52

28 3 1
                                    

Magsasaya

Nagtuloy-tuloy sa pagpasok si Yuan na para bang wala si Marcus sa harapan niya.

"Papasok na ko sa kwarto, Madam." paalam ni Yuan kay Melissa kay tumingin kami sa kaibigan ko.

Madam? Paano naman nangyari 'yon?

Pinanood namin si Yuan na pumunta sa kanyang kwarto hanggang sa mawala siya sa paningin namin. Saan naman kaya ang kwarto no'n?

"Nando'n sa pinakalikod ang kwarto niya. Huwag kayong mag-alala." Sagot ni Melissa na para bang nabasa niya ang aming iniisip.

"Teka. Paano kayo nagkakilala ng pinsan ko?" pagtataka ni Marcus.

"Alis na kami, Kaoree ha." Paalam ni Vanna. Sumama naman ang dalawa niya pang kaibigan.

Tumango lang ako.

"Sila ang nagbabantay ng bahay na ito kaya magkakilala kami. 'Yung lola niya matagal ng katiwala ng parents ko. Saka mahabang kwento kaya hanggang du'n na lang."

Hindi na kami nagtanong kaya hindi na humaba ang usapan. Umupo ako sa isa sa mga sofa roon. Malambot iyon pero halatang luma na dahil ang ilang springs nito ay nakalutang.

Natawa na lang ako sa reaksyon ni Marcus ng muntik lumubog ang pang-upo niya dahil sa biglaan niyang pagkakaupo.

Binuksan niya ang TV saka nagsimulang manood. Nakabusangot ang mukha niya dahil hindi manlang pwedeng i-connect ang TV sa cellphone.

Inabala niya na lang ang sarili niyang magbrowse habang tamad na nilagay ang parehas niyang palad sa batok.

Kinuha ko ang remote na nilagay niya sa mesa. Kahit anong drama na lang ang pinanood ko. Wala naman akong choice kaysa naman walang mapaglibangan.

"Aba! Aba! Ang ganda pala rito." Manghang sambit niya na halos tumayo siya.

Ano naman kayang tinitignan ng isang iyon?

Bahagya akong lumapit. Nag se-search pala siya ng mga pwedeng galaan.

"Melissa, may malapit na beach pala rito saka 'yung mga canoeing." Patuloy lang siya sa pag br-browse habang nakanganga.

Para siyang bata.

Umupo si Melissa na may hawak ng kape. Nagmwestra siyang kumuha na lang akong kape sa mesa. Nakita ko ngang may limang tasa na nandoon.

"Oo, marami. Actually, isang oras lang dito ay pwede ka ng makapunta roon o kaya sa bundok."

Ngumisi si Marcus. Ano kaya kung...

"Alam ko na 'yan! Pupunta talaga tayong beach saka huwag kayong maingay. I'll sure na hindi ito malalaman nina Mama at Papa."

"Bakit gabi ba tayo pupunta?" saad ko sa kanilang usapan.

Nagkatinginan silang dalawa. Parang konektado ang utak nila sa isa't-isa.

"Hindi. Tanghali tayo pupunta pero kinabukasan tayong uuwi!" Parang may planong masama ang boses ng kaibigan ko.

Napangiwi na lang ako at iniwan sila.

Inayos namin ang pinamili ng tatlong magkakaibigan ng dumating sila. Ako at si Yuan ang assign sa pagluluto. Naging excited ang tatlo ng malaman nilang pupunta kami sa beach matapos ng aming tanghalian.

"Oo nga! Marami talagang gwapo roon!" pag sang-ayon ni Sasha matapos humigop ng sabaw.

Binaba ni Vanna ang hawak niyang kubyertos,"Sus. Puro gwapo! Du'n tayo sa mabait!"

"Hindi rin no! Basta ako du'n ako sa mapera." Humalakhak si Vanna.

Malamang kung nasa mood ako baka nakisali na ko sa usapan nila kaso hindi. Sina Yuan at Marcus naman ay napasapo na lang sa usapan ng mga babaeng nasa harap namin.

Nagflip ng buhok si Melissa. Alam kong hindi niya matitiis na hindi makisali.

"Alam niyo huwag na tayong magplastikan!" Malakas ang boses nito at nakataas ang kilay.

Nagclear throat siya. "Alam naman natin na ang gusto nating girls ay mga lalaking mabait pero gwapo. Lalaking mapera pero gwapo."

Humalakhak kaming mga babae sa sinabi niya.

"How about a man with principle?" Hindi lang dahil sa sinabi ni Marcus kaya kami napatingin kung hindi dahil sa pinis niyang pagbigkas ng English.

"Syempre, oo! A man with principle tapos gwapo!" Nakipag-apir si Sasha kay Melissa.

"Agree ako d'yan! Hindi pwedeng mawala ang salitang gwapo!" Mas lalong lumakas ang tawanan namin dahil sa dinagdag ng kaibigan ko.

Napahinga akong malalim.

Wala ng nagawa sina Marcus at Yuan kung hindi ang tumayo. Napakamot sila sa batok.

"Tara na nga, Marcus. Wala na yatang pag-asa ang mga ito." Sabi ni Yuan.

Dahil sa sobrang busog ay napagpasyahan namin mamahinga ng isang oras. Nahirapan akong gisingin si Marcus dahil sa himbing ng idlip niya.

Idlip daw pero mukhang tulog naman ang ginawa.

Ang mga girls naman ay mabilis na gumayak dahil sa excited.

"Ang tagal ko na kayang hindi nakakapagbeach." Sabi ni Vanna habang nagpupunas ng sunblock sa kanyang braso. Inabot niya naman iyon kay Drianne.

"Ako rin eh. Pero alam kong si Sasha, madalas yan sa beach. Hindi ba mahilig si Sachi na maarawan?" pagbaling sa kanya ni Drianne.

Kumunot ang noo ko. Parang narinig ko na 'yung pangalan na Sachi pero hindi ko matandaan kung saan at kailan.

"Well, oo. Pero hindi naman kami nagb-bonding. You know...uhm.. I don't like plastikan." Sinukbit ni Sasha ang shoulder bag niya.

Mukhang ready na siya. Napakaganda niya dahil bumagay ang kanyang tanned skin sa suot niyang puting saklob at spaghetti strap na yellow. Kahit flipflops lang na tsinelas ang suot niya ay mukhang sosyal pa rin ang kanyang dating.

Pero hindi ako magpapatalo, kahit sako pa ang ipasuot sa akin ay talagang maganda ako.

"Let's go, guys!" Nag-ingay ang lahat matapos na sabihin iyon ni Melissa.

Hindi ako nasabihan na mag b-beach pala kami kaya white shirt at puting shorts lang ang suot ko.

Lalo na itong sina Marcus at Yuan, parehas pang nakalong sleeves at pants.

"Alam niyo magpalit kayong dalawa. May mga damit ako ng pinsan kong lalaki dyan sa kwarto ko. Hiramin niyo muna."

Nagdalawang-isip pa sila.

"Dali na!" Tinulak sila ni Melissa papunta roon.

"Ikaw rin. Magpalit ka. May floral dress akong dala rito."

Wala rin akong nagawa kaya nagpalit din ako. Binigyan niya pa ko ng maraming choices na damit para raw sa party mamaya sa beach.

"Chance mo na to' para makahanap ng bagong boylet!" Ewan ko ba kung namimiss ko lang si Jez o magkatunog na sila ng boses.

Nagkrus ang kanyang braso. "O, ayaw mo ng bagong boylet?"

"Alam mo kung gusto ka talagang kausapin ni T.H. Matagal niya ng ginawa saka mukha namang wala na siyang paki sa'yo." Sabi niya saka umunang lumabas ng kwarto para tignan kung tapos ng magbihis ang dalawa.

Ngumiti akong pilit. Siguro nga wala na siyang pakialam sa akin, o sa simula palang wala talaga siyang paki.

Kaya ngayon, kailangan kong sumaya ng wala siya. E-enjoyin ko ang araw na to' hanggang mamayang gabi. Hindi ko hahayaan na para siyang isang mantsya sa damit na hindi ko kayang alisin.

Tama, Kaoree. Kaya mo 'yan!

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon