"Come here, bellina." tawag niya sa akin.

"Kasya ba tayo diyan?" Ang tinutukoy ko ay ang single bed kung saan siya nakahiga. "Ikaw lang ata ang kasya diyan, eh..." sumimangot ako.

"Kasya naman, kung hindi talaga... pwede kang pumatong sa akin." He suggested.

Hindi ako umimik na tumabi sa kanyang tabi. Paano naman kasi, he is always annoying me. Parang hindi siya nagsasawang pikunon ako. Hindi ko naman siya inaano. Ang malala bawat pamimikon niya sa akin gamit ang mga salita ay may ibang kahulugan ito sa akin. Baliw na yata ako!

Nakatalikod ako kay Soo-joon habang nakahiga na halos malaglag na sa kama dahil nasa pinakagilid ako. Yumakap siya sa akin, napalunok ako dahil dito. Kami lamang dalawa sa yati na ito. Lahat ay puwede naming gawin nang walang nangingisturbo. Ano raw?!

"Ano na naman ang naiisip mo, huh?" Biglang tanong ni Soo-joon.

Bakit ba parang nababasa niya palagi ang utak ko? Hindi lang ba 'to crown prince ang nasa aking tabi... Allien rin ba ito?

"Don't worry hindi kita pagsasamantalahan... Pero kung inaakit at gusto mo, why not! Sino ba ako para tumanggi sa grasya." Namimikon na naman ito.

Siniko ko ang tiyan niya. Wala man lang akong narinig na nasaktan siya nito. Bagkus ay tumawa pa ito. Inis na inis akong humarap sa kanya at marahan siyang sinampal. Ganoon pa rin siya, tawang-tawa. Nakakatawa ba talaga ako?

"Ang cute mo kapag-pinipikon," naging seryoso siyang bigla. "I wonder kung anong expression mo kapagtotohanin ko."

Napalunok ako nang wala sa oras. The way Soo-joon staring at me, pakiramdam ko magroon siyang gustong gawin na kasama ako. At parang alam ko na kung anong gusto niyang gawin. My god, ito na ba iyon? Magiging ganap na ba akong babae sa gabing ito? Iwan, parang nae-excite ako. Haha.

Muling lumunok ako nang makitang unti-unting lumapit ang labi niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Kinakabahan ako na nananabik.
Iwan!

Ang akala ko na sa aking labi dumeretso si Soo-joon, sa leeg ko pala ito tumungo. Isiniksik niya ang mukha niya roon. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa balat ko roon. Napakagat-labi nalang akong pinikit ang mga mata.

"Good night, nae sarang..." For the first time he called me baby. Tumalbog ang puso ko sa kilig. "We just wait for the right time for that thing, okay..."

Hindi man niya nilaborate ang ibig sabihin ng huling sentence na sinabi niya, naintindihan ko naman ito. Grabe ang swerte ko talaga sa lalaking minahal ko. Buti't hindi ako sumuko na pikutin siya. Wala sana ako ngayong Crown prince Lee Soo-joon.

Yumakap ako sa baywang niya sabay ng pagpikit ng mga mata. Dinalaw ako ng antok hanggang sa nakatulog na ako. At kinaumagahan nagising akong wala si Soo-joon sa aking tabi. Dali akong lumabas ng kwarto at hinanap siya sa deck ng yati. Naabutan ko siyang nasa dagat, lumalangoy. Natakot ako para sa kanya dahil alam kong nasa malalim kaming bahagi ng karagatan. Baka anong mangyari sa kanya. Baka may shark dito!

"Soo-joon, umahon naka d'yan!" Tawag ko sa kanya. "Please, baka anong mangyari sayo."

Agad rin niya akong sinunod; umakyat siya sa yati. Dali ko siyang tinalikuran nang makitang nakaboxer lang siya. Ano ba naman 'to?

I heard Soo-joon chuckle. Ramdam na ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko sa hiya. Pakiramdam ko para na itong letchon sa subrang pula. I was so embarrassing. That was my first time seeing his like that. Almost nake. Paano na kaya if hubot-buhad ko siyang makita? Tatakbo yata ako.

"It's okay baby, you don't have to embarrass. Watch it, it's all yours."

Ano bang pinagsasabi niya?

"Papasok na ulit ako sa kwarto, bye!" tanging nasabi ko.

Patakbo akong bumalik ng kwarto. Hindi ko kayang mag-stay roon na ganoon siya. Baka maakit ko pa siya at mangyari ang hindi dapat mangyari. Baka hindi ko na mahintay ang 'right time' na sinabi ni Soo-joon. Natatakot ako, baka isng araw ako na gagapang sa kanya. Haha!

Umupo ako sa gilid ng kama. Maya-maya biglang bumukas ang pinto at pumasok si Soo-joon roon. Buti't nakasuot na siya ng pantalon at t-shirt. Mababaliw na talaga ako kapagnakahubad pa siya. Tatalon na talaga ako sa dagat.

"Kain na tayo," yaya niya sa akin.

Pinagtaasan ko lang siya ng isang kilay. Kanina inaasar niya ako tapos ngayon ang lambing-lambing niya sa akin. Bakit ba iba-iba ang mood niya? I wonder kung anong maging mood niya- my god Bellina, ang halay mo!

"L-lets go!" Tumayo ako at nilampasan siya.

Narinig ko ang tawa niya na sumunod sa akin. Huminto ako sa paglalakad at marahas na humarap sa kanya. Tumahimik siya na huminto rin sa paglalakad sa harapan ko. Peke siyang ngumiti na parang sinadya na lumabas ang dalawang dimple niya. Hay, naku! Ang hirap magalit sa ganito ka gwapo.

"Kagabi kapa nang-iinis, ah." malumanay kong sabi.

"Lalo ka kasing gumaganda kapag naiinis," sagot niya.

Marahas akong tumalikod sa kanya at nagsimula ulit na humakbang upang itago ang ngiti ko sa labi. Ang effective talaga magpakilig ng badboy... Pati dagat tatamis.

Hinawakan niya ang kamay ko at ginala papuntang deck kung saan may nakahanda na ditong umagahan. Kinuha niya ang isang rosas na nasa middle ng table at binigay niya ito sa kin. Abot tanga naman ang ngiti kong tinanggap ito. So romantic!

"Sorry, medyo hindi na siya fresh. Kahapon pa yan kasi," apologized niya.

Oo, medyo hindi nga fresh ang rose. But it was not big deal to me. Wala lang sa akin yun, ang importante kasama ko siya. And I appreciated all his efforts. I love him, with or without flower.

"Kain na tayo," yaya ko sa kanya at agad na umupo sa upuan na kaharap sa uupuan niya.

Tahimik kaming kumakain. Tatlong pancake ang naubos ko. Inubos ko na lamang ang egg na nasa aking plato. Si Soo-joon naman ay parang nagkape lang yata. Hindi ko siya namalayan na kumuha ng nasa mesa. At hindi nagamit ang plato niya.

"After this, uwi na tayo." sabi niya.

Nginitian ko lang siya saka uminom ng tubig sa baso ko. May laman na rin ito, si Soo-joon yata naglagay.

"Bellina," naging seryoso ang boses niya. "What if hindi na natin ituloy."

Nilapag ko ang basong hawak at naguguluhan akong tumitig sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Anong hindi na itutuloy? Ang pag-uwi namin? Kung iyon ang desisyon niya payag naman ako. Payag nga ako na dito na kami titira. Hehe.

"What if hindi na lang natin ituloy ang kasal natin... Baka kasi-"

Dumilim ang mukha ko. "Bakit? Bakit ayaw mo nang ituloy? Ayaw mo na ba sa akin? Hindi ba ako deserving maging asawa mo? Look, ginawa ko ang lahat para maging deserving sayo. Iniwan ko ang mga magulang ko sa pilipinas para sayo tapos sasabihin mo 'yan sa akin."

"Chilly! What if lang naman 'di ba..." Natawa siya.

"Bakit pakiramdam ko nagdadalawang-isip ka na pakasal tayo...?"

"No! I'm not! Inaalala lang kita, baka hindi mo kaya mabuhay sa mundo ko." Malungkot niyang sabi.

"No, Soo-joon. I can!" Pamimilit ko. "Look at me right now, nabuhay nga ako dito 'di ba. Humihinga nga ako. So, it means kaya ko rin pasukin ang mundo mo."

"Belle, iba ang mundo dito sa mundo ko. Kung mahina ka, matatalo ka. Hindi ordinaryong mundo ang meron ako, lahat ng masasamang tao sa mundo namumuhay roon," si Soo-joon.

Ano bang ibig niyang sabihin. Gusto ba niya akong umalis sa Korea at iwan siya? Gusto ba niya akong mawala sa buhay niya? Bakit ganito siya magsalita? Bakit pakiramdam ko pinapaalis niya ako sa pamamagitan ng pananakot sa akin?

To be continued...

I'm Crazy In Love With A Runaway Badboy PrinceWhere stories live. Discover now