73

23 2 1
                                    


Desisyon

"Hindi siya darating, Kaoree." Humagulgol ako at niyakap ko siya. Hinagod niya ang likod ko habang nakayakap din siya sa akin. Humagulgol ako at niyakap ko siya. Hinagod niya ang likod ko habang nakayakap din siya sa akin.

"Iiyak mo lang. Mas nakagagaan yan ng loob." Patuloy siya sa paghagod ng likod ko. Hindi alintana kung gaano ko nababasa ang damit niya. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Ilang minuto akong nakagano'n na pwesto. Tahimik siya habang pinakikinggan ang bawat hikbi ko. Dahan-dahan ang paghaplos ng mga daliri niya sa aking buhok.

Nang umayos ang pakiramdam ko ay sinakay niya ko sa kotse. Nakatulala lamang ako. Nakita kong bubuksan niya sana ang radyo pero sa huli nilagay ay nilagay niya na lamang ang kanyang kamay sa manibela at sinimulan magdrive.

Nakatulala ako sa madilim na daan hanggang sa makarating kami ng bahay. Umupo ako sa sofa. Niyakap niya ang puting towel sa akin. Sandali ay pumunta siya sa kusina at dinalhan ako ng gatas na siya na namang nilagay niya sa center table.

"Inumin mo muna ito, Kaoree." Malamlam ang boses niya. Tumango lamang ako. Gayak na aalis siya pero hinawakan ko ang kanyang braso.

"Pwede bang dito ka muna, Wyn?" Hindi siya umimik. Umupo siya sa tabi ko. Pinagmasdan niya ko habang unti-unti kong inuubos ang gatas. Marami akong gustong ilabas na galit pero hindi ko maintindihan kung bakit parang nawalan ako ng dila.

"Ihahatid na kita sa kwarto mo kung tapos ka na." Tinitigan ko ang tasa na wala ng laman.

"Naranasan mo na bang magmahal, Wyn?" Nagtagpo ang mata naming dalawa. Ilang segundo kaming nakaganon. Wala ng dating ang mga titig niya kumpara noong una ko siyang nakita. Hindi na ko kinikilig. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ito o ikakalungkot.

"Hindi eh." Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko. "Kahit crush gano'n?" Dugtong ko.

"Hindi ko alam, Kaoree." Kumamot siya sa ulo niya. Biglang hindi alam? Pero kung magpahiwatig siya parang type niya ko.

"Mas mabuting matulog ka na." Tumayo siya at iniwan akong mag-isa. Sumunod ako matapos ng ilang minuto sa sinabi niya. Tumayo ako at kinuha ang aking cellphone.

Bumungad ang text message nina Melissa at Jez.

Jez Ganda
Girl? Anong nangyari?

Melissa
Nandito lang ako. Magchat or text ka lang magrereply ako.

Pinili kong hindi sila replyan dahil wala ako sa mood. Mas mabuting magpahinga ako. Masyadong occupied ang isip ko sa maraming bagay.

Humiga ako at pinikit ang mga mata ko. Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa tilaok ng manok. Walang klase ngayon dahil may seminar ang mga professor namin sa main campus pero required pa rin kaming pumasok dahil sa nalalapit na program para sa pagpla-plano namin ng organization.

Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay. Matapos nito ay nagluto ako ng ulam. Naupo ako sa sofa dahil sa pagkapagod. Ang sarap magpapawis lalo na kapag mahal ko ang ginagawa ko. Tinignan ko ang cellphone ko.

Marami akong missed calls especially sa dalawa kong kaibigan pero pinili kong tawagan pabalik ay si Lucky. "Hi, Ate!" Mas lalong lumalim ang boses niya.

"Kumusta ka? Bakit parang hindi ka yata pumasok?" Binuksan ko ang kurtina ng bintana.

"Kailangan ko kasing bantayan si Lolita. Inaatake siya ng rayuma. Ikaw ba Ate kumusta ka?"

"Ito maganda pa rin. Saka anong nangyari kay lola? Malamang kumain na naman iyan ng tulingan (Filipino fish)!" Humagikhik si Lucky.

"Ibigay mo nga sa akin yan at ako ang kakausap sa pinsan mo." Rinig kong sambit ng matanda mula sa kabilang linya.

"O, La? Balita ko nirarayuma ka!"

"Ehh! Kaunting sakit lang ito. Huwag kang mag-alaala. Saka nga pala kailan ka uuwi ng probinsya?" Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Basta kapag kausap ko sila ay nababawasan kahit kaunti ang nararamramam kong sakit.

"Hindi ko pa alam, Lola! Pero ako ng bahala. Surprise na lang!" Kahit hindi ko naman talaga alam kung kailan ako uuwi.

"Nako! Surprise-surprise! Siguraduhin mo lang at uuwi ka." Halos hindi na siya makapagsalita ng ayos.

"Oo naman po! Huwag kayong mag-alala." Pagsisigurado ko. Pagsisikapan kong makaipon para makauwi agad. Kaunti na lang naman ang kulang ko. Isang sweldo na lang ay pwede na kong umuwi at dadalhan ko sila ng maraming pasalubong.

"O siya, sige na! Ibaba mo na yang tawag. Mahalaga nakausap ka namin." Aniya Lolita.

"Mag-ingat po kayo, La." Sabi ko saka binaba ang tawag.

Sakto naman ang pagdating ni Marcus at kasama pa niya si Melissa na agad naman akong niyakap. Sabay-sabay kaming nagtanghalian habang nagkwe-kwentuhan. Ang kwento ni Melissa ay hinahanap ako ni Sasha pero sinabi niya na lamang na hindi okay ang pakiramdam ko.

Marami rin siyang na i-kwento tungkol sa group activities na iniwan ng professors namin. Si Marcus ay nagkwento rin tungkol sa bagay na iyon hanggang sa dumako kami tungkol sa kung anong nangyari sa akin.

"Nag-alala ako sayo. Saan ka nagpunta kagabi? Tinext ako ni Latrelle hinahanap ka nila." Nakakunot ang noo ni Melissa.

Sumenyas naman si Marcus at may binulong sa kanya.

"Huwag kang mag-alala ako. Okay ako." Nagthumbs-up sign ako.

Matapos kumain ay nanood sila ng TV at sinabayan ko sila. Nagpaalam na si Melissa na pupunta pa raw siya sa bahay ni Bruno para sa gagawin nila. Si Marcus naman ay may pupuntahan na pustahan tungkol sa basketball kaya naiwan akong mag-isa.

Bumalik ako sa kwarto at natulog na lamang. Pagkagising ko ay nakaramdam ako ng uhaw. Lumabas ako ng kwarto at pababa palang ako ng hagdan ng marinig ko boses ni Jez. Mukhang kanina pa siya nandito dahil nakapangbahay na siya at si Latrelle ay kagagaling lang sa eskwelahan dahil nakauniporme pa ito.

"No. Latrelle! Wala kang karapatan na ipaalam yun kay Kaoree." Matigas na sambit ni Jez. Nangangatal ang mga kamay niya at ang tissue niyang hawak ay nagpunit-punit.

"Alam niyang may engagement party ni T.H matagal na." Sagot ni Latrelle saka inalis bag niyang sukbit.

Sina Wyn at Marcus ay tahimik na nakaupo sa sofa habang nakikinig sa pagtatalo ng dalawa.

"Hindi yun ang punto ko. Na-istress ang beauty ko sayo! Ang punto ko, huwag na natin ipaalam kay Kaoree na ngayong gabi iyon gaganapin!"

"What's the point of lying, Jez? Mas lalo mong sasaktan ang kaibigan mo."

"My point here Latrelle nasasaktan siya dahil sa pagpapaasa ni T.H. Kung pinili niya si Kaoree noon pa man, hindi matutuloy ang engagement party!" Namumula ang mukha ni Jez at malalim ang paghinga nito.

"Sige, magbotohan tayo." Dagdag ni Jez. "Marcus at Wyn, anong opinion niyong dalawa?"

"Para sa akin, bilang kaibigan at parang kapatid ko na rin si Kaoree. Ayoko munang ipaalam sa kanya. Mas magandang malaman niya galing kay T.H kung bakit dumating sa ganito." Sagot ni Marcus habang prenteng nakaupo.

"Jez, patawarin mo ako. Pero mas gusto kong malaman ni Kaoree ng maaga ang katotohanan." Maikling sagot ni Wyn.

Bumaba ako at nagpakit ako sa kanila. Nanlaki ang mata nilang apat at para bang multo akong nakatayo sa harapan nila. Lumapit ako kay Jez at hinawakan ang magkabila niyang kamay.

"Kaya ko, Jez. Kaya kong harapin si T.H. Alam ko magbabago pa ang isip niya. Engagement party palang yun. Hindi kasal." Nagbuntong-hininga siya.

Tumingin ako sa tatlo niya pang kaibigan. "Hindi ba tama ako?" Unti-unti silang tumango.

Lumunok ako ng para bang may barado sa lalamunan ko. Kaya ko ito. Alam kong palabas lang ni T.H ang party na iyon. Ramdam ko, magkakaroon ng twist. Kilala ko siya. Mahal niya ko. Sobrang ramdam ko iyon.

Kailangan kong i-endure ang sakit na ito kasi may kapalit ito. Tama, Kaoree. Hindi ka iiwan ni T.H. nang ganon-ganon na lang. Hindi ibig sabihin na hindi siya nakarating kagabi ay negatibo iyon.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon