☪️ CHAPTER 25☪️

Comenzar desde el principio
                                    

Yabang niya.

"Hindi ah!" depensa ko na ikinatawa nya.

Napansin ko naman na nakatingin si moonia kay kuya. May crush ba sya kay kuya? Sorry pero ship ko si caden kay nine.

"BTW caden ito pala si moonia yung tinutukoy mo lang kanina." pagpapakilala ko kay moonia kay caden.

"Ow I see, my name is Caden Coper and thank you earlier if is not you my lil sis will be in danger." agad kung hinampas si kuya sa braso.

Paenglish- english pa sya porket kami ang pinakamayaman eh mag iispoken dollars sya.

"Aww bakit ba!?" sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Tumigil ka na nga sa kakaispoken dollar mo, tingnan mo si moonia nahiya tuloy sayo." tumingin sya ulit kay moonia.

"Luhh h-hindi, ok lang naiintindihan ko naman at yung ginawa ko kanina wala po yun kaibigan ko kasi si Hellia that's why." nakangiteng sabi ni moonia.

"Pretty Hellia!!" nagulat ako sa biglang pagsugod nya at natumba kaming pareho.

"Arrghh." sh*t yung likod ko.

Ang bigat nya mas mabigat pa sya kay moonia ilang pinggan ng kanin ba ang kinakain nya araw-araw. Ang payat naman nya pero ang bigat subra.

"Hellia miss kita hindi mo ba ako na miss?"

Gabi-gabi kami magkasama sa dorm tapos mamimiss nya ako hindi ba sya nag-sasawa sa mukha ko?

"Get off to hellia." hinila ni caden ang uniform ni nine dahilan na patayo ito.

Hayyy, nakahinga din ng maluwag. Tinulungan naman ako tumayo ni moonia habang hawak ko naman ang likod ko.

"Ok ka lang lia?" nginitian ko lang si moonia sa tanong nya.

"Bitawan mo nga akong damuho ka namiss ko lang si hellia ano ka ba!?" naiinis na sabi ni nine.

"Act like a woman, you acting like a lesbian." nakangiwing sabi ni kuya.

"Prrrfff." pigil namin tawa ni moonia.

Hanggang ngayon hindi parin alam ni kuya na lesbian si nine pero ship ko parin silang dalawa.

(*♡∀♡)

"Arrghh ikaw nga acting like a gay." panggagaya ni nine sa like ni caden.

"Lia mauna na tayo sa cafeteria mukhang hindi sila matatapos eh."

"Sige." natatawang sagot ko. Nakakapit lang sa braso ko si moonia habang naglalakad kami.

"PRETTY HELLIA HINTAY!!!." sabay kaming natawa ni moonia sa sigaw ni nine mukhang napansin nila na wala na kami sa tabi nila.
.
.
.

"Pansin mo ba moonia na hindi nagpapakita si Damion?" tanong ni nine kay moonia.

Nasa cafeteria na kasi kami at dahil walang nagsasalita ay pinangunahan na ni nine.

Si moonia lang tinanong nya tutal matagal naman dito si moonia at bago lang kami.

"Si Damion? Hmmm parang nakita ko sya kanina noong naencounter namin ang mga tauhan ni Zero." nakita ko naman na napakunot ang noo ni nine.

Habang kami ni caden chill-chill lang kumakain habang nakatingin at nakikinig sa kanila pero about sa manyak na yun tsk. Buti na lang di ko sya nakita.

"Encounter? bakit anong nangyari?"

"Kinidnap lang naman si hellia." casual na singit ni kuya.

"WHAT?!" sigaw nya with tayo pa mula sa kanyang upuan, napalinis tuloy ako ng tainga dahil sa sigaw nya pati tuloy ang nasa loob ng cafeteria ay nakatingin sa kanya.

"May ginawa ba ang gunggung na yun sayo? huh? Bakit di mo sinabi agad sa akin? Kung alam ko lang niligtas agad kita." napapikit ako hindi dahil sa inis kundi ang oa nya.

"As far as I know ang mga hero laging updated at laging to the rescue eh bakit ikaw mas mabagal pa sa pagong bago mo pa malaman." nakangising asar ni caden kay nine.

Ito na naman tayo sa mga bunganga nila ready na pumutok.

"Gusto mo bang lamugin ko yang mukha mo para tigilan mo na ako sa kakaasar mo sa akin?" inis na sabi ni nine at hinila ang kwelyo ni caden pero ngumite lang si caden.

Napatampal ako ng noo dahil nasa amin ang atensyon ng lahat ng istudyante.

"Sa pagkakaalam ko din ang mga hero hindi nananakit ng mga walang kalaban-laban." inis naman na binitawan ni nine ang kwelyo ni caden.

"Kayong dalawa gusto nyo bang bigyan ko kayo ng kutsilyo ng hindi iniisip ang pwesto?"  nakangite pero nakakatakot kung sabi sa kanila.

"N-nag j-joke lang kami pretty Hellia wag mong seryosohin." nine.

Emperor's Obsession (Hiatus)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora