"Michael!" Hindi kalakasan kong sigaw dito kaagad ko namang nakuha ang atensyon nito at lumingon sya agad sakin

"M-Ma'am Amelia, Good Morning po" Magalang nitong bati ngunit tulad kahapon ay hindi nanaman ito makatingin ng deretso sa akin

"Good Morning Michael, tanong ko lang sana yung pinabibigay ko sayo kahapon naibigay mo na ba kay Ma'am Sheryll?" Malumanay kong tanong dito ayoko namang magmukhang masungit sa paningin nito lalo na at mukha pa naman syang mahiyain

"A-Ah o-opo ma'am Amelia n-naibigay ko na po" utal utal nanamang salita nito nagtataka na tuloy ako kung nahihiya lang ba sya o ganito talaga sya magsalita nahihiya naman ako magtanong isa pa ay minsan ko na itong narinig na nakikipag usap sa iba at maayos naman ang pakikipag usap nya sa mga ito

Just mind your own business Amelia... pagkausap ko sa sarili ko masyado na ata ako nakikialam hihi

"Maraming salamat Michael, ito nga pala sayo nalang pang thank you ko na sayo" inabot ko dito ang kape na para sana kay Matt pero sa kanya nalang dahil wala naman si bakla

"M-maraming s-salamat dito po Ma'am Amelia" magalang na sabi nito at bahagya pa syang yumuko ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mukha nito

"You're Welcome! Una na 'ko Michael ah may tatapusin pa kase ako e" paalam ko dito at naglakad na papuntang elevator upang makarating sa office

Hayst. Wala pa 'kong nasisimulan pero pagod na ko...

Hindi ko nalang pinansin ang katamaran na sinisigaw ng isip ko at nagtrabaho nalang ngunit wala pang isang oras ang lumilipas ay biglang bumukas ng pinto ng office ko

"Amelia buy me a hot coffee" nag-uutos na boses nito

Nice! kararating nya lang nakautos na agad

"Sir naman bakit kase hindi ka pa dumaan sa coffee shop bago ka pumasok" inis kong sabi dito madami naman syang madadaanan na coffee shop sa pagpasok pero mas pinili pa talagang utusan ako

Nag-angat naman ito ng tingin at inis din akong tinignan "Those coffee shop keep on giving me that fucking cold coffee, I hate it "

Wow! Parang kasalanan ko pa

"Sir pano ba naman kase basta ka nalang oorder pero di mo naman sinasabi yung gusto mo kaya ibinibigay nalang nila sayo yung best seller nila" Try kong pagpapaliwanag dito gwapo sana ito at matalino kaya lang ay tamad nakipag-usap sa iba basta basta nalang ito oorder ng hindi nililinaw kung ano ang gusto

"Stop blaming me for that Miss Secretary It is not my fault that i don't know what to say when i order my coffee"

W-what? Seryoso?

Napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi nito paanong ang galing galing nya sa ibang bagay tapos pagdating sa pag order lang ng kape hindi marunong, Tao pa ba 'to?

"What the hell are you laughing about?" Masama na itong nakatitig sa akin ngayon pero hindi ko parin itigil ang pagtawa ko bahala lang syang mainis dyan hanggang gusto nya

"Stop laughing or I will fire you" Madiing wika nito

"O-oh s-sabi ko nga titigil na e" alanganing sabi ko dito mukhang nainis ko ata talaga sya dahil seryoso na itong nakatayo sa harapan ko ngayon

"Bibili na po ako ng Coffee Sir hehe may iba pa po ba kayong ipag-uutos?" Mahinang tanong ko dito, napakamot nalang ako sa ulo nang hindi ito magsalita at seryosong nakatingin lang sa mga mata ko

Ilang segundo pa itong nakatingin lang sa akin bago ito magsalita

"Teach me...how to order a coffee" Mahinang wika nito halos hindi ko na ito marinig buti nalang at medyo magkalapit kami sa isa't isa

His Bossy SecretaryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora