayo?" tumango siya at maya maya lang ay nakita ko ang pagdating ni Athan at Kieran. Napangiti ako nang makitang tumatakbo si Stefano pahabol sa mga kuya niya.

"Stefano, I told you hindi ka pa pwede magsanay. Pagagalitan kami ni ina. Mabuti pa samahan mo na lang si Sarielle na magdilig ng halaman." sabi ni Kieran, ngumuso naman ang batang prinsipe at umiiyak na tumakbo.

"Pinaiyak mo si Stefano, lagot ka alam mo naman na paborito siya ni ina." biro ni Draven pero napailing lang si Athan.

"Kamahalan," napalingon kami sa humahangos na si Lavatius, kaibigang matalik ni Draven.

"Lavatius, umpisahan na ang pagsasanay at manonood ang mahal ko." napangiti ako nang lumingon pa si Draven sa akin at kumindat.

Nagsimula na silang magsanay at nanatili akong nanonood pero habang pinanonood ko ang paglalaban ni Draven at Lavatius ay biglang dumilim. Napatayo ako nang makita ang dyosa mula sa mga bituin.

"Mireille..." pagtawag niya sa akin kaya yumuko ako bilang paggalang.

Biglang naging iba ang paligid at nakita ko ang kahindik hindik na sasapitin ng Elemental Kingdom.

"Ito ang mangyayari, hindi magtatagal. Nasakop na ng Dark King ang Fairy Kingdom kaya kailangan ko ang tulong niyong mag-ina." sabi ng dyosa sa akin, kumunot ang noo ko at muling tiningnan ang paligid.

Maraming nilalang ang nanghihingi ng tulong dahil sa mga natamo nilang sugat. Marami na rin ang namatay at walang awa pa rin silang pinahihirapan ng mga alagad ng Dark King.

Napakuyom ang kamao ko nang makitang walang buhay ang hari at reyna ng Elemental Kingdom. Maging ang mga prinsipe at ang kanilang prinsesa ay tumatangis at puro duguan. Nanlaki ang mata ko nang makita si Lavatius na may hawak na punyal at nakatutok ito kay Sarielle na nag-iisang prinsesa ng Elemental Kingdom.

"Lahat nang nakikita mo, Mireille ay mangyayari." ilang beses akong umiling, hindi matanggap na mangyayari ang lahat ng ito.

"Hindi. Bakit mahal na dyosa? Bakit hahayaan ng mga dyosa at bathala ang lahat ng ito? Hinayaan na nilang maubos ang lahing diwata, pati ba ang mga element manipulator ay ganun din ang sasapitin? Bakit si Lavatius?" gulong gulo na ako.

Anong dahilan ng dyosa para ipakita ang lahat ng ito sa akin? Ano ang dapat kong gawin para mapigilang sapitin ito ng mga mabubuting nilalang na katulad nila? Ganito rin ba ang naging hirap ng Fairy Kingdom nang ubusin ng Dark King ang lahi nila?

The Last FairyWhere stories live. Discover now