Special Chapter 2

3.6K 150 10
                                    

Special Chapter 2

Safira Hesta

“Safira, may ipapadala tayo sa kaharian ng Ronschwald. Utos ng hari.” Napatingin ako kay Tanda. Siya ang may-ari ng pandayan na aking pinagtatrabahuan. At ang haring kanyang tinutukoy ay ang aming pinunong sinusunod.

“Mga baluti at armas?” Tanong ko.

“Ano pa ba?” Kunot-noo ni Tanda. Saka siya bumuga ng usok galing sa kanyang sinasagarilyo. Hinayaan ko na lamang ito dahil sanay na ako.

“Hindi ba pwedeng ang iba na lang?” Ipinagpatloy ko ang aking paghinga. “Ilang kilometro ba ang lalakbayin papunta roon? Nakakatamad.” Sumimangot ako.

“Ayaw mo?”

“Hindi. At saka hindi pa ako tapos sa aking pinapanday na espada.”

“O sige. Si Con na lang ang aking tatawagin kung---” Napamulat ako nang may mahintuan.

“Sandali, hindi ba at sa kaharian ng Ronschwald ang sinabi mong pupuntahan?” Napatayo ako at tuluyan nang nakabangon.

“Hindi ka ba nakikinig?”

“Nagbago ang isip ko. Pupunta pala ako roon.” Ngisi ko. Tinignan niya ako na parang hindi ako maintindihan ngunit umiling rin.

“Mag-impake ka at magpapahinga ka roon ng ilang araw.” Tumango ako.

Katulad nga ng kanyang sinabi ay aalis na ako sa kinabukasan. Dala ko lamang ang isang malaking karwaheng nakalagay ang mga kailangan kong ipadala sa kaharian ng Ronschwald. Hindi ko na kailangan ng mga kasama, ang mga kabayo lamang. Tutal ay kaya ko ang aking sarili kahit na ang aking kasarian ay babae. Alam kong ipagtanggol ang aking sarili kaya hindi ko na kailangan pang ipag-alala ang aking kalagayan.

“Fairoh kingdom. Smithy.” Ani ko sa kontinental na lengguwahe.

Ani nga nila ay kung nasaan ka ay gawin mo rin kung ano ang naihahanay roon.

“Ito lang ba?” Minataan ako ng kawal na nagsisilbing bantay sa bodega kung saan nailalagay ang aking mga ipinadala.

Ito ang aking unang beses sa kaharian ng Ronschwald. Base sa aming mga nakikinig lamang ay maganda at malinis ang kaharian na ito ngunit mas lalong nakakahanga pala ito sa personal.

“Oo.” Tumango ako. Binigyan lamang ako ng tatlong balot ng punong laman ng mga barya. Pasimple ko naman itong tinignan at nakita ang napakaraming mga ginto. Napasipol ako. “Wala ba kayong idadagdag?” Tinagilid ko ang aking ulo. Kinunotan lamang ako ng noo. “Biro lamang.” Ngiti ko at pinawi iyon nang tumalikod na.

Plano ko sana na libutin ang buong kaharian sa ilang araw na pananatili ko rito gamit ang aking mga ipon.

Kinagat ko ang aking mga labi. Napatigil ako nang marinig ang mga pamilyar na kataga at lumingon sa direksiyong iyon.

“Isn’t that the duke of Kallon?”

“S-So handsome!”

Hindi ko pinansin ang mga naghahagikgikan at napatingin sa direksiyon na kanilang tinitignan. Hindi nga sila nagbibiro dahil nakikita ko ang nag-iisang dahilan kung bakit ako pumayag na pumarito sa kaharian na ito. Presko siyang nakaupo sa pangalawang palapag ng isang restawran. Tanaw na tanaw siya mula rito sa ibabang labas kaya naman libreng nangangarap ang mga kababaihan sa kanya. Napaawang ako nang biglang kumabog ng malakas ang pintig ng aking puso. Napangisi ako at napalunok.

Aaminin kong naaakit ako sa kanya ngunit sa tingin ko naman ay ganoon lamang.

Napatingin ulit ako sa kanya.

Arisia Lives As A Villainess ✔Where stories live. Discover now