21

38 6 1
                                    

Ikaw

Sa loob ng dalawang linggo pangkaraniwan ang nangyari. Walang araw na hindi ako iniinis ni Latrelle. May araw naman na si T.H naman ang galit sa akin katulad ngayon.

"Anong ginawa mo sa damit ko?" mahinahon ang boses niya ngunit labis ang galit sa mga mata niyang nag-aapoy.

Puyat kasi ako kagabi kaya hindi ko naayos ang laba ko kaninang umaga. Tumawag kasi si Lucky, binanggit niyang nasa ospital si Lolita dahil inatake ng highblood at hanggang ngayon wala pa rin akong balita.

Kaninang tanghali naman kung hindi pa ko alalayan ni Wyn sa kusina ay mapapaso ako ng aking niluto. Tinanong niya ako kung meron daw ba akong problema. Ang sabi ko na lang ay wala at i-kiss niya niya ko pero joke lang. Hindi ko sinabi na halikan niya ko.

Si Jez naman paulit-ulit na tinatawagan si Lucky para maging okay ako pero wala pa rin sagot ang pinsan ko.

Tinitigan ko ang mga mata ni T.H pababa ng kamay nito. Hawak niya ang damit niyang puti na tila jinobos ito.

"Sa tingin mo gaano kamahal to'?"

Alam kong higit pa sa pagkadismaya ang nararamdaman niya ngayon. Customize T-shirt iyon ng paborito niyang Harry Potter.

"Papalitan ko na lang, T.H" Kukuhanin ko sana ang damit sa kanya pero kinuyom niya ang kamao.

"Hindi gano'n kadali 'yon", kinabahan ako sa kung paano niya sinambit ang mga sinabi niya. Mabigat ang tono ng pananalita niya.

Gusto ko na lang siyang talikuran para matapos ang pag-uusap namin kahit yata humingi ako ng tawad ay hindi niya tatanggapin.

"T.H kasi-"

"Kasi ano? Hindi ibig sabihin na tinuturing kang kaibigan ng mga kasama ko hindi mo gagawin ng ayos ang trabaho mo" umalon ang Adam's apple nito kasabay ng pagbato niya ng damit sa kama.

Gustong-gusto ko ng umalis sa harap niya pero ayokong maging bastos. Sana tapusin niya na lang ang pag-uusap namin. Ilang minuto na lang ay tutulo na ang luha ko.

Mabuti na lang at may siwang ang pinto. Dahan-dahan pumasok si Jez na para bang tinatantya ang reaksyon ng kaibigan niya.

Kahit ang kaibigan kong madaldal ay tila nakaramdam din ng takot dahil sa kanya.

"Uh. T.H, excuse lang. Pasensya na sa pangingialam pero hihiramin ko muna si Kaoree sandali" saad ni Jez.

Hindi naman umimik si T.H sa paalam nito kaya madali akong inilabas dun ni Jez papunta sa aking kwarto. Nagsimula akong humikbi hanggang sa lumakas ang pagtulo ng luha ko.

Niyakap niya ko kasabay ng pag-alo niya sa aking likod. "Shhh... Hindi kasi alam ni T.H kaya pinagalitan ka pa niya"

"Hindi naman iyon ang dinadamdam ko. Totoo ang sinabi niya. Nag-aalala kasi ako kay Lolita baka kung anong nangyari sa kanya", basag ang boses ko habang nagpapaliwanag.

Inalis ni Jez ang yakap niya sa akin saka inayos ang buhok ko. Sinuklay niya iyon saka pinusod.

"Ayan ang panget mo na!"

"Hay, nako! Dyosa pa rin ako kahit anong mangyari, Jez"

"Nakuha mo pang magjoke sa sitwasyon mo na yan", pinagtaasan niya ko ng kilay at..."keme lang!"

Tumawa kaming dalawa. Ito ang nagustuhan ko sa kanya. 'Yung pagkatapos kong magdrama kaya niya akong mapatawa agad. Parehas sila ni Melissa kaya mahalaga sila sa akin.

"Kinukumusta ka ni Wyn kanina!" excited na sabi nito.

Hinipo ko ang noo niya. "Luh? May sakit ka ba? Parang hindi ikaw 'yung Jez na kilala ko!"

Alam ko naman kasi hindi siya boto para sa akin. Ayaw niya ko kay Wyn. Obvious naman sa kaibigan kong ito. Pinaliwanag niya naman kung bakit dahil choosy ang pamilya niya sa babae saka balita niya gusto ng magulang ni Wyn na papasukin siya sa kumbento.

Paano na lang ang love story naming dalawa?

Maarte niyang hinawi ang kanyang buhok. "Syempre hindi ka okay kaya pansamantalang supporter mo ko"

"H'wag kang mag-alala hindi ko sinbi sa kanya ang rason. Ikaw ng magsabi", pahabol nito.

Natagalan si Jez sa kwarto dahil sa pakikipagdaldalan sa akin. Ang sabi niya ay may hiking bukas kaya dapat maaga akong gumising. Holiday kasi bukas dahil may Bañamos. Excited akong manood ng Balye sa Kalye.

Balita ko kasali sina Sasha, Bruno at Wanwan doon kaya gusto kong manood.

"O, siya. Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas"

Wala akong ginawa magdamag kung hindi ang magpalipat-lipat ng pwesto. May oras na nasa kama ako minsan naman ay nasa sahig. Hindi ako mapakali kaya siguro hindi ako makatulog.

Hanggang ngayon wala pa rin text si Lucky kahit manlang tuldok.
Ano na kayang nangyari kay Lolita?

Kung pwede ko lang siyang dalawin bukas ay ginawa ko na. Kaso hindi pwede dahil ang pamasahe ko ay ipapadala ko na lang para panggastos nila.

Napagpasyahan kong pumunta na lang sa labas para tumambay sandali. Siguro naman kapag nakapag-isip ako habang pinagmamasdan ang mga bituin ay mapapayapa ang isip ko.

Uupo sana ako papag malapit sa kubo ng matanaw ko sa hindi kalayuan ang lalaking may malaking balikat. Nakatuon ang parehas niyang kamay sa pagpag habang nakalihis ang likod.

Dahan-dahan akong naglakad pabalik ng bahay pero nagkamali ako ng hakbang ng natapakan ko ang isa sa mga puting bato.

"Bakit ka aalis?", baritono ang malamig nitong boses na nagpalamig sa buong katawan ko.

Bahagya akong lumunok. Huminga ng malalim at hinuha ang kung anong pwedeng isagot.

"Uhm. Ayoko lang istorbohin ka" tila nabunutan ako ng tinik ng makasagot ako.

Inintay ko siyang umimik pero wala naman siyang sinagot kaya lumakad ako papunta roon. Tumayo lang ako sa may pagpag habang pinagmamasdan ang lawa.

Tumingin siya sa akin ng seryoso na talaga namang kinatigas ng katawan ko. Bakit kaya ganito ang epekto niya sa akin kahit wala naman siyang sabihin?

"B...bakit?" nanginginig ang labi ko.

Nagmwestra siyang umupo ako. Ginawa ko naman iyon ng marahan.

"Multo ba ko?"

"Ha?"

"Parang takot ka sa akin" wika niya habang nakakrus ang dalawa niyang paa.

"Gawa kasi nu'ng kanina. Pasensya na galit ka", yumuko ako.

"Wala naman akong sinabi na galit ako" unti-unti akong tumunghay para tignan ang reaksyon ng mukha niya.

Naghuramentado ang puso ko. Bakit ang saya ko dahil hindi siya galit? Pero 'yung reaksyon niya kanina parang...

"Kung iniisip mo bakit gano'n ang sinabi ko kanina na dismaya ako paborito kong damit iyon"

"Papalitan ko na lang. Ano bang gusto mo? Damit din ba? Tasa para maiba naman? Keyboard? Ano ba?" sunod-sunod kong tanong. Dahil sa kaba ay hindi ko napigilan ang sarili ko na halos isa-isahin ang mga bagay na pwedeng ibigay sa kanya.

"Ikaw."

Bigla namang nagplay sa tenga ko ang kanta ni Ylona.









Nakakaba....












Nakakabaliw...








Nakakakilig...










Buti na lang at hindi gaanong maliwanag ang buwan kaya hindi niya kita ang pamumula ng pisngi ko.

"Ikaw kung bagay ang gusto mong ibigay" sabi nito saka ibinaling ang tingin sa lawa.

Humawak ako sa dibdib ko kaso wala nga pala kaya naghabol na lang akong hininga dahil sa sinabi niya.

----#HIOR---

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon